CHAPTER 5
Jorge Theodore
Wala ako sa sariling kumunot-noo habang tinatanaw si Max na naglalakad sa madilim na kalyeng iyon. No wonder hindi na niya napapasok pa ang taxi, dahil bukod sa kabilaan ang parada ng mga sasakyan ay makipot iyon at halos walang maikutan. Mabuti na lang din at naisipan kong bumaba dahil kung hindi, magiging problema pa ang paglabas.
Ito pala ang nilalakad niya pauwi. Parang hindi safe sa babaeng gaya niya.
Wala ako sa sariling umiling-iling at bumuga ng hangin. Hindi ko alam kung bakit all of a sudden ay nag-aalala ako sa babaeng ni hindi ko nakikilala.
I must be fucking out of my mind.
Saglit akong huminto nang pasukin niya ang isang bahay na may maliit na space sa harap. Nang tuluyan siyang makapasok sa loob at masigurong maayos na talaga siya ay saka ako nagdesisyon nang umuwi.
Why am I still doing this? I don't fucking know.
Namimigat ang aking mga mata at kulang na lang ay bumagsak iyon dahil sa sobrang antok. Pag-uwi ko kasi sa bahay kagabi ay hindi pa ako kaagad dinalaw ng antok. Kung wala lang akong kailangang tapusin ay hindi na muna sana ako papasok sa opisina.
Matapos na makapagtrabaho saglit ay nagdesisyon akong bumaba sa restaurant. I've never done this before. Hindi ako umaalis ng opisina kung pagkain lang ang problema. I know too well why the hell I am doing this. Gusto ko lang makasigurong ayos lang si Max.
Sa bungad pa lang ay bumati na sa akin ang ilang mga staff. Agad na rin sinigurong maayos ang dati kong inuupuan kung saan tanaw ang pool.
Pasimple akong nagmasid at agad din namang nahagip ng aking paningin si Max na noo'y namumula ang pisngi habang nakatingin din sa akin.
Tipid akong ngumiti at tinanguan ito. Ganoon din naman ang ginawa niya.
What am I going to do now, huh? Sabi ko na nga bang pagdating sa ganito, wala akong alam.
Pero ganoon na lang din ang pasalamat ko nang makitang siya rin pala ang magdadala ng in-order kong kape.
Thank God!
"Good morning po, sir."
"Good morning, Max," pormal na bati ko. "Naabutan mo ba sa bahay ang kaibigan mo kagabi? Iniwan ka nga?"
"Opo. Nandoon na po."
"Oh, I see." Tumango-tango ako.
I am already lost for words. What now, huh?
"May gusto pa po kayo, sir?"
"Why don't you have a chat with me?" Inilahad ko ang kamay ko sa katapat na upuan. "Maupo ka muna."
"Po?" Gulat pa siyang tumitig sa akin. Akala mo ba nakakita ng multo.
Sinenyasan ko siyang maupo. At kahit na nag-aalangan ay agad naman din siyang sumunod.
"I hope it won't be too much to ask, but are you living in the same house as your friend?"
"Opo, sir."
"Where are your parents?"
"Um..."
Hindi ko alam kung bakit parang bigla siyang natensyon sa simpleng tanong na iyon.
"Oh, is it too personal? You can just—"
"Wala na po akong tatay. Matagal na pong p-patay... 'Yong nanay ko naman po... M-may ibang pamilya na kaya ako na lang po mag-isa."
BINABASA MO ANG
BABY, IT'S YOU (Baby You Series #1)
RomanceMaxene Sevilla is afraid of men--until JT Greene, her boss, comes along, and shows her that even the broken can be loved. *** Maxene works as a waitress for the hotel-restaurant the rich and handsome JT Greene owns. As a tomboy, she never thought s...
Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte