Kahon

121 11 4
                                    


Kahon


Ilalagay ko na ang lahat sa kahon

Ang alaala ng ating kahapon

Sapagkat kailangan ng itapon

Mga alaalang sabay nating inipon


Darating din ang panahon

Na magkakaroon ako ng pagkakataon

Na kalimutan ang kahapon

At magsimula ng panibago ngayon


Itatabi ko sa tagong lugar ang kahon

Laman ang mga alaalang dapat ibaon

Kung saan hindi na ito matatagpuaan

At magiging parte na lamang ng nakaraan


-M Agapito


Just PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon