Part II

9 2 0
                                    

2 araw ang makalipas. Bukas na ang pasukan. Kinakabahan ako sa mga mangyayare. Hinanda ko ang mga kailangan ko sa school at ang uniform na susuotin ko. Makikita ko nanaman ang mayayabang kong kaklase sa section A. Di man ako top 1, nagiging top 4 naman ako. Namiss ko tuloy si mommy, nung maliit ako siya ang nagtuturo saakin ng lessons ko kaya nagiging top 1 ako.

Knock! Knock! Sabay bukas ng pinto ko sa kwarto. "Zoey, may mga bisita ka..." Sabi ni daddy na nakadungaw lang sa pinto. "Ha? Sino po? Sige po lalabas nalang ako." Tinali ko ang buhok ko ng pataas at lumabas sa kwarto. Nagulat ko na makita ko ang mga best friends ko sa sala. Si Juvy, Kate, at Rony ang nakaupo sa sofa, umiinom ng orange juice.

"Hi!! Zoey!" Bati ni Kate. "Hi..." Bati ni Rony. "Hoy! Panget!! Wala lang... Haha! Suprised ba?" Sigaw ni Juvy.

" Wow Ah! pabigla bigla kayo...." Sabi ko nang nakangiti.

"Haha oo naman kami pa." Sabi ni kate na napakalaki ng ngiti.

"Bukas na ang pasukan! Maghanda-handa na kaya tayo? Ako tapos na... Kayo?" Sabi ko sa kanila, sabay taas ko ng isang kilay.

"Malamang tapos na, kaya kami nandito..." Sumabat ni Juvy. Tumawa nalang ako.
Makalipas ang ilang oras na paguusap....

"Uwi na kami Zoe" sabay ngiti na sabi ni Rony

"Sige, see you tomorrow nalang" sagot ko.

"Bye!" Sabi nila paglabas ng gate.

~~~~~

RINGGG!!!!! Binato ko ang alarm clock ko palayo sa ingay nito. Nagising ako ng sobra nang marealize ko na nasira ang alarm clock ko. Nagulat ako, baka magalit si daddy.
Niligpit ko ang nasirang alarm clock at naghanda na ako sa pagpasok. Hinatid ako ni daddy papuntang school at binigyan ng baon. Pagbaba ko ng sasakyan napakadaming estudyante na papasok din.

Habang naglalakad ako may biglang bumanga saakin at napaupo ako sa sobrang lakas. Tumingin saakin ang lalaki at dapat papatuloy pa siya sa pagtakbo ngunit parang nakunsensya siya kaya bumalik at tinulungan ako. Hindi siya nagsalita kahit isang 'sorry' napatuloy siyang tumakbo pero pamilyar ang itsura niya, parang nakita ko na siya noon. Tinignan ko ang relo ko at malapit na ako malate sa klase. Nagsimula na din ako tumakbo papunta sa klase. Umuonti na ang mga tao sa hallway at malayo pa ang classroom ko. Ilang minuto ang makalipas nakarating na din ako sa classroom ko at ako nalang ang hinihintay. Napahiya ako ng onti dahil lahat sila ay nakaupo na.

"Sorry ma'am I'm late..." Sabi ko sa teacher namin.

"Your just 2 minutes late miss Dela Cruz... It's okay. Please sit over there." Sabay turo niya sa gitna ng dalawang lalaki.

Nakayuko akong naglakad habang pinagtitinginan ng ibang classmate ko, yung iba nagbubulungan. "Chix noh", "Hay nako" rinig ko sa pagbubulungan nila. Hindi ko nalang sila pinansin. Umupo ako at nakayuko parin ako, hindi ko makita ang nasa paligid dahil nakababa ang mahaba kong buhok. Naaaninag ko ang lalaki na nasa kanan ko na nakatingin sakin at nakangiti. Chinito siya at pamilyar ang mukha. Hinabig ko ang buhok ko sa likod ng aking tenga sa kanan at nakita ko siya na nakatitig saakin. Tumingin ako at ngumiti pero humarap agad ako sa harap.

"Good morning class, my name is Gina K. Helera. Please call me ma'am Gina. I'm your adviser for the whole period. I'm the english teacher in the 4th year level. For your information I can speak tagalog" sabay ngiti ni ma'am.

Tumawa yung ibang estudyante at yung iba masyado seryoso.

"Since today is your first day, you have all day to have new friends and have chit chats. But first of all newcomers should introduce theirselves."

Pinatatayo ni ma'am ang nasa kanan kong lalaki pero nakatulala siya saakin.

"Mr. Parker? Please introduce yourself." Ulit ni ma'am.

Those starsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon