CHAPTER 1

1.2K 89 11
                                    

Chapter 1

Dei Pov

"From now on, doon ka na titira sa Lola Fausta mo!" Galit na saad ni Mama sa akin nang makapasok kami sa bahay.

Napalingon ako kay Papa sa aking likuran na nakasunod sa amin ni Mama. Nang tingnan ko si Papa ay nginitian niya lang ako, isang malungkot na ngiti.

Hinintay ko si Papa at nang makalapit na si Papa ay kumapit ako sa braso niya.

"Papa, hindi ka naman papayag sa sinasabi ni Mama, right? You won't let your princess live in province naman, 'di ba? Papa." Pakiusap ko kay Papa.

Napabuntong hininga si Papa at ginulo ang buhok ko. "I will try to talk to your mama when her head cools down. Ngayon, 'wag muna dahil baka ora-orada kang ipadala sa probinsiya, hmm."

Ngumuso ako at tumango kay Papa. Hinalikan ni Papa ang noo ko at pareho kaming napaigtad ni Papa nang marinig namin ang malakas na pagbagsak ng mamahaling bag ni Mama doon sa center table ng sala namin.

"Damn," mura ni Papa sa gulat.

"Ayan." turo pa ni Mama sa amin ni Papa. "Ayan, ayan na ang sinasabi ko. Kaya hindi nagtatanda ang anak mong 'yan, Phill kasi kinukonsinte mo! Kaya kahit na anong salita hindi 'yan nakikinig kasi kinukonsinte n'yo naman!"

Kinuha ni Papa ang kamay ko na nakakapit sa kanya at tinungo si Mama na nag-aalburuto na sa galit. Dinaluhan ni Papa si Mama na galit na galit na talaga sa akin.

Napanguso ako at dahan-dahan na naglakad patungo sa hagdanan dahil gusto kong takasan ang galit ni Mama ngayon. Kaso isang paa ko pa lang ang nakatapak sa hagdanan ay sinigaw na ni Mama ang pangalan ko.

"Deimos!" Pagbagsak ni Mama sa buong pangalan ko.

May ngiwi sa mukha na humarap ako kina Mama at Papa. Si Papa ay may pag-uunawa akong tiningnan saka binigyan ako ng isang tingin na palapitin doon sa kanila ni Mama. Napalunok ako nang makita ko si Mama na para na akong hahambatin sa galit niya.

Simple lang naman kasi ang ginawa ko. Kagabi may party ang isa kong friend. Syempre dahil magkaibigan kami na tunay inimbita niya ako. Kaso lang 'di pumayag si Mama kasi thru call lang ako nagpaalam kasi alangan naman nundon sila sa Gensan. Kaya ayon kahit na 'di pumayag si Mama ay pumunta pa rin ako sa party. Medyo may kasalanan din ako kasi 'di ako nagpaalam kahit man lang sana sa isang maid namin na aalis ako. Umalis ako nang tahimik at walang nakakaalam ni isa.

'Di ko naman knows na magwawarla pala ang mga kasambahay namin na nawawala daw ako at kaya ayon tinawagan nila si Mama at sa pag-aalala ni Mama napalipad sila ni Papa dito pabalik sa amin ng wala sa oras. Nalasing kasi ako kagabi sa party kaya ayon doon ako nakatulog sa bahay ng kaibigan ko, sa bahay ni Jona—Jonathan. At sumugod sina mama doon. Nakakahiya but I have faults.

"Alam mo ba kung gaano ako nag-alala nang tumawag sina Yaya na wala ka rito sa bahay at wala ka sa kwarto mo, huh, Deimos?!" Sigaw ni Mama kahit na napakalapit ko lang sa kanya. Ang center table lang ang naghihiwalay sa amin.

Nagbigay ng sign sa akin si Papa na 'wag ko nang sagutin si Mama. Kaya tahimik akong tumango at umupo na lang sa sofa namin na kulay gold. Pinagsiklop ko ang kamay ko na nasa ibabaw ng aking hita at yumuko. Tinikom ko na rin ang lips ko.

"Mahal huwag mo namang sigawan ang prinsesa natin." Pagpapalamig ni Papa sa mainit na mainit na ulo ni Mama dahil sa akin.

Aaminin kong spoiled talaga ako dito sa bahay. Oo bakla ko. Alam ni Papa, ni Mama, ng ate ko at kuya ko kung ano ako. Alam ng pamilya ko kung sino at ano ako. Wala akong nalilihim sa kanila at ililihim sa kanila. Alam nila ang tunay na kulay ng kanilang bunso. Though alam nila kung ano ako pero ,'di nabawasan ang pagmamahal ng pamilya ko sa akin. Lalong-lalo na si Papa at Kuya Thales ko. Ang kakambal naman ni Kuya na si Ate Theano ay may pagkahawig sa ugali ni Mama kaso mahal na mahal naman ako ni Ate. Siya pa nga minsan nagm-make up sa akin. Kaya rin siguro ako bading na bading ngayon dahil kay Ate Theano.

Boundaries #1: Crossing BoundariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon