Wattpad Original
Mayroong 2 pang mga libreng parte

Chapter 6

3.9K 129 0
                                    

CHAPTER 6

Maxene


Tiningala ko ang mataas na hotel at wala sa sariling ngumiti. Hindi man kataasan ang suweldo ko sa restaurant, alam kong sasapat ang kinikita ko roon para makapag-aral ulit.

Nahinto ako sa pag-aaral no'ng senior high school dahil na rin sa kagagawan ng aking ina. Wala na raw siyang pangtustos sa pag-aaral ko kaya pinagtrabaho na lang ako para daw makatulong sa pag-aaral naman ng mga anak ng kinakasama nito.

At kahit pa maiba ulit ang kinakasama nito, palaging ganoon ang katwiran niya. Sayang lang daw ang perang gagamitin sa pag-aaral ko. Mas mabuti pa raw na magtrabaho na lang ako at makatulong sa mga gastusin sa bahay.

Malalim akong bumuntonghininga at muling itinuloy ang paglalakad. Karaniwan kong trabaho ang magpalipas ng oras sa bookstore at tumingin-tingin ng libro. Hindi ko man iyon binibili agad, natutuwa pa rin ako kahit na pabuklat-buklat lang.

Pero sa halip na pumunta sa dati kong pinupuntahan ay umiba na ako. Nakahihiya na rin kasing pumunta roon simula nang mapagkamalan akong shoplifter.

Higit na mas malaki at mas maganda ang pinuntahan kong bookstore. Bagong bukas lang iyon at sobrang ganda pa ng ambiance sa loob. Hindi rin iyon kalayuan sa hotel kung kaya kaunting lakad lang ay nandoon na ako.

Agad akong kumuha ng English books at binuklat-buklat iyon. May kung ilang libro din ang binuksan ko bago maupo sa sahig at nagbasa-basa.

Marami mang costumer ay hindi pa rin magkakadikit ang mga tao sa laki noon. May pailan-ilan ding panay lang din ang tingin gaya ko kaya hindi na rin nakahihiyang tumambay.

"So, are you still in school?"

Agad akong napatingala sa nagsalita at ganoon na lang ang gulat ko nang makita ang gwapong mukha ni Boss JT na tipid pang nakangiti sa akin.

"S-sir!" taranta akong tumayo at agad na ibinalik ang book sa rack. "H-hindi pa po. Nahinto po kasi ako. Nagpaplano pero hindi ko pa rin alam kung kailan. Mag-ipon pa po ako."

Pormal lang siyang tumango-tango at kunwa'y kinuha ang librong kababalik ko lang sa rack. Ibig kong mahiya dahil doon.

"Hanggang anong year ka lang ba?" kuryoso pang tanong niya at saglit na binuklat ang libro.

"Senior high school po..." nahihiya kong sagot.

Hindi naman siya kumibo at tumango lang. Kunwa'y muling ibinalik ang libro sa dati kong pinaglagyan.

"Nag-ALS ka na?"

"Opo. Naipasa ko rin naman po iyon."

"That's good. You know what? I can help you if you want. You can actually go to college for free."

"Libre po?" Nanlaki ang aking mga mata. "Government school?"

"Nope. My family owns a school. At karaniwan naming tinutulungan ang mga gaya mong hindi nakapagtapos ng pag-aaral dahil walang kakayahan."

"Po? Talaga po?" Hindi pa man ay na-excite na ako.

Tumango siya at tipid na ngumiti. "Kailangan lang, masipag ka mag-aral. Gusto namin ang masipag mag-aral. So, are you interested?"

Saglit akong nag-isip at nagkalkula ng mga naipon ko. Alam kong kasya na ang mga naipon ko, pero kailangan ko pa ring magtrabaho para matustusan pa rin ang sarili ko sa pang araw-araw.

"Puwede kang mag-aral sa umaga at magtrabaho naman sa hapon kung iyan ang inaalala mo."

Hindi ako makapaniwalang nabasa na agad niya ang nasa utak ko.

BABY, IT'S YOU (Baby You Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon