KIMBERLY'S POV
Sa kalagitnaan ng klase ay may pumasok na dalawang studyante.
"Excuse me po, ma'am. Pinapatawag po si Ms. Kimberly De Guzman and Mr. Michael Santiago sa G.O," anunsiyo nito.
"De Guzman and Santiago," tawag sa 'min ni ma'am at sinenyasan na lumabas.
Tumayo kaming dalawa at sumama sa dalawang studyante.
Kasalanan ng lalaking 'to kung bakit maga-guidance na naman ako. Pagkarating sa G.O ay 'di na ako nagtakang nandito si mama at parent ni tukmol.
"Ano na naman bang ginawa mong bwiset ka?!" hirit agad ni mama. "Halos every school year mo puro guidance ka na lang lagi!" dugtong pa niya.
"Kailan ka ba titinong bata ka?" Hirit din ng mama ni tukmol. Pero mas mahinahon kaysa sa nanay ko.
"Hoy, ikaw! gan'yan ka na nga, ang hilig mo pa sa gulo. Ganiyan na nga ang hitsura mo 'di ka pa rin tumitino!" tanging ang boses lang ni mama ang pumupuno sa buong office.
"Pa'no ako matitigil sa mga gulo at bully kung kusa naman silang lumalapit sa 'kin?" hindi ko na napigilang sumagot.
"Edi umiwas ka! Wala ka na ngang tatay ganiyan ka pa. Ba't 'di ka gumaya sa ate mo? Responsable na nga, wala pang ibinibigay sa 'kin na problema." Umamba siya na hahampasin ako.
"Tsk! Ganiyan naman kayo e. Mas mahalaga pa si ate kaysa sa 'kin. Sino ba naman ako para pagtuunan mo ng pansin at atensyon? Eh, isa lang naman akong hamak na panget sa paningin niyo. Ni minsan nga 'di ko pa naranasang ipagmalaki mo eh. Gusto ko lang naman maranasan ang pagmamahal ng isang ina na ni minsan 'di mo pa naiparamdam sakin–" 'di ko na natuloy ang sasabihin ko nang dumampi sa pisngi ko ang malamig niyang palad.
Natahimik ang lahat.
Hindi na nakapagpigil na tumulo ng mga luha kong kanina pa gustong lumabas. Natulala sila tukmol at ang guidance officer sa nasaksihang kadramahan.
Lalabas na sana ako nang mahagip ng mga mata ko si tukmol.
"Ano, masaya ka na? Congrats, you're win, pagbutihin mo pa," saad ko bago lumabas at padabog na isinarado ang pinto.
Sobrang sikip ng dibdib ko. I need some fresh air.
Nagtungo akong rooftop at inilabas lahat ng sama ng loob.
MICHAEL'S POV
Sa dinami-rami na ng nabully ko, ngayon lang ako nakasaksi ng ganitong eksena. Parang medyo natauhan ako. Nasaktan ko na nga siya ng physical, nasaktan ko pa ang kaloob-looban niya. Nambubully ako ng mga studyante without knowing sa nararamdaman nila.
BINABASA MO ANG
My True Beauty (Under Revision)
Teen FictionThey did not know that Kimberly De Guzman was the daughter of a rich family, she was only adopted by what she considered as her family. Always bullied at school because of her appearance. She has a young friend who is Aron Montefalco. Fate will brin...