Wattpad Original
Mayroong 8 pang mga libreng parte

Beginning

16.4K 306 72
                                    

BEGINNING

Jorge Theodore


Pagod kong isinandal ang aking katawan sa swivel chair at mariing pumikit. I never thought that managing a chain of hotels and restaurants could be this exhausting.

"Kuya," nakangiting bungad ni Thayne sa pintuan.

Bumuga ako ng hangin at pilit na ngumiti. "Little bro, what's up?"

"You look exhausted."

Tumango ako. "I am. What brought you here?"

"I'm starving, Kuya, kain naman tayo, o."

"Bakit naman dito mo pa naisipang dumayo ng kain?"

"Hindi ko trip kasama ko, Kuya. Panay paninipsip ang alam, e."

Humalakhak ako at umiling-iling. Hindi na bago sa pandinig ko ang ganoong reklamo niya. Ako ang mas seryoso sa trabaho kumpara sa kanya na mas easy-easy lang. No wonder why Dad is a bit strict with him.

"Ano gusto mo? Magpa-deliver na lang ng pagkain dito or tayo na ang pumunta sa resto?"

"Tayo na lang, Kuya, para may ibang tanawin naman bukod sa mukha mo. Nakakaumay na pagkakahawig natin!"

Iiling-iling akong humalakhak at agad na tumayo.

Sa aming dalawa, higit akong mas kamukha ni Daddy. Siya naman ay pinaghalong hitsura ng parents namin. We're both good-looking, at kahit papaano, nandoon ang resemblance kaya hindi maipagkakaila ang pagiging magkapatid namin.

"How's Bunso? Baka puro bulakbol ang inaatupag."

"Trisha?" Umismid siya. "Walang bago kay Bunso. She's just enjoying her last year in college. 'Wag mo alalahanin 'yon. By the way, si Ate, kumusta nga pala?"

"Kakausap lang namin kanina. Busy din sa ibang chain at sa bagong niyang baby." He's referring to her new bookstore business.

"Yeah. It's exhausting. Bakit ba kasi naisipan pa natin ang ganitong negosyo?" tanong nito kasunod ang halakhak.

Naiiling kong inakbayan ito at iginaya palabas ng opisina. "Blame Dad, since he was the one who actually pursued this. Hindi ko tuloy alam kung dapat ko na rin bang baguhin ang palayaw ko. JTs are everywhere!"

"You could always use your other name—Theo, you know? Pare-parehas tayong JTs, e."

Nagkibit-balikat ako. Maging ako ay sanay lang sa palayaw kong JT at parang ang hirap na baguhin.

"Yeah, well, ikaw lang naman ang gumagamit ng palayaw na JT." 

"Sabi ko nga."

Nang tuluyan kaming makalabas ng opisina ay agad kaming dumiretso sa restaurant ng hotel. Iilan na lang ang mga tao roon at karamihan ay puro guests.

Agad kaming in-entertain na magkapatid at pumuwesto sa lugar kung saan tanaw ang infinity pool sa labas. Madalang pa yata sa patak ng ulan ako kumain dito at kadalasan ay nagpapadala lang ako ng pagkain sa opisina.

"Magbakasyon kaya tayo, Kuya?"

"Bakasyon?" Kumunot-noo ako at umiling-iling. "Don't tell me pagod ka na agad sa trabaho?"

"Ang strict kasi ni Dad. He still wants me to start from the bottom even though we own the company."

"Look, Thayne, it's for your own good. Believe me. Mas masarap pa ring kilalanin ka ng mga empleyado mo dahil qualified ka talagang maging boss at hindi dahil anak ka ng may-ari ng kompanya."

BABY, IT'S YOU (Baby You Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon