1

20 1 0
                                    

Chapter 1

《Angelina》

Pinagpapawisan ako. Malamig naman bago ako matulog ah? Binuksan ko ang mga mata ko at tumayo.

Huh? Nasa gitna ako ng kalsada?

"Takbo!" Narinig kong sigaw ng hindi ko kakilalang tao. Titignan ko sana kung sino 'yon ngunit napatakbo ako dahil sa dami ng mga taong tumatakbo papunta sakin.

"Ne, wag kang pahara-hara mapapahamak tayo oh!" Naiinis na sabi ng isang matandang lalaking tumatakbo kaya nagpatuloy akong tumakbo, aba, bakit kaya ang bilis ko? Di naman ata kapanipaniwala. But eh, that's life. Nothing's impossible!

Sa katatakbo ko at sa sobrang amaze ko sa sarili ko dahil ang bilis ko tumakbo ay nalaglag ako sa isang bangin.

Why am I so calm? Nung nararamdaman kong nahuhulog na ko dun na ako napasigaw. God? Kukunin niyo na po ba ako agad? Paano na po ang pamilya ko? Ang mga kaibigan ko? Ang boyfriend ko? Ayyy wala na pala akong boyfriend, nambabae nga pala! Paano na po ang mga nagmamahal sa akin? God mahal ko po kayo pero wag niyo naman po agad akong kunin.

Napa-sign of the cross ako. Pumikit ako. At naramdaman ko na nakahiga ako sa malambot na kutson. Panaginip lang ba yun? Tumayo ako sa at humarap sa salamin, hala bakit naka uniform na ako? Hays. Bahala na. Tinignan ko ang orasan. 7:30 AM na! Late na ako!

Agad agad akong lumabas sa kwarto at bumaba para kumain ng almusal. Inamoy ko muna ang sarili ko. Aba naka pabango na ako. Nakapag deodorant at lotion na din. Suklay na din ang buhok ko. Ang galing!

Naghanda na ako sa mangyayari, magagalit sakin si Mama dahil late na akong gumising tapos sisigawan ako ni Mama tapos magaaway sila ni Papa at biglang sisingit si Kuya Bruce sasabihin ako ang may kasalanan ng lahat ng nangyayaring kamalasan sa pamilya namin. Daily routine na yun. Kung hindi nangyari yun ibig sabihin tulog pa ako at nananaginip lang ako.

Napabuntong hininga ako at bumaba na. Pinikit ko ang mga mata ko nang mapadaan ako sa dining area at nakita ko si Mama.

"Anak, kumain ka na at baka malate ka." Sabi ni Mama habang pinaggagawa ng kape si Papa. Hala? Bat ang bait? Ang galing. Parang panaginip lang ang lahat. Hindi sila magkaaway. Ang saya saya. Napangiti ako bago lumabas ng bahay.

"Sige po, Ma!"

~*~

"Good Morning, Class."

"Good Morning, Ms. dela Cruz."

"You may all sit down." Pagkasabi niya nun ay tumalikod na siya samin at naupo na din kami. First day na ng klase. Parang ang bilis naman matapos ng bakasyon. Parang kahapon lang nagaaway sina Mama at Papa sa bahay, bakit ganun? Bakit hindi galit sa akin si Mama? Bakit ang bait niya kaninang umaga? Bakit wala ang kapatid ko? Nakakapagtaka. Nananaginip ba ko?

"Uy! George!" Tawag ko sa kaklase ko. Tumingin naman siya. "Pakurot nga." Inilapit ko sakanya ang braso ko at hinintay na kurutin niya ko. Hala wala akong maramdaman! Hanggang sa may naramdaman ako malambot sa magkabilang pisnge ko. "Aray!"

"Aba, sabi mo kurutin kita eh." He shrugged and I just rolled my eyes. Nako. Pero at least, totoo to at di ako nananaginip pero nakakapagtaka talaga eh. Sakit sa ulo.

"Angelina!" Sigaw sakin ng kaibigan kong si Charlene. Lumingon naman ako sakanya at tinaasan ng kilay. "Sungit neto. May nahanap ka ng pogi?" Tanong niya.

"Pogi agad hanap mo? Landi ah." Sabi ko at inirapan siya. Pagkalandi landi talaga neto.

"Aba syempre. First day ngayon at madaming transferee malay mo may gwapo."

"Edi wow." Di ko muna priority ang paglandi. Sure, I would have a crush eventually, but being on a relationship? Nah, thanks. Love only happens in my dreams.

"Ewan ko sayo. Ang taray mo. Nireregla ka no?" Inirapan ko siya at sumubsob sa arm chair ko. O arm ng chair ko. Gulo eh.

"Wala na si Ma'am!" Narinig kong sigaw ng kaibigan kong si Alyssa. "Gisingin niyo si Ange dali. Wag kayo maingay." Pabulong na sabi niya, baliw lang? Kala naman di ko rinig.

"Nandyan si Mrs. Anderson!!!!" Dinamay pa principal? Sabay sabay nila sinigaw yan. Tinignan ko sila ng nakataas ang isang kilay and their faces fell. Duh. "Regla!" Sabi sakin ni Grace. I mumbled a simple 'okay' at umubob na ulit sa arm chair ko. Wala ako sa mood feeling ko panaginip lang 'to.

"Class, please welcome your new classmates, Raven Santos and Kristoff Dela Vega. Nilipat sila dito because of their high grades and I hope that magkakasundo kayong lahat. Please stay quiet and wait for your next teacher. Goodbye." Sabi ni Ma'am at palabas na sana siya ng tinawag siya ni Kris? Krisfer? Kristian? Nevermind. "San nga po pala ako mauupo?"

"Ah, sit at the back of Miss Miller, there on the vacant chair at the back." Ugh, why do they call me by my surname? Dami pang explanation ni Ma'am eh. Tinignan ko yung Kris chu chu? Napatingin din siya kaya inirapan ko. Mukhang kuya ko. Kahit wala akong kuya. Katabi niya pala si Charlene. Nako, ingat siya.

Uubob na ulit sana ako sa arm chair ko ng biglang may kumulbit sakin. Si Charlene. She mouthed, 'pogi?' and I looked again to the boy. I can't see him enough so I just shrugged and she rolled her eyes at me and I did the same. Duh.

After a few hours recess na. Nakakatamad naman dito. Nasa cafeteria mga kaibigan ko. Kasawa naman sila kausap kasi parang kahapon lang magkakasama kami. Promise parang kahapon lang last day lang nung last school year namin at nagkakainan kami sa bahay nila Charlene tapos pag uwi ko sa bahay pinagalitan ako ni Mama at nagaway nanaman sila ni Papa. Bakit ganun? Nagfast forward ba? O baka..hays. I mentally sigh.

Tinignan ko kung madaming naiwan sa room, so far kaunti lang at walang mga tao sa may pwesto ko kaya nilabas ko ang phone ko at naglaro ng flappy bird. Wala lang. Panlibang.

174, 175, 176, 177, 178, 179 ayan na malalagpasan ko na high score ko ng biglang may kumulbit sakin. Ugh! Nakakainis isa na lang oh 180 na! Napalingon ako sa kumulbit sakin at oo nakakahiya man tumingin ako sakanya nang nakapout. Si Kris chu chu pala.

Nagpeace sign siya at bumulong ng simpleng 'sorry'. I just nod and I'm about to play again when he coughed. "Um, Miller?"

"Angelina."

"Pwede pala magdala ng cellphone?" He asked curiously.

"Do I know you?" Pagtataray ko. Hindi sa suplada ako. Ayoko lang talaga sa mga lalaki at strangers even though I already know his name. Well, sorry not sorry.

"Hindi. Ako nga pala si Kristoff Dela Vega. Pwede mo na ba sagutin tanong ko?"

"Hindi."

"Hindi mo pwedeng sagutin? Sungit!" He scoffs. Shunga pala to eh.

"Hindi pwede magdala."

Napakamot siya sa batok niya and he laughs awkwardly. "Ah sorry."

Nagring na ang bell. Hays. Madami nanaman tao. I silently wished na sana magkaron ako ng Skittles sa bag. Kahit impossible. Binuksan ko ang bag ko para kumuha ng ballpen and I was shocked, may skittles?! Am I dreaming? Tumingin ako sa orasan sa likod ko, inisip ko na sana 7 na ng gabi. At woah! Biglang naging 7?! Inisip ko na bumalik sa normal at naging 10AM ulit.

I can control things. Maybe? Okay. One more. I'm wishing that Kristoff will call my name..

"Angelina?"

Maybe all of this is just a dream?

-

Newbie. Sorry. Magulo? Maiintindihan niyo din yan. Just wait. Enjoy! ♥

-angel x

'Cause Dreams Are LyingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon