Enough

6 1 0
                                    

Enough



"Ang aga nila ngayon ah!" gulat kong ani ng namataan ko ang mga staffs ko na nasa may lobby na.

I smiled widely and parked my expensive car in front of my clinic.

I closed my eyes for a while and let my sense come back, and it did. After that, I grabbed my yellow bag and pushed the door of my car. I stepped out and gradually pushed the door back. I fixed myself as I looked at the other side.

Isang matipuno at matangkad na lalaki ang nagpatawid sa maglola. Nanliit ang aking mga mata habang sinusuri sila. Bumalik tuloy ang kirot sa puso ko noong panahong iniwan ko siya. Pagkarating sa dulo ay inalalayan ng lalaki ang maglola pa hanggang sa nagpasalamat at nagpalitan ng ngiti. Mas lalo ko tuloy gustong makita ang lalaking 'yon.

Umalis ang maglola at bumilis ang tibok ng puso ko ng lilingon sa banda ko ang lalaki. Tumalikod ako at kinalma ang sarili. Halos mapahawak pa ako sa ulo ng sasakyan ko.

Matagal ko na dapat siyang nakalimutan pero bakit parang ang pamilyar ng tindig na 'yon? Akala ko ba okay ka na Lenina Mien?!

After I brought back myself into sense, I walked silently and pushed the door building.

"Hoy! Dali na Len, lunch na!"

Sa halip na makinig sa kaibigan ko ay pinatong ko pa ang aking kamay sa armchair at dinikit dito ang aking pisngi habang pinagmamasdan ang matangkad na lalaki, maputi at Chinese na angel. Tumawa siya habang kasama ang kanyang mga kaibigan. Mukhang nag-uusap pa kung saan kakain.

"Sige una na kayo!" ani niya habang tinutulak ang mga kaibigan.

Para naman akong sira na sinuri pa ang bawat kilos niya. Kinagat ko ang labi ko ng may kung ano pa siyang nilalagay sa bag niya. Huminto siya at lumingon sa banda ko ng puno ng pagtataka. Napagulantang naman ako roon at mabilis na lumingon sa kaibigan kong nakataas na ang kilay at nakalingon pa kay Magnus.

"Lunch! Lunch, tama? Halika na Adelaide."

"Nakita ko 'yon ah. "

Nagsalubong ang kilay ko. Kunwari 'di alam ang pinagsasabi niya.

"Ang alin ba, Ade?"

She crossed her arms and leered at me. "Hm...kunwari 'di ko nakita."

Tumalikod siya sa akin at kinuha na ang bag niya. Agad naman akong sumunod sa pinaggagawa niya. Alam kong outsider siya sa amin pero kaibigan ko siya. Isa siya sa naiwang kaibigan ko. Well, away-bati nga lang pero mahal ko 'yan.

She knew already about my feelings towards Magnus. 'Di ko man sabihin pero talagang alam niya sa kilos ko. Gano'n nga yata niya ako kakilala o 'di kaya, may sense na siya sa pagkilala ng mga kilos ng tao.

Huminto ako at lumingon ulit kay Magnus. Busy na siya ngayon sa pagliligpit sa mga gamit niya. Isang masakit at may tunog ang narinig ko. Napahawak ako sa aking ulo.

"Ano ba! Ang dami pang gagawin ha. 'Wag ako Lenina Mien!"

"Oo nga. Ito na!"

Wala akong nagawa ng hilahin na ako ng kaibigan ko patungo sa lunch counter, pero hanggang doon umaasa pa rin akong makikita si Magnus.

"Akala ko ba. Wala na?"

"Wala na nga, at saka may gusto na akong iba."

That was my last words until I know to myself that I lost my feelings towards him. Alam kong malabo rin maging kami dahil grade seven pa lang may jowa na siya. Maganda, matalino, maputi at halos nasa kanya na ang lahat. Ilang beses man akong sabihan ni Ade na 'wag maingit doon pero hindi ko kayang pigilan. Isa pa si Magnus ay kaibigan ng ex ko noon, kaya ayaw kong may issue.

Crosspath(One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon