Unexpected Friend

8.3K 63 0
                                    

May isang lalaki ang tumigil at bumaba ng motor. Pumunta ito sa may tindahan ng tita ko at hinahanap si Tito Gab dahil oorder daw ito ng baboy. Nagpapaalaga kasi si Tito Gab ng baboy at pag malaki na ay ipagbebenta na niya, iyon ang negosyo niya. Sinabi ng tita ko na nasa bahay si Tito Gab at ako ang inusap ng tita ko na sumama dun sa lalaki papunta kayna Tito Gab. Ako ung inusap ng tita ko kasi nakatambay lang ako noon at wala namang ginagawa.

Sinamahan ko ung lalaki. Hindi na kami nagmotor kasi sinabi ko na medyo hindi kagandahan ang ilang lupa na aming madadaanan kung kaya't baka mas matagalan pa. Naglakad kami at nagkwentuhan. Open siya kaya mabilis ko siyang nakasundo. Nalaman ko rin na isa siyang pulis at 28 years old pa lang. Jeric ang pangalan niya. Pulis pala siya kaya pala maganda ang tindig at hubog ng katawan niya. Kitang-kita rin ang pagkamacho niya kahit may saplot pa.

Mabilis ang naging pag-uusap nila ng tito ko at pagkatapos ay sinamahan ko ulit pabalik naman. Nang nakabalik kami ay nagpasalamat siya at umalis na.

Pagka-uwi ko ay agad akong nagbukas ng facebook at hinanap siya. Nang makita ko ay inadd ko na agad siya. Maya-maya ay may new notification at umaasa ako na inaccept niya ang friend request ko. At hindi naman ako nagkamali. Nagkachat kami at hindi nagtagal ay nagkatext din.

Mas lalo namin nakilala ang isa't-isa. Ang parents niya pala ay nasa ibang bansa kasama mga kapatid niya. Siya na lang ang nandito and soon ay baka sumunod na rin siya. Siya ang panganay at namimiss niya na daw ang pagiging kuya sa mga kapatid niya. Sinabi ko naman sa kanya na solong anak ako at minsan naghahanap ako ng pag-aalaga ng isang kuya. Sinabi niya sa akin na ituring ko muna daw siyang kuya at pumayag ako. Nalaman ko rin na wala siyang trabaho tuwing Monday. Sinabi ko sa kanya na wala akong pasok every Monday. Sinabi niya na magkita daw kami minsan. Sinabi ko sa kanya na tulungan na lang niya ako na gumanda ang katawan ko. Pumayag siya at sasamahan daw niya akong maggym pero sabi ko ayaw ko ng masyadong magastos. Sinabi niya na sa bahay na lang daw nila dahil may ilang kagamitan siya na panggym. Hindi na ako tumanggi at nagpakipot pa. Ang totoo gusto ko lang talagang makasama siya ng matagal. Isa pa, baka makita ko ang maganda niyang body kapag nagpatulong ako sa kanya sa pagpapaganda ng katawan ko.

Sabik Sa Kapwa LalakiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon