Prologue

10.9K 262 90
                                    

Napatingin ako sa cellphone ko ng tumunog ito, nagpapahiwatig na may tumatawag sa akin. Napakunot ang noo ko ng makita ang caller.

Dad calling...

I picked up the call while grabbing some bread.

"Sup, dad" I answered as I take a bite of the bread.

"Sup,dad?! Really Isla?" Sabi nya na hindi makapaniwala nagkibit balikat lang ako na tila nakikita niya ako ngayon. Nginuya ko muna ang kinakain ko bago sumagot.

"Bakit po pala kayo napatawag?"

"I heard what happened, may ginawa ka na namang kalokohan" seryosong ani nya. Nakaroon ng gatla ang noo ko.

"Which one?" Tanong ko na nakaani ng singhap mula sa kanya.

"ISLA!" sigaw nya kaya nilayo ko ng kaunti ang cellphone sa tenga ko.

"Geez dad calm down" kalmadong sabi ko at nilapat ulit ang cellphone sa tenga ko.

"Calm down?! How can I calm down?! Alam kong marami kang ginagawang kalokohan diyan sa america but for you to answer me which one?! God! Ilang kalokohan ba ang ginagawa mo diyang bata ka?!" Histerikal na ani niya sa akin.

" Konti lang po ang ginawa kong kalokohan" nakangusong ani ko. " So which one nga po". Bumuntong hininga muna siya bago sumagot.

" The latest one" kalmadong usal niya na alam ko kahit hindi ko nakikita ay hawak na niya ang kanyang sintido.

" Oh that? Inasikaso na yun ni kuya dad kaya wala kang dapat ipag-alala" sabi ko.

"Walang dapat ipag-alala?! Isla you almost killed someone!" Bigay diin niya, as if that will knock me some sense of what I did.

" Almost killed someone is overrated dad, malayo pa po doon yun" paliwanag ko.

" Malayo?! He is comatose because of what you did!" Sabi niya na ikinagulat ko.

"Really? Tss weakling" sabi ko at umupo at nagpatuloy sa pagkain.

" Isla, watch your words! Kung hindi lang dahil sa kuya mo, malamang nakakulong kana naman. Kailan ka ba magtitinong bata ka? Sakit ng ulo nalang lagi ang binibigay mo sa amin" nawawalang pasensyang sabi niya.

"I'm just exploring dad balang araw titigil na po ako" sabi ko nalang habang inuubos ang kinakain ko.

" And when is that?" Tanong niya at napatigil naman ako saglit at nag-isip.

Kailan nga ba?

" Hindi ko pa po alam. Hayaan mo nalang po muna ako please?" Paglalambing ko dito.

"No, nakakarami kana. I've dicided na pauwiin kana sa pilipinas. And you're staying here for good. Siguro naman magtitino kana dito?" Saad niya sa akin.

"What?! Dad you can't do that to me! I love it here!" Sa pagkakataong ito ay ako naman ang napataas ang boses.

"Well sweetie you don't have a choice but to obey me. Babalik ka dito at dito kana mag-aaral sa ayaw at sa gusto mo." Pinal na sabi niya.

Magproprotesta pa sana ako kaso binaba na niya ang tawag leaving me without a choice. Pano na to? I love it here. Why do I need to go back? I enjoy it here. I have a life here. How could dad do this to me?

My friends are here, kuya is here. Hindi naman malala ang ginawa ko.

Or is it?

But it's not my fault! He started it without knowing who is he dealing with. Not my fault he's spending his life in a hospital with 50 percent chance of living. Hindi ko kasalanang mashado siyang mayabang, hindi ko kasalanang mashado siyang mahina at na coma siya.

I don't wanna go to the Philippines. I grew up here in america, kahit hindi halata dahil fluent ako sa wikang filipino. Hindi ko kilala ang bansang sinilangan ng mga magulang ko.

I visited once, it's summer that time and it's a big culture shock for me to the point I don't want to go back again. But here I am, about to stay there for good.

And I know I have no choice left.

Napabuntung hininga nalang ako at humiga sa kama. Matutulog nalang ako. Mashado akong nanghihina just the thought na mananatili na ako sa pilipinas.

Naalimpungatan ako ng maramdaman kong may yumuyugyug sa akin. Dahan dahan kong minulat ang akin mga mata at nabungaran ko si kuya. Pagkakita ko sa kanya ay umupo ako sa kama at nagkusot ng mata.

"Kuya" medyo paos na ani ko, naghikab pa ako at nag-unat.

" Hey, sorry for interrupting you. May sasabihin lang ako" mahinang ani ni kuya.

"Okay lang kuya" ani ko at nag inat. "Ano yun?".

" Yung mga magulang nong na coma galit na galit, gustong magsampa ng kaso laban sayo but I managed to stop it don't worry" kwento niya at umupo sa kama ko.

"Hindi naman po ako nag-aalala eh, alam ko namang gagawin mo lahat wag lang akong makulong" paglalambing ko dito.

"Syempre you're my princess. Ano ba kasi talaga ang nangyari?" Ginulo niya ang buhok ko.

"Ang yabang eh, di ako nakapagpigil kaya ayon......" Nakangusong sabi ko at hindi na pinagpatuloy ang pagsasalita, ayaw ko ikwento bawat detalye nang pangyayari iyon because it doesn't matter anyway. Gets na ni kuya yun. Bumuntong hininga naman ito.

"Next time kasi wag kanang magpadalos dalos ha" sabi nito.

"Opo. Ayy kuya may sasabihin din pala ako" umayos ako ng upo bago nagsalita.

"Pinapauwi ako ni daddy sa pilipinas and I'm staying there for good" malungkot na sabi ko.

"Actually nasabi na yan ni daddy sa akin. Bukas ko nga aasikasuhin lahat ng papeles mo" sa sinabi niyang iyon ay mas lalo akong nalungkot.

"Oh bat ganyan ang mukha mo?" Inangat niya ang mukha ko at sinuri. " 'bat ka malungkot?"

"Pano ka kuya? Tsaka ayoko pong bumalik doon" maspinalungkot ko pa ang mukha ko.

"Gustohin ko mangpigilan ang pag-alis mo ay hindi pwede. Hindi ko na mapigilan si dad. Mashado siyang galit sa ginawa mo. I'm so sorry princess" Sabi niya at niyakap ako. I'm disappointed but I can't really do anything about it.

"Ganito nalang princess, think of the people na makakasama mo na doon. Tapos you can still explore something new there. Be optimistic" nakangiting ani niya.

Napaisip naman ako at dahan-dahang napangiti.

"You're smiling princess" tudyo niya. Napasimangot naman ako.

"Kuya naman eh"

"Just kidding princess. Just be happy and explore. May magaganda rin namang experiences doon sa pilipinas" pangungumbinsi niya. Tumango nalang ako.

"Come on let's grab some dinner. What do you wanna eat?"

"Anything's fine" simpleng saad ko.

Nalulungkot parin ako na iiwan ko si kuya dito. Pero gaya ng paulit-ulit ko nang sabi wala akong magagawa.

Kuya and I went out for dinner and we talked about some random stuff. And I enjoyed it as much as my brother do. After that we decided to go home and rest.

Habang nakahiga sa kama ko. I'm busy thinking about everything that has happened and I can say that my day was hectic and stressful day. Ipinilig ko ang ulo ko at nag desisyong matulog na lang.

Isla BrooklynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon