“what ? Di ko maintindihan !”
“Ayy. Naku Ate. Makinig ka kasi ! UULITIN KO ULIT ah !” naiinis kong sabi kay ate.
Paano ba naman kasi, kanina ko pa pinapaintindi yung sitwasyon, paulit-ulit din niya sinasabi yung
‘what ? Di ko maintindihan !’.
Di ba ?
Sino ba naman ang di maiinis jan ?
Kahit na miss ko siya, nakakapagod din kaya magsalita at ipaintindi sa kanya yung mga sinasabi ko.
Promise. Last na ito, pag di niya pa ito naintindihan.
Bahala siya sa buhay niya.
“Ganito kasi yun ate. Dun nga sa nagyari na consequence thingy. Ang gusto raw niyang consequence ay magkaroon ako ng boyfriend.”
“Then ?”
“Then yun ! Sabi ko ayaw ko, tsaka heler. Paano naman kaya yun at binigay niya lang sa aking time ay 2weeks ! Saan naman ako makakahanap ng boyfriend in just 2 weeks ? Aber ? Tapos pag di raw ako NAGKAROON NG BOYFRIEND in just 2 weeks magbabayad ako ng 7000 ! And two third na ng allowance ko yun.” Galit na sabi ko sa kanya.
“Relax. Magagawan natin yan ng paraan.” Kalmadong sabi nito.
“PAPAHIRAMIN MO AKO NG 7000 ?” sabay ngiti ng malapad.
“NO WAY !” sabay irap.
Problema nun ? Huhuhu.
Paano naman namin magagawan iyon ng paraan ?
Sa anong way ?
“Tsss. Sabi mo tutulungan mo ako . Yun pala hindi naman. Tss.” Pagmamaktol ko sa kanya.
“Sabi ko nga na tutulungan kita, pero hindi sa way na papahiramin kita ng pera. Hirap kaya kumita ng pera tapos ipapahiram ko lang sayo ? Lelang mo. “
“Ate naman eh ! Tinuring pa naman kitang ate tapos ganyan– “
“Tama na drama Morie. Hindi pera ang paraan. Ang dapat mo pagtuunan ng pansin ay paano ka magkakaroon ng boyfie ! And I have an idea.”
“And SO ?”
“Leche ka Morie. Ikaw na nga tinutulungan ganyan ka pa.” Sabay walkout.
BINABASA MO ANG
Upuan
Teen FictionPaano kung ang isang upuan ang magiging tulay upang magkaroon ng isang happily ever after sa dalawang tao ?