Part I

19 2 1
                                    

Binuksan ko ang aking mga mata at nakita kong lumulutang ako sa langit na puno ng mga bituin. Napakaganda, napakaliwanag at napakamakulay. Abot na abot ko ang mga bituin. Hindi ko mapigilan ang ngiti kong abot hanggang tenga. Parang ito ang dream place o paraiso ko. Nakita ko ang isang lalaki na malayo saakin. Mukha siyang anghel, napakagwapo. Nakangiti siya saakin at nakaputi siya. Naisip ko 'patay na ba ako?'. Biglang nanlaki ang aking mga mata at nahulog ako samantalang lumulutang lang ako kanina. Puno ako ng takot dahil nahuhulog ako sa dilim. Pinikit ko ang aking mga mata at may narinig akong tumatawag saaking pangalan. "Zoey! Zoey!" Sigaw ng isang lalaking boses. Nakilala ko ito, si daddy ang tumatawag saakin. "Daddy!!! Tulong!" Sinigaw ko nang paiyak. Biglang hindi na ako makahinga! Parang ako'y nalulunod at biglang tumirik ang aking mata. Sabay binuksan ko ulit ang aking mata at huminga ng malalim. Panaginip lang pala.

 Ako nga pala si Zoey A. Dela Cruz. Nag-aaral sa Malibu San High School, fourth year student. Wala na akong mommy, sumakabilang buhay na 3 years ago. Wala pa akong boyfriend since birth. I'm just waiting for the right man at the right time. May nanliligaw naman saakin pero di ko sila sinasagot kasi alam ko hindi sila yun the one eh. Anyways.....

"Zoey! Ok ka lang ba? Narinig kita na humihingi ng tulong saakin. Ano nangyare?" Tanong ni Daddy habang nakatayo sa may pinto ng kwarto. Naka apron pa siya at may hawak na sandok, halatang nagluluto.

"Daddy, panaginip lang, sorry nagulo pa kita."

"Binangungungot ka nanaman? Kahapon pa yan ah. Di ka kasi nakakainom ng gatas eh."

"Oo nga po eh, sorry daddy. Bukas iinom na ulit ako." Sabay ngiti ko.

"Sige, nakahain na yung breakfast mo sa labas. Aalis ka ngayon para bumili ng school supplies mo di ba? Next week na ang pasukan."

"Opo daddy, maliligo muna ako"

"Sige iinom lang ako ng kape. Hintayin kita sa dining para ibigay ko yung budget mong 2,000 pagkasiyahin mo nalang. Ibaba na lang kita sa mall, wag ka masyado magpagabi ha."

Naglakad na palayo si daddy at tumayo na ako sa higaan. Inayos ko ang unan at kumot ko. Kumuha ako ng damit at naglakad papunta sa shower nang biglang nagring ang phone ko. RINGGGG!!!!! Unknown number ang nakalagay ngunit sinagot ko parin.

"Hello? Jerome?" Sabi ng lalaking maamo ang boses sa kabilang linya.

"Hi, wrong number po ata kayo. Hindi po Jerome ang may ari ng phone..." Sabi ko sakanya.

"Ay, k!" Sabi niya nang masungit at biglang binaba ang phone.

Hay, nako siya pa masungit siya na nga yung wrong number. -_- RINGGG!!!! Tumunog ulit ang phone.

"Hello? hindi nga ito si Jerome! Ok?!" Sabi ko ng masungit.

"Oo, alam ko hindi ito si Jerome kasi si Zoey ka duh! Si Juvy ito, wala naman ako sinasabing ikaw si Jerome... At sino naman yun?"

Tinignan ko kung may pangalan yung tumawag sa phone at si Juvy nga.

"Sorry Juvy, may tumawag kasi kanina masungit na, wrong number pa. Hinahanap yung Jerome daw."

" Ahh hahaha, anyway sabi mo kahapon na bibili ka ng school supplies di ba? Sabi din ni mama saakin na bumili din ako pero may meeting siya kaya ako nalang daw. Sabay tayo?"

"Sige ba! Haha kita nalang tayo sa shopping mall."

"Okie! Bye! See you later." Sabi ni Juvy sabay binaba ang phone.

Isa si Juvy sa matalik kong kaibigan. Si Rony at Kate yung dalawa pa. Best friends kami mula first year kahit nagkakahiwalayan ng section, magkakaibigan pa rin kami. Naligo na ako at nagbihis ng t- shirt na kulay green, maong pants at sneakers. Nagsuklay ako ng buhok at nagspray ng pabango. Sinuot ko ang aking salamin at kumuha ako ng maliit na bag. Dumrecho na ako sa dining room namin at umupo. Kumuha ako ng hotdog at sinangag. Kumain ako at tinawag na din ako ni daddy. Hinugasan ko ang plato at dumerecho na sa kotse. Kalahating oras ang lumipas nakarating na ako sa mall. Nakita ko agad si Juvy na naghihintay sa may pintuan ng mall, kinawayan niya agad ako. Nagpaalam ako kay daddy at dumerecho na siya sa opisina.

"Zoey!! Tara pasok na tayo!" Sigaw ni Juvy.

Naglakad ako palapit kay Juvy.

"Kamusta na?" Tanong ko sakanya

"Ok lang naman lagi kasing busy si mama eh, pero malaki na din ako para samahan ni mama. Hahaha" sagot niya.

"Oo nga haha atsaka baka makita mo yung crush mo sa mall."

"Di rin baka nasa bahay lang yung si Lance... Ui gusto mo pumunta tayo mamaya sa rooftop ng school?" Sabi ni Juvy habang pumasok kaming dalawa sa mall. Chineck ng guard yung bag namin at pinapasok kami. ( yung rooftop ng school namin ang favorite place in the world ko, lalo na pag gabi. Madaming stars, attracted kasi ako sakanila.) Pag-graduate ko gusto ko maging astronomer, mag aral sa mga stars.

"Hmmm di daw ako pwede gabihin sabi ni daddy eh... Kaya mga 5pm uuwi na ako" sabi ko na parang nadedismayahan.

"Ay sayang..." Sabi ni Juvy "Tara Zoey, department store muna tayo"

"sige.." Ang tipid kong sagot. Nagvibrate bigla ang phone ko. Kinuha ko sa bulsa ng aking pantalon. Nagtext si daddy, ioopen ko na sana ang message ng biglang.... "aww!" May bumanga saakin! Natangal ang salamin ko at nahulog sa sahig. Di masyado malinaw ang nakikita ko kapag wala iyon. Lumuhod ako at kinapa-kapa ang salamin. Buti nalang at di nahulog ang phone sa kamay ko. " Miss, tingin tingin di kasi sa dinadaanan!" sabi nung nakabangga saakin. Nung nakapa ko ang salamin sinuot ko at tumingin ako sa lalaki. Matangkad, pogi, mestizo at maputi. Kulay brown yung buhok at mata niya. "Sorry naman po!" Sigaw ko sa masungit na lalaki. Inirapan lang ako at naglakad na siya kasama ang isang chinitong lalaki. Narinig ko ang sinabi ng lalaki na kasama niya "Pre, bat di ka nagsorry eh ikaw din naman nakabangga sakanya.... Ganda pa naman" Sumagot naman yung nakabangga " Bakit kilala ko ba siya?". "Sungit mo talaga" pahabol nung kasama niya. Pamiliar yung boses niya eh parang narinig ko na. "Uii ano nangyare sayo?" Tanong ni Juvy na bumalik saakin galing sa department store. " Ayy wala naman... Nabangga lang ng isang masungit na lalake! Puro masungit ang mga tao ngayon. Hmph! Iniwan mo kasi ako...". "Sorry na Zoey... Di na kita iiwan, promise!" Sabay ngiti niya saakin. Pumasok kami sa department store para maghanap ng sapatos at bag. Mayaman si Juvy kaya 4,000 ang kanyang budget, ililibre niya ako mamaya ng lunch. Naghanap kami ng kailangan namin at bumili. Lumabas kami para kumain sa isang fast food. Pagkatapos kumain ng lunch ay nagpunta kami sa bookstore at pumili ng mga gagamitin sa school. Pagkatapos namin bumili ay 4:00 na at sumakay na kami ng FX direcho sa bahay ko at ni Juvy. Nagpaalam ako bago bumaba sa bahay. "Ingat ka ah" sabi ko. Tumango at ngumiti siya at sinara ang pintuan ng FX. Pumasok ako sa bahay at wala pa si daddy. Nakatulog agad ako sa sobrang pagod.

Those starsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon