Simula

115K 1K 14
                                    

(c) Kingstonj
Simula

Sa high school at college, may mga pangyayaring ganito. At yung iba, pinag daanan na ng ibang tao.

At isa ako sa mga taong yun.

Isa sa mga taong nakaranas na ng kakaibang pakiramdam na ito. Yung pakiramdam na, gusto mo siya ngunit imposibleng maging kayo.

Yung hanggang tingin ka na lang at hindi makalapit? You're nothing but just a fangirl. At hinding hindi ka niya mapapansin dahil napakarami ng tulad mo.

Kahit hindi naman sa'kin yung taong yun, halos mamula na ako sa inis kapag may kasama siyang iba kahit sa totoo lang, hindi naman niya ako kilala.

Hindi alam na na umiiral ako sa kaniyang mga mata. O sadiyang manhid lang talaga siya at hindi niya magawang mapansin ang aking presensya.

Para sa kaniya, isa ka lamang sa mga taong nakakasalamuha niya araw araw.

"Papansin!" Tinapunan ako ni Trisha ng isang masakit na tingin. Ngunit hindi ko siya pinansin.

Sa totoo lang, wala akong pake sa kaniyang presensya. Nagpatuloy lang ako sa pag huhugas ng kamay sa gripo na nasa aking harapan.

Hindi ko man lang napansin na nakasunod pala siya sa akin. Basta tungkol kay Yael, hindi talaga siya magpapahuli.

"Hindi ako papansin Trisha. Kasalanan ko ba kung bakit niya ako kinasaup?" Wika ko at isinara ang gripo upang itigil ang pag agos ng tubig mula rito.

Pinagmasdan ko ang pag awang ng pulang pula niyang labi dahil sa sinabi ko.

Pasalamat siya, hindi ako ang klase ng babae na handang makipag basag ulo. Pinalaki ako ng mga magulang ko na huwag manakit ng tao. Ngunit kapag inapakan na ang karapatan ko, lalaban talaga ako.

"Bye." Malamig kong sabi sa kaniya at padabog na isinara ang pintuan ng banyo.

Narinig ko ang pag iinarte niya kahit nakalabas na ako. Simple lang naman ang dahilan at halos sakalin na niya ako.

Kanina kasing umaga, kinausap ako ni Yael Artajo. Tinanong kasi ako ni Yael kung asan sila Craig, Bryce at mga ka tropa niya. At ito ang naging dahilan para makuha ko ang attensyon ng mga babaeng nahuhumaling sa kaniya.

Isang sikat na foot ball player si Yael dito sa campus. Consistent classmate ko siya simula elementary.

Hindi lang siya sikat dito sa amin. Maging sa social media pati sa ibang campus.

Lumalaban kasi ang team nila sa iba't ibang lugar sa Pilipinas kaya hindi na ako nagtaka kung bakit naging sikat siya lalo na sa mga kababaihan.

"Crush kita Yael." Naaalala ko pa ang mga salitang binitawan ko kay Yael noong Grade four pa lamang kami.

Naglalaro kasi kami ng truth or dare. Naatasan kasi akong aminin sa harapan ni Yael na kinahuhumalingan ko siya.

Kung hindi ito nagawa, may mga ipapagawang consequences na paniguradong nakakahiya.

"Si Kayleen Dimaano! Crush si Yael Artajo!" Sigaw ng sira ulong si Bryce noon sa klase dahilan para mag lingunan ang mga kaklase kong babae.

Hindi ako pinansin ni Yael. Sumimangot lamang siya, umirap, at umalis kasama si Craig na naiinis na nakatitig sa akin.

Inirapan ko siya at naupo pabalik sa sahig at tinabihan ang foreigner kong kaibigan na si Olivia Hogan at ang matagal ko nang kakilala na si Avery.

"Yael! Pare." Napalingon ako sa lakas ng boses ni Craig dahilan para matigil ako sa sa pag gugunita.

Pinagmasdan ko siyang lumapit kay Yael kasama sina Ash, at Cody. Nakipag high five siya kay Yael at nakipag biruan.

Tulad ni Yael, may mga itsura ang mga kaibigan niya. Pero nangingibabaw si Yael, Craig, at Ash.

