Isla's POV
"I can't believe y'all! 'bat ganyan mga reaksyon nyo? Maganda naman talaga ako ah" inis na saad ko.
"Well we just can't believe you're that boastful" sambit ni dad.
"Kapamilya ko ba talaga kayo? Buti pa si kuya Aino araw-araw akong sinasabihan ng maganda" nakangusong ani ko. "Tsaka totoo naman ah. I'm beautiful" dugtong ko at nag hair flip.
"Beautiful? Saan banda?" Kuya said.
"Di mo ba ako nakikita kuya? Bulag ka ba?" Kunwaring gulat kong sabi
"I'm not blind Little sis. Sadyang di kalang maganda" balik na pangiinis niya sa akin.
"If I'm not pretty, you're also not handsome magkadugo tayo remember" mataray na bawi ko.
"Hindi mo pa ba alam?" Malungkot na sabi ni kuya. Napakunot noo naman ako. "Dad why don't you tell her? Bakit hindi mo pa nasasabi sa kanya..." Baling ni kuya kay daddy at sadyang binitin pa talaga ang sinabi.
".... Ampon kalang Isla. I'm sorry na kailangan sa akin pa manggaling ito. Dad won't tell you about it kaya ako na ang magsasabi sayo" malungkot na saad niya. Malungkot naman akong lumapit sa kanya at yumakap.
Humihikbi akong nagsalita "Salamat dahil sinabi mo sa akin to kuya. Pero...." Pambibitin ko rin dito.
"Pero ano little sis" nakayakap sa akin si kuya habang hinihimas pa ang likod ko.
Humikbi ulit ako bago nagsalita. " Pero kung may mukha mang ampo dito ikaw yun" Sabi ko at sinabununutan siya. Gustong gusto ko talagang kalbuhin tong kuyang kong to.
"ARAYYYYYY!!! little sis bitaw!!" Tiling saad niya at pilit tinatanggal ang kamay ko mula sa ulo niya.
"Dad, mom help me!!!!!" Sigaw pa nito. Para talagang bakla.
"Kuya kung makasigaw ka para kang bakla" Sabi ko nakahawak parin sa buhok niya at hinihila ito pababa.
"Hindi ako bakla! Amazona ka lang talaga. Bitaw na please!!! Suko na ako, ikaw na!" Hinampas pa nito ang lamesa bilang 'Tap out' binitawan ko nalang siya dahil na rin sa nagbabantang tingin nila mommy at daddy.
Bumalik nalang ako sa pwesto ko. Inayos rin ni kuya ang magulong buhok niya at ang gusot sa business attire niya.
"That's enough kahanginan and let's just continue to eat habang mainit pa ang pagkain" awat ni mommy.
"At ano bang sabi ng mommy niyo? Respect the dinner table. Bat ba ang titigas ng ulo nyo?" Seryosong panenermon ni daddy. Yumuko nalang ako sa pagkain ko.
"I'm sorry dad" sabay na sambit namin ni kuya.
"Wag kayo sa akin mag sorry. Sa mommy nyo kayo magsorry" sambit ni dad.
"We're sorry mom"
"It's okay basta wag nyo na uulitin. Pwede kayong magaway kahit saan sa bahay nito. I don't mind. Pero please wag sa hapag kainan ha?" Malambing sabi nito. Tumango naman kami at kumain na.
Pagkatapos kumain ay nagpaalam na ako na papasok na ako sa VU. Hindi na ako nagpahatid sa driver namin at naglakad papuntang kanto para doon mag abang ng sasakyan.
As far as I know kasi. Walang pumapasok na public vehicle sa village nato for the reason na mayayaman ang mga nakatira dito at mahigpit ang sekyuridad sa loob ng village.
May sarili akong sasakyan pero I choose to commute para in character talaga ako. Sorry for being conyo and all nakasanayan lang.
May nakita akong papalapit na taxi sa pwesto ko kaya pinara ko ito. Nanghuminto ito ay sinabi ko agad kung saan ako pupunta. Bahagya pa itong nagulat.
Ewan ko kung sa pangalan ng paaralan o sa mukha ko siya nagulat. Tsk.
Pagkarating namin sa harap ng malaking gate ng VU ay nagbayad na ako bago bumaba. Nang makita ako ng guard ay ipinakita ko agad ang I.D ko para wala siyang masabi.
Nakita ko pa ang bahagyang paghagod niya ng tingin sa kabuohan ko at ang tingin niyang nandidiri sa akin.
Wow naman kuya.....
Pumasok nalang ako baka masuntok ko pa yung guard. Kung makatingin kala mo.... Hmp.
Habang naglalakad ako ay maraming nakatingin sa akin at nagbubulungbulungan.
This kind of scene na nabasa ko sa librong yun. Tsk cliche. And yep binili ko yung librong nakita ko sa bookstore. I'm not a book lover or whatever binili ko lang for 'preference'?
"Sino yan mga beh? Bat ang pangit naman ata" narinig kong bulong nong isang babae sa mga kasama niya.
"Sinabi mo pa. Pano kaya nakapasok yan dito"
"Oo nga. Pero baka umakyat ng bakod yan."
"Tsk ambisyosa"
Napastraight face ako sa mga naririnig kong bulong ng mga kasama niya. Tsk ewww low class.
"Pre dumating na pala yung jowa mo oh" sambit nong isang lalaki nong nakita niya ako.
"Tang*na pre ang pangit nyan. Mas maganda pa paa ko dyan eh" Sabi nong barkada niya at binatukan pa ito. Nandidiring tinignan ako nito kaya nag katitigan kami.
"Tingin tingin mo dyan?" 'maangas' na sabi nito.
"Wala naman. Tinitignan ko lang kung totoo ba ang sinasabi mong mas maganda pa ang paa mo kesa sa akin" sagot ko at tinignan siya mula ulo at paa.
"Aba maangas ang kutong lupa" nakangising sambit nito.
"Aba nag salita ang paa" banat ko dito.
Tumawa naman ang kasama niya.
"Pre mukha ka raw paa" natatawang sambit nito.
Umalis nalang ako sa harap nila habang hindi pa nila ako napapansin. Mag aaksaya lang ako ng oras sa kanila and I don't want that.
Habang patuloy akong naglalakad ay parami ng parami ang mga bubuyog na nakikita ko.
Seriously? What's wrong with this people? Akala ko ba mga mayayaman ang mga andito pero bakit mga kilos..... nevermind.
Pumunta nalang ako ng principal's office para kunin ang schedule ko. Buti nalang ay may binigay na mapa sa akin kaya hindi ako naliligaw.
Pagkarating ko sa tapat ng pinto ng principal's office ay kumatok na ako.
"Come in" rinig kong sabi kung sino man ang nasa loob kaya pumasok na ako.
"Good morning sir." Bungad ko.
"Good morning too miss?" Sabi nito.
"Miss Poppy Young" pagpapakilala ko dito.
"Okay miss Poppy you may take your sit" sambit nito at umupo naman ako.
"Joke lang tito ano ba ako to!" Natatawang sabi ko, kumunot naman ang noo nito.
"Who?" Nagtatakang sambit nito.
"Isla the one and only" Sabi ko.
"Isla? Ikaw ba yan? Bat ganyan ang itsura mo?" Sabi nito at lumapit sa akin at yumakap.
"Yes tito it's me, kakauwi ko lang kahapon. Trip ko lang po hehehehe" saad ko.
"I really thought may ibang transferee bukod sa anak ng kumpadre ko" nakangiting sabi nito.
"Di mo po ba ako nabosesan?" Kunwaring malungkot kong sabi.
"Hindi hija. Matagal na rin nong huli tayong nagkita kaya medyo alam mo na nakalimutan ko na" paliwanag nito. Tumango naman ako at hiningi na Ang schedule ko bago lumabas ng office.
Habang naglalakad papunta sa classroom ko ay may humarang sa akin sa daan.
Limang mga impakta. Typical b*tches in schools.
"Well well well look who's here" sambit nong nasa gitna. Siya ang pinakamataray na canal sa kanilang lahat.
Huh? Sino to?
BINABASA MO ANG
Isla Brooklyn
Short StoryIsla live in the America not until her father called and tell her to go back to the Philippines and stay for good. Being a mischievous girl that she is. Her stay won't be that boring right? A little adventure Isla did while staying in the Philippine...