1.) Broken Record

106 1 0
                                        

Lilith's POV:

"Maganda ka at matalino rin. I think I like you"

"Please Lilith, let me be your boyfriend!"

"Babe nakita ko yung rank list. Anong nangyare sayo?"

"Sorry babe, next time nalang tayo magdate. Busy lang kasi talaga eh. Promise! Pag maluwag na ang schedule, ititreat kita sa restaurant"

"Babe, umayos ka ng upo. Di ganyan ang upo ng isang babae"

"Babe kilala mo si Kate ng section 1? Ang talino niya no? She didn't only managed to stay on top, nanalo rin siya sa beauty contest!"

"Babe anong nangyari bakit nalaglag ka sa top? Wag na muna tayong mag-usap, kailangan magfocus ka muna sa academics mo para makabalik ka sa top"

"Bakit di mo gayahin si Kate? Di lang sa academics magaling, pati narin sa extra curricular"

"Dapat mahinhin at unti ka lang kumain babe, di ganyan ang tamang pagkain ng isang babae"

"Babe pwede wag mo kong hawakan? We're in public, di tama ang kinikilos mo"

"Babe!"

Babe!

Babe!

Babe!

Babe!

Babe!

Oras-oras nagpeplay sa utak ko ang masamang panaginip na di ako sigurado kung matatakasan ko pa. Nagsimula siya sa simpleng masamang panaginip, hanggang sa naging isang bangungot na nais kong makalimutan.

"Sorry babe, please! Di ko na uulitin! Nadala lang talaga ako sa tukso pero ikaw naman talaga ang mahal ko. Promise! I swear!"

PhilophobiaWhere stories live. Discover now