Cold
"Sino yung kasama mo?" Nagulantang ako sa pambungad na tanong ni daddy pagkapasok ko ng bahay namin. Nakaupo siya sa sofa at umiinom ng kape habang seryosong nakatingin sa akin. Napalunok ako sa presensya ni daddy. Nakakatakot ang tingin niya. Lalo na kapag seryoso siya.
"Kaibigan ko pa." Ani ko at nag mano sa kaniya.
"Siguraduhin mo lang." Wika ni papa at tinuon ang pansin sa television. God. He's damn scary. Sa totoo lang, hindi naman tutol si daddy sa pag bo-boyfriend ko. Ang kaniya lang, wag maglilihim at sabihin agad sa kaniya. My dad is a very descent person at gusto niyang maging desente din ang aking mapapangasawa.
Umakyat ako sa itaas at nagbihis. Napili ko ang simpleng tee shirt at maikling shorts. Agad rin akong bumaba upang tulungan si manang sa paghahanda ng aming dinner.
"Karla, dapat mas antabayanan natin si Kaylee. May lalaking naghatid. I think her boyfriend or something." Seryosong sabi ni dad at naupo sa kabilang dulo ng table namin.
"Really Miguel? That's good. Kaylee. Tell me anak, guwapo ba? Anong pangalan?" Umupo si mom at mas inilapit ang ulo upang makinig sa akin.
"His name is Craig Ortega. B-but, kaibigan ko lang siya." Lahad ko at bumuntong hiningang hiniwa ang steak.
"Oh really? The Ortega? Sila ang nag mamay ari ng sikat na hotel sa Baguio di'ba?" Nakangiting hayag ni mommy. "Are you sure? Kaibigan mo lang siya anak?"
"Oo nga po mom." Sagot ko at matamlay na sinubo ang steak.
"Anak. Lahat nagsisimula sa pagka-kaibigan." Ngumiti si dad ng makabuluhan at sinulyapan si mom. Nagsimula din sila sa pagkakaibigan ni mommy kaya todo ang ngiti nila mom at dad nang maalala ang nakaraan.
Tumahimik na lamang ako at nakinig sa pagke-kwento nila mom at dad tungkol sa sikreto sa kanilang matagal na pagsasama.
Pagkatapos ng dinner, agad akong umakyat sa itaas at kinalikot ang iPod ko habang nakahiga sa kama. Nakinig ako ng musika at inilapag ang iPod ko sa aking tiyan.
"Everybody needs a little time away
I heard her say from each other
Even lover's need a holiday
away from each other"
Pabulong kong sinabayan ang kanta. Mahilig ako sa mga classic kaysa mga modern pop. Nakasanayan ko na rin siguro. Ito kasi ang paborito ng parents ko at kinamulatan ko na lang.
"Hold me now
It's hard for me to say I'm sorry
I just want you to stay."
Naalala ko tuloy bigla si Yael. Bumabalik lahat ng nangyari. Simula sa inakusahan niya ako na ako ang nanakit kay Maddison. Hindi pa rin ako convinced kahit sabihin niyang pinapatawad na niya ako. Bukas na bukas, mag so-sorry ulit ako. Kahit ilang beses ko itong gawin, di ako magsasawang mag sorry sa kaniya kahit di ko naman talaga ito ginawa. I will do anything para lang mabura ang galit niya sa akin. Everything.
Friday, maaga akong nagising. Nakapag handa na ako lahat lahat at hindi ko ineexpect na susunduin pala ako ni Craig. Nasilayan ko siya sa tapat ng aming itim na gate. Kita ko siya sa loob ng tinted window at seryoso ang tingin sa relo. Shit.
"Bye dad." Hinalikan ko siya pisngi. "Pakisabi na rin kay mommy naka alis ako dad. Bye." Kinawayan ko si papa. Abala siya sa pag tipa ng letra sa ginagawa niyang email para sa trabaho kaya pagtango na lamang ang ginawa niya.. Si mommy, tulog pa rin hanggang ngayon kaya hindi na ako nakapag paalam.
BINABASA MO ANG
Reckless (Completed)
Ficción General18+ Binuhos ni Kayleen ang buong pagmamahal niya sa iisang tao dahilan para hindi niya mapansin ang ibang taong nais kuhain ang kaniyang pansin at puso. Binuhos niya ang lahat ng ito at hindi nagtira sa sarili niya kahit hindi siya napapansin ng ta...