Chapter 5

1.4K 102 0
                                    

Greeny's POV

"Ano bang pangalan mo?" tanong nya.

"Alinah Greeny Manansala" sagot ko.

"Sinabi ko bang buong pangalan ang sabihin mo?" sabi nya ang sungit talaga.

"Ang sungit mo naman! Ikaw anong pangalan mo?" tanong ko.

"Ako pa talaga ang tinanong mo sa pangalan ko?" sabi nya.

"Eh sino ba talaga ang dapat tanungin? Yung Guard? Oh si manong surbitero?" pilosopo kong sabi.

"Tch, Hindi mo ba ako kilala ha?" sabi nya.

"Siguro kung kilala kita, baka hindi ko na tanungin pangalan mo.." sabi ko.

"Tch, Darren!" sabi nya.

"Ano? Darren pangalan mo?" hindi ko kasi masyadong na rinig e hininaan nya.

"Wag ka ngang maingay! Syempre pangalan ko yun! Ano gusto mong sabihin ko? apilyido ko? Pangalan nga tinanong mo diba!" sabi nya.

"Oo na oo na, Bakit ka nga pala laging naka jacket? Summer pa ah!" sabi ko. Totoo naman! Lagi syang naka jacket kaya nga kala ko kanina snatcher din sya e , naka hood kasi sya. Wanted na ata dinaig pa ako.

"Malamang baka pagkaguluhan ako" sabi nya habang nakatingin sa cellphone nya. Take note, Ang laki. Edi wow!

Sarap sanang isnatchin yung phone nya ang laki laki kasi

"Bakit ka pagkakaguluhan artista kaba?" Tanong ko.

hindi naman sya sumagot.

"Kung artista ka.. bakit hindi kita kilala? bakit wala kang kasama kapag umaalis ka?" tanong ko.

"Ewan ko sayo! Uuwi na ako nandyan na yung sundo ko eh! Bukas ha! yung usapan natin" sabi nya.

Ngapala, napag usapan namin kanina na magkita sa mall kung saan una kaming nagkita. May papagawa daw sya sakin e, syempre ayoko magkaroon ng utang na loob sakanya kaya pupunta ako.

"Bye" sabi ko.

Gabi na pala,Wala pang bantay si Niña. Babalik nalang ako sa hospital.

My Unexpected Girlfriend (Darren Espanto Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon