PILOT CHAPTER : NE UNIVERSITY
Sharmaine POV
"OMYGAD! WE'RE HERE, YES!"
Agad akong napabalikwas nang marinig ang boses ni Francine, kaibigan ko.
Kinusot ko ang mata ko bago ko sya binulyawan sa inis."Yah! Ang lakas ng boses mo Francine! Di mo naman kailangan sumigaw jusko ka!"
'HAHAHA! SORRY NA BESTY! EXCITED LANG EH! NANDITO NA TAYO SA DREAM UNIVERSITY KO OH! LOOK! WAHHH!" At ang hule, di magkanda-ugaga at nagmadaling lumabas ng sasakyan.
Ni hindi na nag-abalang dalhin ang backpack nya or ayain man lang kaming mga kasama nya na lumabas. Haynako.
Iritado man ay di ko naman maiwasang gumanda ang pakiramdam nang ilang ulit na tumama sa mukha ko ang simoy ng sariwang hangin mula sa naiwang bukas na pinto ng kotse.
Ghad! Ang sarap naman. Probinsyang-probinsya.
Agad kong iginala ang paningin sa labas. Mapuno, madamo at tanaw mula sa pwesto ko ang mga bulubundukin.
Eto ang gusto kong bagong simula, malayo sa Maynila.
Di ko maiwasang mapangiti dahil sa natupad ko ang isa sa mga kagustuhan kong dumito para ipagpatuloy ang pag-aaral ko. Dito ko naisipang mag-aral para malayo sa masalimuot na pangyayareng kinalagyan ko noon. Di naman iba ang unibersidad na ito sa pinapasukan naming school dahil isa ito sa pinakamaganda at dekalibreng unibersidad dito sa Nueva Ecija.
Kasama ko ang mga kaibigan ko sa byaheng ito. Di talaga sila nagpaiwan lalo na si Francine.
"Natupad na wish mo. Malayong-malayo na tayo sa syudad, haha!"
Umayos ako nang upo nang marinig kong magsalita ang lalaki mula sa passenger seat, si Ryu. Sumilip siya sa akin sa backseat at kinamusta ang naging byahe.
"Ayos naman. May paepal lang na nanggising."
Tumawa lang sya at bumaling kay kuyang driver.
Pakisabi kay Papa na maraming salamat sa pagpapahatid sa amin."
Luminga ako at nakita ko si Francine na parang ewan na nakatingin sa mga nagdaraang tao.
"Tara na?" Nabalik ako sa wisyo nang ayain ako ni Ryu na bumaba na ng sasakyan. Tipid na ngiti lang ang isinagot nya matapos kong magpasalamat sa paghawak nya ng pinto para manatiling bukas. Kinuha nya ang mga bagahe namin sa trunk at pagkuwa'y nagpaalam na sa driver.
"Ingat po!"
Mas na-appreciate ko ang lugar nang makalabas ako ng sasakyan. Di matigil ang paghampas ng sariwang hangin. Inaalon ang buhok ko lalo na nung humarurot paalis ang kotseng sinakyan namin.
Malayo nga talaga ang paaralang ito sa syudad at iyon obviously ang naging daan para magtayo ng dormitoryo ang paraalan. Well, di naman ito sapilitan para sa mga estudyante pero kung gugustuhin mong mag-occupy ng dorm ay wala namang magiging problema. Sa laki ng bayad sa tuition ay kasama na rito ang mga bills at maging ang pagkain sa cafeteria.
Maganda ang unibersidad sa labas palang. Di na talaga ako nagtaka kung bakit malaki ang tuition fee neto kumpara sa mga napagtanungan naming unibersidad sa bayan. Kahit nasa probinsya ay pede mong maihalintulad ang disenyo ng unibersidad na ito sa mga nagtataasang gusaling mayroon ang Maynila. Hindi pa kasama rito ang mga professor na balita ko ay dekalibre rin daw.
