CHAPTER 1

323 19 5
                                    

KIMBERLY'S POV

Maaga akong gumising para pumasok sa nilipatan kong school.

"Kim, maglinis ka raw ng bahay, may pupuntahan lang kami." Utos ni ate Kaye.

"Pero ate, may pasok kasi ako ngayon 'tsaka first day ko sa nilipatan kong school,"

"Eh ano naman ngayon? Ano naman kung first day mo?" mataray niyang tanong.

"A-Ate, bawal kasing ma-late dun," halos mangiyak-ngiyak kong saad.

"Psh! Porket naka-scholar ka sa mamahaling skwelahan na 'yon, nagyayabang ka na!"

"Hindi naman sa ganon, a–"

"Para san pa't nag-aaral ka pa e ang pangit naman ng pagmumukha mo? walang tatanggap sa katulad mong walang kaayos-ayos sa sarili!"

Sa sinabi niyang 'yon ay hindi ko na napigilang tumulo ang mga luha ko. Lagi ko naman nang naririnig ang mga salitang 'yan pero apektado pa rin ako.

"Ano naman kung pangit ako? Kasalanan ko bang sa 'kin napunta ang kapangitan na 'to?" Umiiyak kong tanong.

"Anong nangyayari dito?" Sulpot ni mama. "Rinig na rinig sa labas ang sigawan niyo!" dugtong pa niya.

"Iyang magaling mong anak, nagdadrama na naman." Turo sa 'kin ni Ate.

Bumaling sa 'kin si mama. "Ikaw naman, matuto kang rumespeto sa nakatatanda sa 'yo," sabi sa 'kin ni mama habang dinuduro-duro ang noo ko.

"Ma, Ate! I'm ready na, let's go!" ayà ng bunso naming kapatid na si Kenneth.

"Wag kang papasok hangga't 'di mo natatapos ang mga gawain dito," mariing bilin ni mama.

Malamang ihahatid nila si ken sa school at magma-mall. Habang ako? Eto nagmumukmok sa isang tabi.

Tinapos ko na lang ang mga gawain rito bago pumunta sa school.

2 hours na 'kong late, sana naman 'di magalit professor ko.

Pagpasok ko sa gate ng school ay halos wala nang studyante. Tinungo ko na ang room ko at kumatok ng bahagya sa nakasaradong pinto.

Bumukas ang pinto at dahan-dahan akong pumasok nang sumigaw si Ma'am.

"KEBAGO-BAGO MO, LATE KA NG MAHIGIT DALAWANG ORAS?!" Sigaw ni ma'am. Nagtawanan naman ng mahina ang mga kaklase ko dahil sa naging reaksiyon ko.

"Seriously po ma'am, magkakaroon po tayo ng bagong makakasama? At ang baduy pa ah." Sabay-sabay silang nagsitawanan.

"Okay enough, take your seat. I will introduce you," ani ma'am. "She's your new classmate, transferry from DLNHPS. So, sana pakisamahan niyo siya ng maayos."

My True Beauty (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon