Epilogue.

1.7K 77 21
                                    

Darren's POV

2 months ago.

Birthday ngayon ni Green. Syempre kailangan i celebrate yun.. Kumuha kami ng resort para dun ganapin ang Birthday nya.

Actually hindi nya pa alam. Nagpatulong ako kay Paulo at Juan Karlos. Yeah! Nag meet na si Juan Karlos at Green. Sabi pa nga ni Juan Karlos maganda daw si Green.. aba aagawan nya pa ata ako. Joke!

"Okay na ba lahat?" tanong ko kay Juan Karlos na kasalukuyang inaayos yung mga lobo tapos hinahagis nya sa pool. Mga pakana e.

"Basta alam mo na kung anong gagawin mo huh!" sabat naman ni Paulo na inaayos yung mga pagkain.

"Oo na oo na.. kaso kinabahan ako e. Baka kasi magalit yun!" sabi ko naman.

Sabi kasi nila kidnapin ko daw si Green. Para pagdating dito masusurprise sya. Nako ha! Baka sakin naman yun magalit!

-
Papunta na ako ngayon sa Hospital para sunduin si Green. well, malapit lang naman yung Hospital dito e.

Nahanda ko na rin yung panyo ko na may halo halong pabango. Para daw mahinatay effect si Green. Tch. Pakana talaga ni Juan Karlos e.

Pumunta ako sa Kwarto ni Niña at naabutan kong hawak ni Green yung phone na niregalo ko sakanya nung First Monthsary namin.

"Hi Green." sabi ko.

Hindi naman sya kumibo.

Nilapitan ko sya then, "Green naman e" sabi ko.

"Ha? Ano yun?" sabi nya.

"Busy ka? Ano bang ginagawa mo?" tanong ko.

"May binabasa kasi ako sa Wattpad.. Kinikilig nga ako e. Fanfiction pala natin to" sabi nya then pinatingin sakin yung binabasa nya.

My Unexpected Girlfriend yung Title.

"Ahm, Maganda ba?" tanong ko.

"Oo. parang love story natin. Pero wait nga bakit ka nandito aber? Wala ka bang Mallshow? or hindi kaba Busy?" sabi nya.

"Ahm, Pumunta ako dito kasi nagpapasama ako sayo. Samahan mo nga ako please" sabi ko

"Oh tara na" sabi nya.

Pumunta kami sa Parking Lot then.. Itutuloy ko pa ba to? Ipapa amoy ko pa ba sakanya yung panyo na to?

Pero kung hindi ko naman gagawin, Hindi matutuloy yung Party namin.

"Green" sabi ko.

Lumingon naman sya sakin then..

"Hajsbsksn" sabi nya tapos nahimatay na sya. Tinakip ko kasi sa ilong nya yung panyo.

Ang sama kong Boyfriend! Mga pakana talaga ni Juan Karlos e.

Sinakay ko na sya sa Van then tumuloy na kami sa Resort.

Nang nasa resort na kami binuhat ko sya papunta sa kwarto then hinayaan ko syang matulog.

--

Greeny's POV

Nahihilo ako shemay ano bang nangyayari sakin -__-

Pagmulat ko nang mata nakita ko agad yung kisame. Teka nasa Parking Lot ako kanina ha. Pano ako napunta dito?!

"Darren! Ren.." sabi ko. Sya lang naman kasi yung kasama ko kanina e.

Tumayo ako at tumingin sa bintana dito sa kwartong to.

My Unexpected Girlfriend (Darren Espanto Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon