"Sa pinto!"
Sabi ko ng halos pasigaw na. Kumunot naman ang noo niya at salubong ang kilay na lumabas sa banyo dala si Ayi. Jusko! Kailangan ba araw-araw kong makita ang isang 'to na naka-topless nalang? I mean... okay na 'yong topless sa akin huwag naman 'yong naka-topless na nga, naka tapis pa!
"Ah..." usal ko at umikot at umaktong nagkakamot ng ulo. "Nasaan na kayo 'yon?" tanong ko imbis na sagutin at magpaliwanag sa kaniya ay pinili kong mag-iwas ng tingin sa kaniya.
"Ano ba ang hinahanap mo?" Hindi ko siya nakikita pero nararamdaman ko na naglalakad na siya papunta sa akin. Napahawak naman ako dibdib ko dahil sa hindi malamang dahilan. "Are you looking for this?" tanong niya at tumango naman ako kahit hindi ko nakikita ang ibig niyang sabihin.
"Hinahanap ko si Ayi," kabadong sabi ko.
"Yeah, I know. Anyway, kunin mo na 'to." Nang dahil sa sinabi niya ay napilitan talaga ako na harapin siya. Parang isang kaginhawaan naman para sa akin ng makita ko siya na naka suot na ng sweatshirt, kahit sweatshirt palang.
Lumapit naman ako sa kaniya ng kaunti at inabot si Ayi ng ilahad niya ito sa akin. Kahit hindi ako nakatingin sa kaniya ay alam ko na sa mukha ko siya nakatitig, habang ako naman ay hindi makatingin sa kaniya. "Salamat po..." usal ko.
"Drop the 'po' Hasnah." he said with emphasis. Tumango naman ako sa sinabi niya, aamba na sana akong aalis ng may sinabi siya ng may magpatigil sa akin. "Ayi means friend, anyway."
***
"Okay na ba 'yang paso mo sa kamay, Hasnah?"
Tanong sa akin ni ate Carla habang pinapahidan ko ng cream para sa paso ang braso ko. Tumango ako pagkatapos ko siyang tignan. "Okay na, hindi naman na mahapdi," sabi ko.
Tumango nalang siya at lumabas na ng kwarto dahil naka-ayos naman na siya. Habang si aleng Sheila naman ay pinaplatsa ang uniporme niya. Ako naman? Hindi pa nakabihis, nakatapis palang, hindi naman ako nahihiya na mag ganito dahil sa tagal ng pamamalagi at palagi narin kaming magkasama ay hindi na ako nahiya. Ay isa pa, mga babae naman kami dito.
Pagkatapos kong matapos sa pagbibihis ay lumabas na rin ako ng kuwarto at dumeretso sa kusina para magluto ng umagahan ni Elvy. Kung noon ay naging routine ko na ang pumunta muna sa palengke para sa mga sangkap at kailangan sa lulutuin, ngayon ay hindi ko na 'yon kailangan dahil ang lahat ng kailangan mo ay sobra pa rito.
"Bakit hindi pa bumababa 'yon, aleng Sheila?" tanong ko mayamaya ng mapansin ko na hindi naman siya ganito palagi. Minsan nga ay nauuna pa siya na magising sa amin para mag-jogging sa labas.
"Hindi ko rin alam, hija. Hintayin nalang natin siya saglit tapos initin mo nalang ang ulam paniguradong malamig na 'yon."
Tumango ako sa kaniya at ginawa ko nga ang sinabi niya. Pero ng pumatak ang ala una ay hindi ko na napigilang umakyat at sumilip sa kwarto niya. Kabado ako pero mas nangingibabaw ang pag-aalala ko sa kaniya.
Pagpasok ko sa loob ay narinig ko agad ang impit na ungol niya dahilan para magkaroon ako ng pagdadalawang isip pero ng makita ko na tagaktak ang pawis niya habang nakapikit ay dali-dali akong lumapit sa kaniya.
Paglapit ko sabay tingin sa kaniya ay laking gulat ko ng halos mapaso na ako sa sobrang init niya. Nagmadali namang akong kumuha ng basin sa baba at bimpo ng hindi ko na nasasabi sa kanila ang nangyayari sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Jerk's Personal Maid
Romance[COMPLETED] "I am just a I am and he is expensive. He is Sylvester and I'm just a Hasnah Lim. I'm inlove with him but he's too high for me." Date started: December 4, 2021 Date finished: April 9, 2023 All rights reserved © 2021