Chapter 32

1.1K 88 9
                                    

Darren's POV

Hindi ko kasama si Greeny. Nandun sya sa baba kasama yung mga pinsan ko.

Ako lang mag isa, Kasama ko kasi Lola.. Nandito kami sa kwarto nya.

"Lola.. Diba po birthday nyo na Next Week?" tanong ko. Si Lola naman may inaayos sa Cabinet nya. Namiss ko sya!

"Oo Apo. Ka gwapo mo talagang bata ka. Napapanuod kita sa Telebisyon.. Mas gwapo kapa sa Daddy mo" sagot naman ni Lola.

"Hahaha. Thank po Lola. By the way po.. Gusto ko po sanang icelebrate yung birthday nyo.. 1 week lang po kasi kami dito.." sabi ko.

"Talaga Apo? Kelan mo ba gustong mag celebrate? Bago kayo umuwi ng Girlfriend mo?" tanong ni Lola.

"Yes po Lola?" sabi ko.

Greeny's POV

Baliw talaga si Boss! Sobra sobra na sya huh! Kanina ko pa gustong lumubog nalang sa lupa. Nakakahiya kasi!

Pinakilala nya pa akong Girlfriend nya. Wew! Napaka nya! Napaka pafall.

Tapos ngayon iniwan nya ako dito sa mga pinsan nya.. Pati tuloy mga tita's nya nandito.

Tanong sila ng tanong kung paano daw naging kami ni Darren. Wew. Paano nga ba eh hindi naman talaga kami.

"Greeny.. Paano naging kayo?"

"Ayieh! Hindi nya masagot sagot dahil kinikilig sya.."

"Greeny sabihin mo na kung paano naging kayo ni Darren" sabi ng Tita Bea ni Darren.

Pabuka na yung bibig ko nang biglang may sumagot sa Likod.

"Simple lang.. Nainlove ako sakanya.."

HINDI TOTOO YAN!

Si Darren po nagsalita mga kapamilyaXD

"Yun naman pala eh!!!"

"Ow inlove si bebe boy!"

"Isang I love you naman dyan!"

"Ang lucky mo talaga Girl!"

"Edi wow"

Pangangantyaw ng mga pinsan nya. First time ba magka girlfriend si Darren? I mean, First time bang magsabi si Darren na nainlove sya?

"Basta dude. Tandaan mo.. Walang Forever!" sabi ni Denver at inakbayan si Darren.

"Lol." sagot naman ni Darren.

My Unexpected Girlfriend (Darren Espanto Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon