KIMBERLY'S POV
Tinungo ko ang parke dahil ayokong umuwi. Sigurado akong sermon lang ang maririnig ko sa bahay. Kumukulo na rin ang sikmura ko sa gutom.
Sa sabado hahanap ako ng trabaho para naman magre-renta na lang ako ng condo.
~kruuu~
Hayst! Wala akong dalang pera.
Kinuha ko ang Cp ko para tingnan ang oras; "7:32 pm" sumakay ako sa bike ko at umuwi. Ikinadena ko ang bike bago pumasok sa loob.
"Bakit ngayon ka lang?" bungad sa 'kin ni ate na naka-pameywang.
Hindi ko siya pinansin at nagdere-deretso papuntang sala.
"Hoy! Tinatanong kita, sa'n ka galing, ba't ngayon ka lang?" sunod-sunod niyang tanong.
"Concern ka ba talaga?" Kunot ang noo kong tanong.
"Sagutin mo ang tanong ko."
"Wala ka na dun."
"Huwag mo sabihing nag-aadik ka!"
Napasinghal ako. "Kailan pa ako nag-adik?" saad ko sa mariin na tono. "Mamaya mo na ako sermonan, gutom ako."
"Psh! Napakatigas pa rin ng ulo."
Kailan pa nagkaroon ng smooth head?
~KINABUKASAN~
"Gagamitin ko bike mo, mamasahe ka na lang," sàbi ni ate. Inabutan niya ako ng isang daan.
Maglalakad na lang ako sayang pa 'to.
"Bye, ate Kim!" paalam ni Kenneth.
"Bye, ken," paalam ko rin.
Habang naglalakad ako palabas ng village ay may napansin akong binubugbog ng kapwa studyante.
Hindi ko naman magawang hindi pansinin. Nakakakonsensiya naman kung iiwan ko itong duguan dito.
"Hoy! Ginagawa niyo sa batang 'yan?" nilaliman ko ang boses ko.
"Hahaha! Narinig mo 'yon, bata ka raw? Hahaha!" Tawanan nila.
"Bitawan niyo siya!" Hinigpitan ko ang bag sa balikat ko.
"Bakit, sino ka ba sa inaakala mo?" tanong nung kulay pula ang buhok na isa sa nambubugbog.
"Sa tingin mo ba matatakot kami sa 'yo?" Dumura siya sa lapag. "Sa bagay, malayo pa ang Halloween pero nagpapakita ka na. HAHAHA!" dugtong pa nito.
"Itsurang pang Halloween. Hahaha!" tawanan nilang lahat.
Habang mala-demonyo silang nagtatawanan sa paningin ko ay itinaas ko ang sleeve ng sweater na suot ko at kinundisyon ang kamao ko.
BINABASA MO ANG
My True Beauty (Under Revision)
Novela JuvenilThey did not know that Kimberly De Guzman was the daughter of a rich family, she was only adopted by what she considered as her family. Always bullied at school because of her appearance. She has a young friend who is Aron Montefalco. Fate will brin...