Prologue

147 8 1
                                    

WARNING‼️ This chapter contains strong and offensive language throughout. Reader's discretion is advised.

Alzena's POV



Sandali akong huminto para habulin ang hininga. Dammit, ngayon na lang uli ako nakatakbo ng ganito! Nakakapagod!

Habol hiningang lumingon ako sa likod para pakiramdaman ang presensya niya.

"You think you can escape me?"  nagulat ako nang bigla itong magsalita sa utak ko.

Kahit ilang milya na ang layo namin sa isa't-isa, hindi ko pa rin maiwasang hindi makaramdam ng takot lalo pa at puno ng galit at sarkastiko ang boses niya!

Fuck. Delikado ako kapag naabutan niya ako!

Napalunok ako at nagpatuloy sa pagtakbo.

Sa tantiya ko ay limang minuto na kaming naghahabulan dito sa loob ng gubat. Naiwan ko pa ang isang pares ng sapatos ko dahil sa pagmamadali at pag-asang makakatakas ako sa kanya. Pero hanggang ngayon ay nakasunod pa rin siya sa 'kin! And what's worse is that he is getting closer and closer to me!

"Dammit! Bakit ba kasi hindi ko siya matakasan!?" sambit ko na may halong pagkadismaya.

"Why do you badly want to escape from me? May nagawa ba akong mali?" Lucien frustratingly asked. Suddenly, I realized why I couldn't escape from him.

"Hold on... you're reading my mind?!"

"What? You're just realizing it now?" he chuckled.

"Dammit, I forgot that you're my mate, and mates can telepathically communicate with each other," I heard him laugh a little.

"Why are you laughing? Aren't you mad?" tanong ko dahil biglang nawala ang galit sa boses niya.

Dalawang bagay lang ang naiisip kong dahilan para mawala ang galit niya. Una, dahil hindi talaga siya galit. Baka may kaunting tampo lang siya dahil tumakas ako sa kasal namin. Pangalawa, dahil sa tingin niya, tanga ako. Ngayon ko lang narealize na binabasa pala niya ang isip ko kaya alam niya kung saan talaga ako patungo.

"I am. But if I remain mad, baka hindi na talaga kita maabutan. I don't want to lose you, Alzena."  sabi nito kaya bigla akong napahinto.

Dammit, yun pa lang ang sinabi niya pero parang hinihila na ang buong sistema ko pabalik sa kanya!

"Asshole,"  was the only thing I could say.

Huminto na lang rin naman ako, gagawin ko na lang yung dapat kanina ko pa ginawa.

Pinikit ko na ang mga mata at nag concentrate. "You're not serious about this, are you?" bigla ay sumeryoso ang boses niya.

Hindi ko siya sinagot. Nagpatuloy lang ako sa ginagawa ko.

"I am warning you, Alzena. Don't do anything stupid."

Hindi ko siya pinansin.

"Alzena," he called.

"Hey, Alzena."  pangungulit niya.

"Alzena!" he shouted, which annoyed me.

"What?! Can't you just shut up? Hindi ako makapag-concentrate sa ginagawa ko because you're being so loud!"

"Better."

Damn this guy. Hindi ko tuloy masarado ang isip ko dahil panay sigaw siya sa isip ko.

Rosella's BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon