Elise's
Days past and I can say, comfortable na talaga ako kay Gabriel. I like talking to him so much.
Lately, natutulog na kami ng almost 1 or 2 am. Tas pagka-gising ko "good morning" nya na agad ang bumubungad sakin, then tuloy-tuloy na ang usap namin.
Everyday we talked na parang naging routine na namin yon. I was happy again. Thanks to him.
----
Enrollment came, buti na lang ma-aga ako natapos and makaka-uwi na ko agad samin. Si Gabriel sa last day daw sya mag e-enroll. Anyway, why do I care?Napa-isip tuloy ako, sa personal kaya close pa din kami? Awkward akong tao kaya malamang awkward kilos ko pag nagkasama kami.
Ghad! nababaliw ako kaka-isip kung paano ako a-akto pag nagkita kami. Should I smile? Should I greet him?
Tama na Elise. Stop making scenario!!!
----
"Naka-uwi ka na pala" Gabriel chatted me 1 hr ago. Asa byahe ako kanina. Ngayon nandito ako sa bus nag-a-antay na lang umalis.
Dalawang byahe kasi pa-uwi samin. Bali simula Lucban, sasakay ako ng jeep pa-Lucena, tas baba ako sa grand terminal tapos don sasakay ng bus pa-Candelaria.
"Oo eh, maaga din natapos" I replied to him, then continue to eat my Jolly Hotdog. Nakasanayan ko na tuwing u-uwi ako ng solo, bibili ako ng Jolly Hotdog sa Jollibee. It's been my comfort food since then.
"Sayang, libre na sana kita ice cream." oo nga pala, may pustahan kami at kung sino matalo manlilibre ng ice cream. Obviously, sya talo.
"Next time" I told him. Di naman sa pag-i-isipan ko pa yon. Kung di nya nga tupadin okay lang. Kaya ko bumili ng ice cream.
Paalis na ang bus na kinasasakyan ko kaya nag offline muna ako. I put my earphone on.
Sayang.
-------
Ang bilis ng panahon. Biruin mo, prelims na agad, buti na lang last day na bukas.
Fortunately, di pa kami nagpapanagpo ng landas ni Gabriel. Di ko alam ikikilos ko sa harap nya lalo't ina-asar pa din ako ng mga kaibigan ko sa kanya. Kakahiya.
"Good luck sa exam bukas" Gabriel chatted me. Almost 2 hrs ago. Hindi ako active ngayon kasi nag-a-aral ako.
Meron kasi kaming biochemistry subject na exam bukas. Medyo mahina ako sa acads kaya kailangan mag-sipag. Swerte na lang na na-unawaan ko mga turo ngayon kaya madali na lamang pag re-review.
Confident akong makakapasa ako. Kaya naman chill lang ako bukas neto. Ayaw ko kasi na nag-a-aral bago mag-exam. Pakiramdam ko na pe-pressure ako. Brain needs rest and kailangan ko din i-kalma utak ko bago mag-exam kundi mas lalo akong walang naisasagot
"Buti ka pa gets mo yan." Gabriel chatted me again. Di nya daw magets ibang topic sa Biochemistry.
"Turuan kita?" I asked "Ano oras ba exam nyo?"
"After lunch pa, kayo ba?"
"Lucky!! 10 am kami until 11 am" sana all more time. Pero mas okay na din meron pa kong 1 hr para turuan sya
"After exam namin turuan kita. San tayo magkita?" I added
"Third floor na lang. Thank you!" he replied. "Sakto lilibre kita ice cream after exam namin" ah oo nga pala sabi nya lilibre nya na ko. Tagal na daw kasi. Honestly akala ko limot nya na.
-----Kinabukasan
The exam was easy. I mean, alam ko pasado ako. I remembered all the important things na kasama sa exam kasi bibigyan ko ng clue mamaya si Gabriel.
Di naman sa cheating yon no? Sasabihin ko lang naman alin kailangan nyang tandaan eh. Bahala na.
"Hi! Pasensya na ma-ulan kaya na-late" shit! Naandito na kami sa 3rd floor, sa library. Kinakabahan ako, bakit?
"Okay lang! Akala ko lang na-andito ka na eh, sabi mo kasi sa chat"
"Ah! Ma-aga lang ako pumunta pero nakitambay muna ako sa dorm ng kaklase ko habang iniintay ka" sweet.
I started teaching him until lunch break na. We continued pa saglit tapos niyaya nya na ko for lunch.
Nakakahiya kasi nakita ko ibang classmates ko. We silently eat, awkward. Sabi na ang awkward ko talaga.
When we finished eating, hinatid nya muna ako sa sakayan ng trike para umuwi sa dorm ko tapos don ko sya i-intayin.
"Ingat ka ah, wait mo ko" he said while smiling widely then I nodded.
While watching him walk away I realized something.
I am smiling. I didn't know na nakangiti na ko kundi pa ko mapapatingin sa salamin.
Why am I smiling like an idiot anyway?
YOU ARE READING
Fated
Short StoryThe day after break up, Elise went home and ditches her classes. Little did she know because of this poor decision she will met this guy named Gabriel. Will she find a new love? Or she have another heart break? Prologue I know this day would come b...