Maputi kasi sila at matipuno ang katawan kaya mabilis mapansin. Hindi tulad nina Cody at Bryce na tan ang balat at hindi pa develop masyado ang katawan pero mala greek god pa din ang dating.

"Musta bro? Narinig mo na siguro na pauwi na ang love of your life mo?" Naghagikgikan silang lima habang tinuturo ang pamumula ng tainga ni Yael.

"Um, yeah. Pauwi na siya bukas di'ba? Inform me kung may welcome party ba." Tumikom ang perpektong labi ni Yael pagkatapos niyang magsalita.

Nag echo sa utak ko ang mga sinabi ni Craig kay Yael. May girlfriend siya? Hindi ko man lang alam.

At sigurado na kaunti pa lamang ang nakakaalam nito dahil walang kumakalat na tsismis tungkol sa balitang iyon.

Hindi kami ni Yael pero may parteng gumuho sa puso ko. Pinipiga ito at parang hinahampas ng paulit ulit. Wala akong karapatang mag selos sa babaeng yun. Dahil wala siyang inagaw sa akin at hindi ko pag ma-may ari si Yael.

Nagsipasukan na ang mga studyante sa kanilang silid aralan kaya nakihalo na din ako. Wala pa rin ako sa sarili. Parang nakalutang sa ere habang paulit ulit na binabalikan ang sinabi ni Craig.

Noong elementary pa ako sinabihan ng mga kaibigan ko na kalimutan na ang nararamdaman ko para sa kaniya.

Pero hindi ko talaga kaya.

Hanggang mag grade twelve ako, dala dala ko pa rin iyon. Pinanghahawakan at umaasang tutugunan niya.

Pero dahil sa balitang nalaman ko, isa isang nagigiba ang matayog na pag asang binuo ko ng maraming taon.

"Kay, makinig ka nga kay ma'am. Baka mahalata ka pa." Siniko ako ni Avery at pinandilatan.

Nakita kasi niya akong tulala sa bintana kanina pa. Tumango tango na lamang ako at nakinig kay ma'am Lacsina.

Pero kahit anong focus ko sa sinasabi ni ma'am sa harapan, wala akong mai-proseso sa utak kong nao-occupy ni Yael kanina pa.

"Are you sick?" Tanong ni Avery sa akin nang matapos ang klase.

Naglalakad kami patungo sa susunod na klase na sabay naming pinasukan.

Umiling iling ako.

"Then what's bothering you?" Pinagtaasan niya ako ng kilay at pinaglaruan ang buhok niyang kulay tsokolate kapag naaarawan.

"Yael." Walang gana kong sagot at naunang pumasok sa classroom.

Kumalampag ang puso nang makita ko si Yael na nasa dulo kasama si Bryce. Nagtatawanan sila at nag bibiruan. Kaklase ko pala siya sa subject na ito.

"What's new?" Tinabihan ako ni Avery sa upuan ko at nilabas ang iPod niya at nakinig ng musika.

Suminghap na lamang akong pinagmasdan si Yael sa gilid ng aking mata. Kahit pagkakaibigan lang.

Sapat na para sa akin. Gusto ko siyang maging kaibigan.

Yun na lang kasi ang natatanging opsyon ko para matahimik itong puso ko na uhaw sa attensyon niya.

Kaysa naman sa asa ako ng asa na magugustuhan niya. Kahit alam ko namang wala akong pag asa.

KINGSTONJ (JEROME CALIENTE
RECKLESS (CHASING SERIES #1)
While re-reading this story, hindi ko maiwasang mandiri sa sarili ko. Lol. Ewan ko ba. HAHAHAHAHAA.

/Sinulat ko ito noong grade six pa lamang ako. Bwahaha. Baby days ko pa lang iyon kaya di pa masyadong hitik ang utak ko. Habang nirerepost ko ito, dinadagdagan na lamang siya ng karagdagang scenes. Tulad nung mga BS tiyaka twist. Pero wala na talaga akong time na ie-edit to. Yun lang. Haha. Naging training ground ko na rin ito kaya medyo, alam mo na. CHEESY ang dating. Kung gusto mo pang magpatuloy, edi go./

-

FB: https://web.facebook.com/cejames.valenzuela

Reckless (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon