Venice Bridget's POV
["Sa likod! Sa likod!"]
Inis akong sumandal sa gaming chair ko dahil sa pagsigaw ng kakampi ko.
Kung makapagmando e akala mo hindi s'ya ang bobong unang napatay ng kalaban kanina.
"Ay gago!" Banggit ko sa pagkagulat ng may sumulpot na kalaban sa gilid ko. Buti nalang at naka off ang mic ko dahil ayoko din naman na may makaalam na babae ang kalaro nila.
Tatakbo na sana ako papunta sa building kung saan dapat i-planta ang bombang nasa akin ng agad na napahinto dahil sa isang daplis na tama ng sniper sakin.
["May sniper."] Dagdag pa nito.
Yamot kong iminute ang nagsasalita at bahagyang nagtago para hindi makita ng kalaban. Tatlo pa kasi ang kalaban at nag-iisa nalang ako, kaya hindi ko ngayon alam kung paano sila malulusutan gayong nasa kabilang building ang lugar kung saan ko dapat i-planta 'to. Bakit kasi ang bo-bonak ng mga kakampi ko?
"Lintek na 'yan." Bulong ko habang humahanap ng daan. Bakit ba kasi ganito ang Search And Destroy? Kaya ayoko ng mp e, nakakahilo!
"Bakit ka kasi d'yan dumadaan?"
Natanggal ko ang kanang bahagi ng headphones na suot ko ng may narinig akong nagsalita sa likod ko.
Agad na napataas ang kilay ko ng makita si Marcus na nakahalukipkip sa likod ko at nakatingin sa pc ko.
"E, wala naman akong madadaanan na iba. May nakaabang sa kanan at kaliwa, may sniper pa." Bugnot na angil ko sakan'ya bago humarap muli sa pc pero gano'n nalang ang gulat ko ng agawin n'ya bigla ang controller sa kamay ko, isinuot ang headphones kasabay ng pagbubukas ng mic ko at ng mic ng iba.
Hinatak n'ya pa ang isang upuan katabi ng kama bago 'yon hinila sa tabi ng inuupuan kong gaming chair.
Ipinagkrus ko ang mga braso ko habang pinanonood s'yang maglaro. Siya kasi ay mp main, ako naman ay br main kaya hindi ako masyadong sanay sa ganito. Palibhasa, isa din s'yang adik sa Call of Duty o kung ano ano pang online games kaya alam n'ya kung paano maglaro.
"Pwede manahimik ka? Bobo ka na nga, dami mo pang satsat." Nailayo ko ang ulo ko ng biglang magsalita si Marcus sa mic na suot n'ya. Siguro ay dumakdak nanaman 'yong lalaking ka-team ko.
Napatingin ako sa screen at gano'n nalang ang pagkunot ng noo ko ng makitang may nilusutan s'yang parang butas na maliit, kailangan pang mag crouch para makadaan lang tapos ang labas n'ya ay parang maliit na building din.
"Ba't hindi ko alam 'yang lagusan na 'yan?" Bulong ko sa sarili ko pero napalingon pa rin sa'kin si Marcus habang nakangisi. Sus, masyadong bilib sa sarili.
Pinanood ko s'yang mapatay ang dalawang kalaban hanggang sa makarating s'ya sa isang building kung saan maipaplanta ang bomba.
10 seconds nalang ng biglang manlaki ang mga mata ko dahil nakita ko na dumaan 'yong kalaban sa labas ng kwartong kinalalagyan ng bomba!
"Ayon! Ayon! Ayon!" Sabi ko na may action na habang itinuturo ang kalaban.
"Nakikita ko, babe, parang tanga. Hindi na 'yan aabot." Puno ng kumpyansang sinabi n'ya 'yan bago kinuha ang cracklings na kinakain ko na nakapatong sa lamesa ko.
"Hoy! Ang kapal naman ng mukha mo! Cracklings ko 'yan!" Sigaw ko sakan'ya habang itinuturo pa s'ya. Amba ko 'yong kukunin ng iharang n'ya ang isang kamay n'ya dahilan para mapahinto ako sa binabalak ko.
"Cracklings ka talaga eh, no? Mamamatay ka na't lahat, inuuna mo talaga yang cracklings, hindi naman sa'yo." Sabi ko bago bugnot na naupo. "KSP na, PG pa." Bulong ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/289977082-288-k634821.jpg)
YOU ARE READING
Seduce And Destroy
Romance"Some stories just don't have a happy ending." - Venice Bridget Marcus Sasaki and Venice Bridget. Can two different worlds collide just because of love? Or should they just leave it like that for each and everyone's peace?