4

17 2 0
                                    

Medyo magulo to, hindi ko na matandaan yung tinype ko dito kaninang madaling araw at paggising ko, nawala yung kalahati neto! Nadelete ata nung wattpad grr!

Chapter 4

《Angelina》

Pagdating ko sa room wala pang tao. Hindi ako umattend ng Flag Ceremony magaaksaya lang ako ng oras dun no!

Nilabas ko ang cellphone ko at naglaro ng 2048 habang hinihintay ang mga kaklase ko. Napatigil ako nang biglang may pumasok sa room. Alyssa.

"Uy, Ange! Napakasipag mo talagang umattend ng Flag Ceremony eh!" Bat tuwing nakikita ko siya nababadtrip ako?

"Aba, papagalitan lang naman ako dun."

"I know right? Alam mo Ange? Sana pagpalitin tayo ng upuan. Gusto ko kasi makatabi si Kristoff." Sabi niya sa akin nang kilig na kilig. "In love na ata ako."

"May boyfriend ka ah? Paano si Mark?" Sabi ko. Hindi sa kontra ako. Ang panget kasing tignan ng ganun di ba? May boyfriend ka tapos kung maikwento mo ang ibang lalaki proud na proud ka pa. Kalandian.

"Nakakasawa na siya." She replied bluntly. "Makikipagbreak na ako dun no. Nandyan naman si Kristoff eh."

"Alyssa. Grabe ka naman. Nagiisip ka ba?" She shook her head. "Nakakita ka lang ng mas better iiwan mo na agad yung taong nandyan sayo all the time? At teka, ano naman kung nandyan si Kristoff? Papatulan ka ba niya? Gusto ka din ba niya? Wag ka agad agad magdedesisyon baka mamaya magkamali ka, ikaw din ang magsisisi sa huli."

"Sinusunod ko lang ang nararamdaman ko!"

"Dalawang araw mo pa lang siya nakakasama, mahal mo na agad? Ipagpapalit mo yung 3 years relationship niyo para makalandi ka sa ibang lalaki?" I face palmed. Grabe.

"Hindi 'to pag landi lang! Mamahalin din ako ni Kristoff! Wala kang pakialam sa gagawin ko Angelina! Siguro may gusto ka sakanya no?!" Galit na galit na sabi niya.

"Wala akong gusto sakanya." Sabi ko at iniwanan siya sa room. Para siyang baliw. Nakakainis na siya.

Pumunta ako sa Library at nakinig na lang sa Music. May gusto kaya ako kay Kristoff? Bakit kaya sobrang familiar niya? Wala naman siguro diba? Naalala ko tuloy yung nangyari kahapon, pagkababa ko kumakain siya ng cookies na parang bata at magkasundong magkasundo sila nila Mama at Papa. Sobrang saya ng naramdaman ko nung makita ko yun. Lalong nadagdagan ang saya ko nang dumating si Kuya at tinakot sa una si Kristoff pero naging instant mag best friend sila sa huli.

"Nina! Iniisip mo nanaman ako eh." Sino pa nga ba? "Or you were just daydreaming about me, huh?

Nakapikit pa rin akong sumagot, "Feeler. Go away!"

He chuckles and once again ladies and gentlemen he caressed my cheeks in a soothing way. "Nina, late na tayo sa unang klase." Pabulong niyang sabi.

Napamulat ako. "Ikaw lang."

"Sapat na?" He laughs and I did the same. "Eh anong tawag mo sayo?"

"Absent."

"Ang tamad mo talaga. Hindi pa din ako makapaniwalang Salutatorian ka nung Elementary." Sabi niya at umiling iling.

"Pinatunayan ko lang na hindi porket tamad ang isang tao ay hindi na niya magagawang magtagumpay."

"Woah! Daming alam oh! Valedictorian na yan!" He cheered like an annoying teen cheer leader. "To the N, to the I, to the N and to the A! N-I-N-A! Nina for Valedictorian!"

~*~

Nung wala ng teacher, naglapitan ang mga kaibigan ko sa pwesto ko.

"Ange, si Alyssa galit sayo." Pabulong na sabi ni Grace at sabay umirap sina Kim at Charlene. "Ang landi mo daw kasi."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 10, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

'Cause Dreams Are LyingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon