PROLOGUE - WYAIL

6 4 0
                                    

"I want to be with you. Gusto kita. Mahal kita pero alam ko naman na kaibigan lang ang tingin mo sa akin. Kaya nga tinitiis ko lang ang lahat kahit nasasaktan na ako ganun parin wala parin ako magawa kundi tiisin ang lahat kahit alam kong dapat hindi na dapat kita mahalin dahil may mahal ka nang iba." sabi ko sa kanya na nakangiti.

Kapag nag mahal ka wala kang magagawa kundi tiisin lahat kahit alam mong nasasaktan ka na.

Title: When you are in love
Genre: Romance
Status: Complete

(Best Friends Series)

Character:

Panjee Shion
Aryong Ferrer

A/N:

[Maliit lang ang chapter nito guy's. Mga nasa 5 chapter pang kaya segurado akong ma relate kayo sa story to.]

WHEN YOU ARE IN LOVE : PROLOGUE

       

                  Panjee



"Tara na!" Sigaw sakin ni Aryong.




Habang dala dala ko ang libro hindi ko talaga mapigilan na hindi  sapakin ang  lalaking 'to. Dinala niya ako sa magubat dahil gusto niyang mag pahangin.





"Yan ba ang epekto nang mga heart broken?" tanong ko.





Hindi niya ako sinagot. Umiling ako habang hawak niya ang kamay ko. Hinawi ko ang kamay ko at ako naman ang humawak nang kamay niya at tumakbo kami nang mabilis.




"Bakit dito?" tanong niya.





"Wag ka na mag reklamo - apakan kita diyan!" sigaw ko.





Napakamot siya sa ulo niya. Kababago lang namin galing sa school. Ang sabi niya nakipag hiwalay siya sa Girlfriend niya— ex niya. Pero sa nakikita ko para siya yung na epekto dahil parang wala mood ang mokong.







"Sabihin mo anong problema mo ha?" takang tanong ko. Hindi siya sumagot kaya kinuha ko ang libro ko at hinampas 'to sa kanya.





"Ano ba?!" Sigaw niya.





"Gago. Sagutin mo ako!" sigaw ko. Umiwas siya nang tingin sa akin. Kaya hinayaan ko muna siya. Mukhang ang laki nang problema ha? Umiling ako at umupo nang maayos.






Kinuha ko ang libro ko at mag basa na lang sana pero nag salita siya. "Ako nga ang nakipaghiwalay pero bakit ganito? Ako parin yung nasaktan?" takang tanong niya.





"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.






Hindi siya makatingin sakin. Hindi ko talaga kung paano sabihin na kung gaano ka gwapo si Aryong. Kahit maitim 'to sa sobrang laki nang katawan niya hindi mo matanggi na napaka hot niyang lalaki.





Napabalik ako sa ulirat na nagsalita siya. "Nag cheat siya sakin, Panjee," tugon niya.





"Tapos?" tanong ko. 'Don siya napatingin sakin.




Naningkit ang mata nito. "Hindi mo ako maintindihan dahil kahit kailan hindi ka pa nagka- boyfriend!" bulyaw niya





Tumawa ako. "Alangan naman. Sabi ko sayo gusto kita at wala pa akong balak magka-boyfriend, 'no!" Sigaw ko. "Kahit hindi pa ako nag ka boyprend naramdaman ko na ang nasaktan." Sabay ikot nang mata ko.






Hindi siya makatingin sakin. "Katulad ngayon...kahit alam kong may iniiyakan kang iba...nasasaktan ako kahit alam kong may mahal kang iba...nasasaktan ako pero ano magawa ko?" Tanong ko. "Kaibigan mo lang naman ako at saka wag mong kalimutan andito lang ako sa tabi mo dahil gusto kita at habang buhay kita maging kaibigan," sabay ngiti ko. "I want to be with you. Gusto kita. Mahal kita pero alam ko naman na kaibigan lang ang tingin mo sa akin. Kaya nga tinitiis ko lang ang lahat kahit nasasaktan na ako ganun parin wala parin ako magawa kundi tiisin ang lahat kahit alam kong dapat hindi na dapat kita mahalin dahil may mahal ka nang iba."







Kapag nag mahal ka wala kang magagawa kundi tiisin lahat kahit alam mong nasasaktan ka na.






Oo, alam niyang gusto ko siya. Nung umamin ako ang sabi niya lumayo ako pero kahit ganun parin hindi ko kaya yung ganun kaya ako naman ang nakaka alam sa naramdaman ko eh'. Kaya pumayag na lang siya na mag kaibigan kami dalawa.
Kahit masaktan ako dahil pakikipag kaibigan lang ang kaya niyang ibigay sakin.







Umupo ako nang maayos. "Gusto mo malaman kung bakit ka nasaktan kahit ikaw yung nakipaghiwalay?" tanong ko.





Nakita kong tumango siya. Bumuntong hininga ako. Nasasaktan ako dahil hindi niyang ako mahal. Nasasaktan ako dahil may mahal siyang iba. Nasasaktan ako dahil kaibigan lang kami dalawa. Nasasaktan ako dahil sinaktan siya nang mahal niya.






"Dahil hindi mo inaasahan na saktan ka niya? Dahil hindi mo inaasahan na hahanap siya nang iba kahit meron kayo? O dahil nasaktan ka dahil gusto mong pang habang buhay ka nasa tabi niya?" Tanong ko sa kanya.





"Sa tingin mo anong sagot, Panjee?" Tanong niya sakin.






"Hindi ko alam. Hindi naman ako ang nakaramdam diyan sa nararamdaman mo eh. Sa tingin mo anong sagot?" Tanong ko.





"Sa tingin ko...." Hindi niya din alam ang sagot.




"Sa tingin ko...Ang pangatlo" Sabi ko. Tumayo ako. "Alam kong masakit ang masaktan lalo na yung mahal mo sinaktan ka" Sabi ko.




Hindi parin siya makatingin sakin kahit nasa likod niya ako. Tumayo ako at hinarap siya. Kinuha ko ang panyo ko. "O ayan tanggapin mo." sabay bigay ko sa panyo ko.






Tinanggap niya yun. "Nag seselos ako pero alam mo naman kaya kong gawin lahat diba? Para lang mapasaya ka?" tanong ko. "Imiyak ka kahit ilang oras pero tama na, Aryong...wag mo na saktan ang sarili mo...Ayaw kong nakikita na nasasaktan ka." Sabi ko.





Ngumiti ako. Ginantihan niya din ako nang ngiti. Mahal kita Aryong pero alam kong kaibigan lang ang pag mamahal mo sakin kaya okay na 'to. Tama na din 'to...dapat na kitang iwasan para tuluyan na mawala ang nararamdaman ko sayo.





Pero wag muna ngayon mukhang  kailangan mo nang karamay. Pagkatapos nito....iiwasan na kita.





Mahal kita...huli ko ka 'tong pag amin sa sarili ko na mahal kita dahil mawawala din 'tong nararamdaman ko sayo.


Ngumiti ako nang mapait.


Bestfriend Series - SHORT STORIESWhere stories live. Discover now