Meet Up

7K 47 0
                                    

It was Monday nung nagkita kami at pumunta kami sa bahay nila. Hindi siya nakatira sa subdivision. Yung bahay nila may space sa iba pang bahay, hindi dikit-dikit hindi tulad ng mga bahay sa isang subdivision.

Nagbihis na kami bago mag-exercise. Nasa may sala kami noon at nagtanggal siya ng damit habang papunta siya sa kwarto niya kahit alam niyang makikita ko. Hindi siya nailang kasi pareho kaming lalaki pero hindi niya alam na may kakaiba sa aking nararamdaman. Sobra akong namangha sa katawan niya, nagcrave tuloy ako. Pumunta siya sa may kwarto, kukuha siguro ng damit pang-exercise. Pumunta ako sa may cr na itinuro niya bago siya pumasok ng kwarto. Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na agad ako at siya'y nasa sala na rin. Naka sando siya kaya't kitang-kita ang muscles ng braso niya.

Inumpisahan namin ang exercise sa jogging at pagkatapos ay warm-up. Sinundan namin ng push-ups at sit-ups. Pagkatapos ay nagwater break muna kami. Pagkatapos uminom ng tubig ay ginamit na namin ung iba niyang kagamitan na panggym. Inalalayan at tinuruan niya ako.

Ilang oras ang naging training namin at pagod na pagod ako nung natapos. Pagod na pagod na pagod na pagod ako samantalang siya'y pagod lang. Pagkatapos ay kumain kami at nanood ng movies. Inalok ko siya na baka gusto niyang magpamasahe kapalit man lang sa mga naitulong niya sa akin. Pumayag siya dahil ginagawa daw sa kanya iyon nung kapatid niya noong kasama pa niya.

Ang pinakareason ko is mahawakan siya. Nagpunta kami sa kwarto niya at dumapa siya at ako'y nasa may bandang kanan niya. Nagustuhan niya ang pagmamasahe ko sa kanya at pinuri ako. Sinabi ko sa kanya na mas masarap iyon kung wala siya suot na damit. Agad naman niyang tinanggal ang kanyang damit at dumapang muli. Hinihimas-himas ko na ang mismong balat niya, balikat niya, braso niya at likod niya.

Maya-maya pa ay nakatulog na siya. May mga bagay na pumasok sa utak ko. Mga bagay na magpapaligaya sa akin pero hindi ko ginawa dahil ang bagay na ito ang maaaring magsira sa pagiging kaibigan namin. Tinabihan ko na lang siya at maya-maya ay nakatulog na rin ako.

Halos sabay kaming nagising, nauna lang siya. Pagmulat ko ay nakangiti siya sa akin habang ako'y nakayakap pala sa kanya. Agad akong kumalas sa pagkakayakap ko at humingi ng pasensya sa kalikutan ko sa pagtulog.

Bumangon na kami at maya-maya pa ay umalis na rin. Hinatid niya ako. Pagka-uwi ko ay agad akong nagtungo sa kwarto ko. Napakasaya ko. Ang daming katanungan ang gumulo sa aking isipan. Pero dahil na rin sa pagod ay nakatulog ako agad.

Sabik Sa Kapwa LalakiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon