Kabanata 1

55.5K 705 13
                                    

I wrote this story when I was still a grade six student. Kaya I'm warning ya. Don't expect too much.

(c) KingstonJ
Kabanata 1

"Bro. Tignan mo. Gandang babae oh!" Napalingon ako sa dalawang lalaki na nagtuturuan sa gilid ko. Akala ko, ako ang tinutukoy nila pero nagkamali ako nang sundan ko ng tingin ang kanilang mga mata na malagkit ang tingin sa kanilang tinutukoy.

"Shit. Oo nga noh!" Napamura ang lalaking mukhang grade eight sa nakita.

Tinitigan ko ang babaeng bumaba mula sa sasakyan niyang sumisigaw ng Mercedes-McLaren SLR. Halos malula ako sa sasakyan niyang kulay puti. Pareho sila ng sasakyan ni Craig. Itim nga lang kay Craig at sa kaniya ay kulay ang puti.

Dumapo ang tingin ko sa maputing babae na nagma may ari ng sasakyan na iyon. At oo nga. Maganda siya. Naka uniform siya at kahit simpleng uniform lamang ang suot niya, nade-depini ang kurba ng kaniyang baywang.

"Bagong enrolee." Napalingon ako sa kulot na babaeng nagsalita sa tabi ko na pumagitna sa dalawang lalaki na nagtuturuan kanina pa. "Her name is Maddison. Rich kid. Na meet ko siya nung nakaraan. Surprisingly, hindi masungit."

Walang studyante na hindi napapatingin sa kaniya kapag napapadaan. Mahaba ang buhok niya at hanggang bewang ang haba. Mapula ang labi niya at medyo chinita. Mala porselana din ang balat niya sa sobrang kaputian.

Okey na sana ang pag pasok niya nang bigla siyang madapa. Walang nagtangkang tumawa. Yung mga lalaki na nakatayo lang kanina at naglalakad, nilapitan siya at naglahad ng kamay. Pero agad sila nag atrasan at mula roon, nakita ko si Yael. Na naglalahad ng kamay sa kaniya.

Agad itong tinanggap ni Maddison na agad na ikina-kirot ng damdamin ko. Nanigas ako at tila ba'y binuhusan ng malamig na tubig nang mapagtanto ko ang lahat. Siya ang kasintahan ni Yael. Ang babaeng tinutukoy ni Craig.

Niyakap siya ni Yael na agad na tinugunan ng babae. Napuno ang ere ng bulong bulungan at mga hindi magagandang komento tungkol sa babaeng kayakap ni Yael.

Pinagmasdan ko kung pano halikan ni Maddison sa pisngi si Yael at may sinabi. Hindi na ako nagtagal pa. Tumayo na ako sa kinauupuan kong mahabang bango at tumungo sa klase ng maaga. Dahil kung mananatili ako dun, para ko na ding pinapahirapan ang aking sarili sa aking nakikita.

"May kahalikan daw si Yael kanina!" Rinig ko ang usapan ng grupo ng mga babae. Mula roon, nakita ko si Trisha. Nakakunot noo niyang tina tanong ang babae tungkol sa nangyari kanina.

"Bagong enrolee. Maganda nga eh." Sagot ng isa na kulot at maikli ang buhok.

"Baguhan pa lamang. Lumalandi na!" Utas ni Trisha. Ramdam kong may pina plano siya. Kita ko yun sa mabagsik niyang mga mata.

Tumungo ako sa cafeteria pagkatapos ng klase at usap usapan pa rin ang mga nangyari kanina tungkol kay Yael at sa kaniyang kasamang binibini. Bumili ako ng makakain sa tindera nang pansin kong napalingon ang mga kasama ko sa pila sa pintuan. Rinig ko ang buntong hininga ng iba kaya nagtaka din ako kung anong meron dahilan para lingunin ko rin ito.

Nakita ko si Maddison at Yael, na magkahawak kamay na pumapasok patungo sa cafeteria. Mabilis kong kinuha ang pagkain ko at pinagmasdan sila habang ako ay naglalakad palabas. Ang saya saya nila. Ngayon ko lang ata nakita si Yael na ngumiti ng ganyan. Yung ngiting halatang tuwang tuwa siya. Yung tuwang hindi mapapantayan ng kahit ano mang bagay.

Kumain ako sa parke sa loob ng campus kung saan walang tumatambay. Nilapag ko ang pagkain ko sa lamesa na yari sa bato at nag simulang kumain. Habang kinakain ko ang sandwich na binili ko, hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Isa isa itong dumadaloy sa pisngi ko. Shit. Hindi dapat ako nagkakaganito. Dahil una sa lahat, hindi ko pagmamay ari si Yael. Pagmamay ari na siya ng iba. At wala akong karapatan para maki alam pa.

Reckless (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon