3

12 1 0
                                    

Chapter 3

《Angelina》

"Ange, recess na!" I rubbed my eyes. Nasaan na ako? Ano ba naman 'tong nangyayari sa buhay ko. "30 minutes ka ng tulog!" Si Kim pala 'yon. Bakla pwe.

"Boring kasi sa klase."

Napakunot naman ang noo ni Kim. "Hala. Anong klase? Hindi naman nagklase eh. Naglipatan lang ng upuan. Grabe ka nga eh pagkaupo na pagkaupo mo natulog ka na." Sabi niya habang kumakain ng french fries.

"Ah. Tulog pa ata ako eh. Sorry naman." He nods. "Nga pala, sinong katabi ko?"

"Ako tsaka si Kristoff." Tinaas-baba niya kilay niya. "Yieeeeee." Inirapan ko na lang siya at tumingin sa paligid ko. Hindi ako makapaniwala, hindi ko alam kung totoo ang nangyari sakin. Ni wala na nga akong maalala dun sa realidad maliban dun sa narinig, nakita at napanaginipan ko na nasa probinsya ako kanina. Basta ang alam ko, kailangan kong magbago at magpakasaya. Napakagandang blessing neto at hinding hindi ko sasayangin 'to.

"Hoy! Ange!" Kinulbit ako ni Charlene. Tinanong ko kung anong kailangan niya. "May boyfriend na ako."

"Hoy! Grabe 2nd day pa lang." Sabi ko at tumawa. Feeling ko ngayon lang ulit ako tumawa at ang sarap sa pakiramdaman.

"Joke lang. Crush lang naman."

Sumingit si Kim, "Naiinis na talaga ako kay Alyssa!" Sabay hampas sa table. OA ha.

"Bakit nanaman?" Pagtatanong namin ni Charlene.

"Ang landi kasi. Tignan niyo." Sabi niya sabay nguso kung nasaan si Alyssa. Bumigat ang pakiramdam ko ah. Magkatabi sila ni Kristoff, grabe nga lang makadikit si Alyssa parang linta na pakapit kapit at sumasandal pa. Tumawa si Kim, "Umiiwas si Kristoff!" Bakit kaya naiinis ako? E wala naman akong paki dun sa Kristoff. Ay, siguro dahil dun sa panaginip kuno ko na narinig ko yung sinabi ni Alyssa. Hays. Totoo yun eh, pero Angelina wala na yun..okay? Gawin mong past yang realidad na yan, mabuhay ka sa kung anong meron ngayon. Ano ba yan! Pati sarili ko kinakausap ko na.

"Kawawa naman si Marie parang third wheel." Nasabi ko bigla at napatakip ako ng bibig ko dahil napatingin sina Alyssa at Kristoff. Tumawa naman sila Kim at Charlene sabay naghigh five at pinalo palo ako sa likod. Oops.

"Siraulo ka Angelina! Dyan na nga ako!" Sabi ni Marie at padabog na pumunta sa pwesto namin. Buti na lang at recess kaya free kaming palipat lipat. Naalala ko katabi ko pala si Kristoff. Bat parang kinikilig ako? Luh. Kadiri.

~*~

Nagsusulat kami ng Essay nang biglang naramdaman kong may kumulbit sakin. "Um, may ½ ka?" Tanong sakin ni Kristoff.

"Wala eh. Pure Filipino kasi ako eh." Half ba naman sinabi eh. Di man lang one-half sheet of paper. Be specific kasi.

He chuckles, "Cute mo." Naaabnormal nanaman puso ko. Siguro pagod lang ako kaya tumitibok ng mabilis. Di ko na lang siya pinansin kunyare di ko narinig. "Seryoso, may ½ sheet of paper ka?" Nagnod na lang ako tsaka kumuha ng papel sa bag ko at inabot sakanya. Grabe naman 'to kukunin na nga lang yung papel kailangan pang hawakan kamay ko. Di naman ako kagandahan. Ano ba yan nagiging assuming ako!

Lumabas na yung teacher namin. Yay! Free time na. Tatayo na sa ako nang biglang may humawak sa braso ko. Napatingin naman ako. Tinaas ko ang isang kilay ko, "Bakit?"

"Wag mo kong iwan." Sabi ni Kristoff at nagpout. Inirapan ko na lang siya. Pacute! Umupo ulit ako and I crossed my arms on my chest. "Yan! Dyan ka lang, Ina!"

"Hoy! Ina ka dyan parang Ina na Nanay!" Hinampas ko nga siya sa braso.

He rubbed his arms jokingly and chuckles, "Sorry na. Ano bang full name mo?"

'Cause Dreams Are LyingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon