PROLOGUE

29 0 0
                                    

Nababalot ng kadiliman ang buong kalangitan,gumuguhit mula rito ang mga matatalim na kidlat at tumatama sa iba't ibang bahagi ng lupain, bayan at Kaharian at kasabay nito ang malalakas na dagundong ng nangangalit na kulog

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nababalot ng kadiliman ang buong kalangitan,gumuguhit mula rito ang mga matatalim na kidlat at tumatama sa iba't ibang bahagi ng lupain, bayan at Kaharian at kasabay nito ang malalakas na dagundong ng nangangalit na kulog. Malakas ang ihip ng hangin na siyang nagiging sanhi ng pagkalagas ng mga dahon ng mga halaman at pagkabuwal ng mga puno. Nagsimulang mag alboroto ang mga bulkan na nagiging sanhi ng pagyanig ng kalupaan. Umaatungal ang karagatan na nagdudulot ng mga malalaking alon na humahampas at bumabasag sa mga bato sa dalampasigan. Bumabagsak sa lupa ang mga nagliliyab na bulalakaw mula sa kalawakan na nagdulot ng isang malawakang sunog sa mga kagubatan, mga kabayanan sa bawat lupain at Kaharian at pumaslang ng maraming nilalang. Isang tanong ang umiiral sa bawat isipan ng mga nilalang na walang nakapagbibigay ng isang malinaw na kasagutan o makapagpapaliwanag man lamang maging ang pinakamakapangyarihang Babaylan, na siyang nakakakita ng naganap,nagaganap at magaganap palamang.

Sa AVEDRAS........
Samantala sa Avedras na itinuturing na maluwalhating tahanan ng tanging Bathalang may gawa sa lahat, na ngayon ay nababalutan ng kadiliman at mula rito ay maririnig ang sigaw ng katapangan, mga sandatang nagkakalansingan sapagitan ng dalawang panig na may kaniya kaniyang prinsipiyong ipinaglalaban. Marami na sa mga Dravedan ang mga nasawi at nasugatan sa magkabilang panig, kabilang na rito ang Bathalang si Agurdan, ang nagpasimula ng rebelyon laban kay Bathalang EL Rajhem.

Nakaluhod na siya, pagod na pagod at sugatan habang nakatutok sa kaniya ang Espada ni Bathalang EL Rajhem.

" Sumuko kana Agurdan! Huwag muna akong bigyan pa ng dahilan upang paslangin ka!."

" Hindi ako susuko EL Rajhem madadaig mo man ako ngayon ngunit hindi sa panghabang panahon." Wika naman ni Agurdan.

Gamit ang kaniyang kapangyarihan ay sinakal ng Bathalang si EL Rajhem ang taksil na Bathala, at ito ay kaniyang isinumpa kasabay ng pagsilang ng isang bagong Propesiya.

" Sa Iyong ginawa ay may parusang dapat na ikaw lang sa lahat ang magdaranas; mula ngayon ikaw ay gagapang at ang kakainin mo ay alikabok lamang. Isang ina ang magsisilang ng isang makapangyarihang sanggol na babae. Marilag siyang tulad sa bukang liwayway, kagandahan niya ay tulad sa buwan,ningning niya ay parang araw na sayo ay makasisilaw at ang kaniyang pagdating ay tulad sa kakila kilabot na dumadaluhong na hukbo.Kayo ng babae ay aking Pag aawayin siya ang dudurog sa iyong ulo tanda ng iyong ganap na pagkatalo at sa sakong niya ikaw ang tutuklaw. Magdadala ka ng kaguluhan at pagkakawatak watak ngunit siya ay magdadala ng Kapayapaan at pagkakaisa ng lahat."

Pagkawika niyon ng Bathalang may likha ay pinatalsik niya ang isinumpang Bathala kasama ang kaniyang mga kampon patungo sa Sadarkhas.Habang sila ay bumabagsak ay unti unting nagbabago ang kanilang mga anyo na ang sinumang nilalang na makakakita sa kanila tiyak na sila ay katatakutan. Pansamantalang ikinulong sa isang bundok malapit sa Sadarkhas si Agurdan hanggang sa dumating ang araw na palalayain siya ng isang makapangyarihang nilalang na magmumula sa kaniyang binhi.

" Humanda kayo sa aking pagbabalik!." Wika ng isinumpang Bathala at umalingawngaw sa buong Sadarkhas ang kaniyang mapaghiganting tinig kasabay nito ang pagdagundong ng kulog at pagguhit ng kidlat sa langit.

MARITHEA'S TALETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon