😒

539 27 1
                                    

drunken bunny

3rd Person's POV

"Anong oras na, ah? Anong oras balak umuwi nun? Nakakain na'ko ng breakfast, lunch at dinner, magmi-midnight snack na nga rin ako tapos wala pa sya? Gago talaga." Pagkausap ni Taehyung sa sarili habang pumapapak ng french fries.

Lahat ng kinain nya mula kaninang umaga ay puro order lang sa mga fastfood chain na nakakalat sa labas ng apartment na yun. Natutuhan nya yun sa kapapanood ng kung anu-ano sa social media nung nasa probinsya pa sya.

Sumandal sya sa sofa at pinokus ang mga mata sa TV habang balut na balot ng malaking blanket ang katawan. Kanina pa sya nanonood mula nung matapos syang maligo at magpalit ng damit.

Ilang movies na rin ang natapos nya at dun nya nga lang na-realize na mag-aalas-dose na pero wala pa rin si Jungkook. Tumingin sya ulit sa pinto saka binalik ang tingin sa wall clock.

"Fuck---nag-aalala ba talaga ko? Hah! Ano naman ngayon kung ma-murder sya dyan sa labas. Well-deserved." Pagkausap nya na naman sa sarili saka pa uminom ng softdrink. Marahan nyang binaba sa center table ang canned drink at napatayo nung marinig nya ang pagbukas ng pinto.

Mabilis nyang pinatay ang TV at tiningnan ang pagpasok ni Jungkook ng apartment. Napansin nyang pagewang-gewang ito at maski paghuhubad ng sapatos ay nahihirapan pa.

"Fuck it!" Asar na sigaw nito saka asar na tinitigan ang sapatos nito. Walang nagawa si Taehyung kundi lapitan ito at tulungang hubarin ang sapatos nito.

"Brat. What are you still doing here?" Tanong nito pero di sumagot si Taehyung. Matapos mahubad ang sapatos ay tumayo ng maayos si Taehyung at crossed arms na tiningnan si Jungkook.

"Anong oras na?" Tanong nya kaya kinunutan sya ng noo ni Jungkook. Di sya tanga para di mapansing lasing ang kaharap nya. Sa boses, galaw at amoy pa lang nito ay halatang nagwaldas ng pera sa bar.

"Wala ka bang orasan? Tanga ka talaga, hah?" Sabi ni Jungkook saka hinawi si Taehyung. Napahinga ng malalim si Taehyung saka lumingon kay Jungkook na umupo sa sofa.

Isa-isa nitong hinubad ang damit nito hanggang sa matira ang boxer nito. Nanlaki ang mga mata ni Taehyung nung umayos pa ito ng higa sa long sofa.

"Hoy! Dun ka sa kwarto. Lalamigin ka dito" sabi nya at pilit na tinayo ito pero asar nitong hinila ang kamay nito palayo sa kanya.

"What the fuck are you doing? Don't mind me, okay? If I want to sleep here or anywhere, don't fuckin meddle with my business." Sabi ni Jungkook saka tinalikuran si Taehyung na napahinga na naman ng malalim.

"Fine but give me my damn blanket. That's mine." Sabi ni Taehyung at dun ay binato sa kanya ni Jungkook ang blanket nya kanina. Agad nyang sinalo yun at tiningnan ng masama si Jungkook.

"Happy? Now leave and give me my time to sleep and rest." Sabi nito saka na tuluyang tumalikod. Di na nagsalita si Taehyung at tuluy-tuloy na tumungo sa kwarto.

Umupo sya sa gilid nun at napatitig sa malaking kama. "Di ba dapat sya yung natutulog dito tapos ako yung nandun?" Tanong ni Taehyung sa sarili.

Did he fuckin do me a favor? Did he planned to sleep on the long sofa so I will sleep on this room---

--imposible.

LOVE & WAR (TaeKook Short FF) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon