CHAPTER 24: Karayom

155 71 8
                                    

CHAPTER 24: KARAYOM

*

*

"Hi guys," nakangiting bati ni Scent sa kanila nang masalubong ito papasok sa gate.

Walang-lingong nauna si Psy.

"Good morning," balik ni Blue kasabay ng bati ng iba.

"Morning," simpleng sagot ni Karma. Naglakad na siya palayo sa mga ito.

Nagkatinginan sina Violet at Blue. "Bye," paalam ni Blue kay Scent saka mabilis na sumunod kay Karma, iniwan ang boys na kinakausap si Scent tungkol sa mobile game ng mga ito at sina Red, Violet at Scarlet na may sarili ring usapan.

"Galit ka pa rin sa kanya hanggang ngayon?" tanong ni Blue kay Karma nang masabayan ito.

"Huh, sino'ng galit? Bakit naman ako magagalit sa kanya?"

"Last week mo pa siya iniiwasan."

"Hindi ibig-sabihin no'n ay galit ako sa kanya."

Nang makita ang tumbler sa side pocket ng bagpack ni Karma ay bumuntong-hininga si Blue. "Sa kaiiwas mo sa kanya no'ng birthday mo, hindi na niya naabot sayo ng personal yang regalo niya."

"Good. Edi alam nating alam niya na ayaw ko siyang kausapin. Magsama sila ni Milosh."

"Di ka nga galit, selos ka lang. Wag mong idamay si Milosh. Iniiwasan nga niya si Scent para sayo eh."

Kinunutan tuloy niya ng noo ang kaibigan. "The hell?!"

"Well, maybe not for you, natural lang ata talagang ayaw niya si Scent. Pero alam niya ang pagkakaselos mo. Kaya ka nga niya hindi inaaproach eh."

"May inaapproach ba siya? Gaga ka, pati nga ikaw ay inaayawan niya. Hindi mo ba napansing mas marami siyang oras na nakakasama si Vixen kaysa sayo sa weekends? Siguro nga hindi si Scent ang gusto niya. Pero baka naman pala si Captain?"

"Grabe ka magselos, naninira ka na ng tao ngayon?"

"Nagsasabi lang ng possibility. It's not like may bad blood ako sa kanya. May utak nga siya. May itsura rin naman. Hindi ko lang talaga siya type, yung personality siguro. Huwag kang mag-alala, kung gusto mo siyang kaibiganin, sige lang. Pero huwag niyo siyang ipilit sa akin."

"Got it, got it. Pero gusto ko munang ipaalam, kung di mo na kayang timpihin, andito lang ako para makausap.

"Kayang timpihin ang ano?"

"Alam nating lahat na in-denial ka. Sure, walang kayo kaya hindi ka dapat nasasaktan. Wala pang tatlong buwan nang maging close natin si Scent kaya hindi dapat malalim ang nararamdaman mo. Thing is, hindi mo naman kasalanang maramdaman yan. Hindi naman maling makaramdan ng sakit at selos kahit wala man kayong relasyon, nararamdaman mo yan eh."

Napangiti si Karma. Tinapik niya ang baywang ng kaibigan bilang sagot at pasasalamat. "Don't get in any relationship. Samahan mo akong maging single forever. Hayaan mo na si Cap na maghanap ng iba."

"Pero kung ganyan ang sasabihin mo sa akin, magkakasabunutan tayo."

Natawa si Karma.

Pareho silang natigilan nang pumaharap sa kanila si Carter.

"Good morning, Blue." Bati ni Carter. "I brought you your lunch." Awat nito kay Blue ng three-layer lunch box.

"May baon na ako." sagot ni Blue. "Hindi na ako tatanggap ng kung ano sayo, isusumbat mo rin lang."

"I know I was an ass. This is an apology. Atat lang ako no'n kaya ko yon nasabi. Pero from the heart ang mga yon. Promise, wala 'tong kapalit. Gusto ko lang ipakita sayo ang effort ko."

Smiles of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon