Lilith's POV:
"Ms Agustin, this is a good song but I think, this is more suitable to Expensive than The Prodigy" sabi ng CEO habang hawak hawak ang lyrics ng kanta.
"You are really a great producer. But I can't help but to noticed the bitterness within you" prangkang sabi niya sakin.
Pilit akong ngumiti.
"I guess love songs are just not for me, Sir" simpleng sagot ko, para maiwasan narin ang mga love song projects sa future.
He just sighed and put down the papers. Tumingin siya sakin at nagdecide na bigyan ako ng advice.
"You are one of the most unremarkable producers of all time. But you will never be a real producer if you can't let go of your past. It will just keep holding you back" makahulugang paliwanag niya sa akin. Pero ano bang alam niya sa mga pinagdaanan ko?
"Sorry Sir but, doesn't there a common work ethic stating that we should always put our personal problems aside whenever we work? Then i think that its inappropriate to talk about my problems right now"
"Then why are you working while carrying your personal problems?" tirada niya na di ko agad nasagot.
Tama kasi siya dun.
"It's my right to refuse on whatever project proposals, if I know that it is beyond of my limits. So I'll really appreciate it, if we drop this topic now" nakangiti kong suggest sa director. Pero sa loob loob ay kumukulo na ang inis ko.
Wala siyang nagawa kundi idrop ang topic dahil alam niyang di siya mananalo sakin.
"Well, take a break. I'll call you if there's a problem" sabi niya at dinismiss na ako.
Lumabas ako sa opisina at dumiretso na sa Starbucks.
Kakabalik ko lang sa opisina while enjoying my favorite cappuccino when suddenly, tinawag ulit ako.
"Ms Agustin, gusto daw po kayong makausap ng The Prodigy" tawag ng isang intern.
I nodded at tumayo. Dala-dala ko parin ang cappuccino habang naglalakad papuntang meeting room.
Pagkapasok ng meeting room, ay sinalubong ako ng mga miyembro ng The Prodigy.
"Producer!" pero sa lahat ng members, si Tyler ang pinakaenthusiastic. Siguro ganun talaga pag pinakabata, madaming energy.
Intense na kumaway sa akin si Tyler, habang ang ibang miyembro naman ay in-acknowledge ang pagpunta ko.
"Before anything, let's start vocalization first" sabi ko at umupo sa may tapat ng piano.
"On the count of three. One, two, three"
Pinatugtog ko ang piano at nagsimula na silang magvocalize as usual. Di lang ako producer ng mga artists, kinokonsidera narin akong incharge sa vocal exercises kada may meeting o meet-up.
Pagkatapos nilang magvocalize, binigyan ko sila ng 5 minutes water break.
"So, we want to talk about our newest music album" panimula ni Logan at pinagsalikop ang mga kamay niya.
"We want to write a song about how we met our wives, since it supposed to be nostalgic and we met our wives in high school, we think it is worth a shot" sabi niya habang hinihintay ang magiging reaksyon ko. Pagkarinig na pagkarinig ko ng salitang 'wives' alam ko na gusto nilang gumawa ng love song.
Nang nakita ang pagkadistaste ko ay napabuga siya ng hangin at nagsalita ng muli.
"We know that you despise anything that is associated with love, so we decided to write our own song and you will help us to build it to lessen your worries" assurance niya sakin.
"Wait, wait, wait! Paano naman ako? Single pa ko! Paano naman ako makakarelate" taas ang kamay na tanong ni Tyler habang nakanguso.
Ginamit ko ang dahilan na ito at tinuro siya ng may nagtatanong na mata kay Logan.
"Tyler, di naman lahat ng kumakanta ng love songs ay in a relationship at hindi rin naman lahat ng kumakanta ng sad songs ay talagang malungkot" paliwanag ni Logan.
"Hmm.... Okay!" pumayag agad si Tyler at di na nagcomplain pa.
"You know that I'm not suitable for this kind of genre" pagpopoint out ko at hoping na magsisink sa kanya ang paliwanag ko.
"So if you really wanted to do it so badly, I suggest na sa ibang producer nalang kayo magpatulong"
"You can't back out now. You already signed the contract"
"I can terminate the contract-"
"But you don't have the money to pay for the fine" pagsingit ni Ezra sa sagutan namin ni Logan. Tumingin naman si Logan sakin na may ngisi.
"It says na di na ko pwedeng magback out sa album, hindi sa songs. It's just a song, so you can ask for other producers to help you and I shall focus on your other album songs" sabi ko.
"Ms Producer, ikaw ang the best of the best eh. Kaya nga pag gagawa kami ng mga bagong songs at albums, nirerequest namin agad na ikaw ang maging producer namin eh. Just once, please! Help us" pakiusap ni Tyler sakin.
I sighed.
"I'm sorry, I just... can't really do it" sabi ko na nagpalungkot lalo kay Tyler.
"Oh.... okay" dejected na sagot ni Tyler.
"I will get going, I have a ton of projects to do. Goodbye" pagpapaalam ko at hinanda na ang mga gamit ko bago umalis.
"Wait lang Ms Producer!" tawag ni Tyler habang hinahabol ako.
Tumigil siya sa harap ko at may inabot sakin.
"Ano to?" Tanong ko at tinignan iyon.
"Taffy, it's a thank you gift for everything" paliwanag niya na may ngiting nanalo sa lotto.
"Then thank you" simpleng sagot ko at umalis na ng tuluyan dala dala ang taffy na bigay niya.
Logan's POV:
"She refused"
"As expected" sabi ni CEO Yu at binaba ang iniinom niyang kape sa lamesa.
"She is really a tough one. No one can break her walls" he added.
"Matindi siguro ang pinagdaanan niya para halos maging bato" sabi ni Tyler na may malungkot na itsura.
Napalitan ng determination ang mukha niya ng magsalita ulit.
"We just need to crumble her walls slowly!"
Bumalik ulit ang kalungkutan sa mukha niya.
"Pero paano?" he hopelessly asked.
Suddenly, the CEO thought of something.
"How about this idea.." panimula niya.
Then he intertwined his fingers and asked.
"Would you like to go on a vacation?"
Author's POV:
This is my belated Christmas gift to all of you!
And I will release the character profiles later.
Stay up tuned and stay updated.
Keep safe!

YOU ARE READING
Philophobia
General FictionPhilophobia would mean "fear of love." The Greek word philo, meaning "love," is part of familiar words like philosophy ("love of wisdom") and philanthropy ("love of humankind") Ctto: Miriam Webster