El Repetido y Su Ultimo Te Amo
(The Repetead and Their Last I Love You)
Nagising siya ng mapanaginipan na naman niya ang isang trahedya...Trahedyang wala naman siyang alam dahil wala naman siyang kaalam alam kung ano ito sapagkat ang nakikita niya lang ay ang malabong mukha ng dalawang nagsisigawan na para bang nagpapaalam sa isa't isa.Napahilamos nalang siya sa mukha ng biglang maalala ang boses ng dalawa ang hindi niya lang mawari sapagkat mag kaboses sila na magkaboses ng babae sa kaniyang panaginip.Umiling nalang siya at tumayo sa kaniyang kama pumunta sa malaking bintana at binuksan niya ito at sinamyo ang sariwang hangin.Samantalang tumuluyan muna sila sa Los Angeles dahil sa buong buhay niya ay Espaniya siya tumira ang kaniyang Ina ay dugong Pilipino at Espaniyol habang ang kaniyang ama naman ay buong dugong Espaniyol.Sa dalawamput taon niyang namumuhay sa mundo ay isa lang ang hiling niya ang makapunta sa bansa ng kaniyang ina.Ang Pilipinas na kaniyang pinapangarap na puntahan.Sa susunod na linggo ay uuwi sila ng pilipinas kasama ang kaniyang mga magulang.
Kahit sa Espaniya siya naipanganak,namuhay ay alam niyang mag Tagalog dahil na rin sa tulong ng kaniyang ina.Hindi niya mawari kung bakit niya lagi niya ng hinahanap hanap ang bansang ito nagsimula ito ng maikwento ng kaniyang ina ang pamumuhay doon sa bansa nila labing dalawa siya noon.Masaya,Kompleto....Pero nawala lahat ito ng dahil sa isang trahedya ng mawala ang daw ang kaniyang tiyahin ng kaniyang ina.Labing dalawa taong gulang ang kaniyang ina noon ng mawala ang kaniyang tiyahing masiyahin at mapagmahal dahil sa aksidenteng hindi nila inaasahan.Nahulog daw ang kotseng sinaksakyan ng kaniyang tiyahin ng kaniyang ina noon.Kasama ng kaniyang ang kasintahin nito noon.Ang kaniyang ina daw ang pinaka paborito ng kaniyang tiyahin noon kaya naman iyak ng iyak ang kaniyang ina ng mawala ang tiyahin nito.Iyan ang kwento ng kaniyang Ina sa kaniya.
Parang hinaklit ang puso niya noon ng maikwento ito sa kaniya ng kaniyang ina,Hindi niya maiwasang malungkot para sa dalawa.Pero ang kaniyang ipinagtataka ay parang nangyari na ito sa kaniya.Pero imposible iyon dahil sa hindi siya lumalabas ng kanilang mansion sa Spaniya at hindi pa siya nag karoon ng kasintahan kahit ni isa.
"Natalie Vanessa!Kakain na"Napamulat siya ng biglang pumasok ang kaniyang ina sa kaniyang kwarto.
"¡Mamá! ¿Por qué entras de repente en mi habitación sin tocar?"Nakakunot na tanong ni Natalie.
"Aba,Sinusungitan mo na naman ba ako Natalie Vanessa Fernandez Garcia?"Nakataas kilay na tanong ng kaniyang ina.
"Mama naman kasi ginulat mo ako eh!"Nakangusong sabi ng dalaga.
"Pareho lang naman ah kung kinatok kita tapos nakapikit sinong magugulat?"
"Mama!"tumawa lang ang kaniyang at nilapitan siya.
"Hay,Kamukhang kamukha mo talaga siya"Nakangiting saad niya sa dalaga.Napakunot noo naman ang dalaga.
'¿Quién mamá?"Tanong ng dalaga.
"Wala,Halika na"Aya ng kaniyang ina,Nakakunot lang ang noo ng dalaga,'Sino ang sinasabi ni mama?'Tanong niya sa kaniyang sarili.
Sumunod nalang siya sa kaniyang papuntang hapag kainan.
"¡Buenos días mi hermosa Natalie!" Masayang bati ng kaniyang ama at hinalikan siya sa magkabilang pisngi.
"Maganda umaga sa gwapo kong ama!"Masayang bati niya rin sa kaniyang ama tiyaka sila nagtawan.
"Aysus Umagang-umaga ang dalawa kong mag ama naglolokohan na naman"Biro ng ginang sa dalawa.
"Dear, we weren't joking, we were just saying good morning too each other, my dear wife."Sabi naman ng ginoo sa kaniyang asawa.Mas bihasa ang ama ni Natalie sa Espaniyol at Ingles kaysa sa wikang Tagalog.
BINABASA MO ANG
El Repetido Y Su Ulttimo Te Amo
De TodoThey say that when a person dies, they can still live but not in their old body but they can be born again ... But what if two people die at the same time due to an unforeseen tragedy? Will they also live with at the same time as they died at the sa...