7

84 3 0
                                    

Kenneth's PoV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kenneth's PoV

"Kenneth!"

"Oh Stella?"

"Uhm pwede magrequest?"

"Ha?"

"Can we... can we have a vacation together?"

Napataas kilay ko sa sinabi niya. Vacation?

"Kasama sina Ron?"

"No! I... I mean tayo lang dalawa. Di sila kasama"

"Ha? Bakit tayo lang?"

"Kasi ano..."

"Ano yun?"

"K-Kasi gusto ko magkaalone time with you!"

Napadilat naman ako sa sinabi niya, alone time??

"Okay ka lang?"

"O-oo naman hehe"

"Pinagsasasabi mo? Namumula ka, may lagnat ka ba?"

"W-wala!" Sambit niya sabay taboy sa kamay kong nasa noo niya.

"Sagot ko na. Basta tayo lang dalawa okay?"

"Teka. Kelan ba yan? Andami ko nang utang sayo wag mo na dagdagan Stella"

"Di to utang! Swear! Just... just spend time with me"

Stella's PoV

Di ko alam anong pumasok sa kokote ko but I need to move him away from those three hangga't di ko nalalaman buong katotohanan. Bahala na si batman

"Kelan ba? At saan? Madami ako trabaho Stella"

"Uhm. Makakapagpaalam ka for next week? Or no, bukas?"

"Ano?! Ikaw nag-aadik ka na ba?!"

"Uhm nevermind! Ngayon na pala!" Sambit ko sabay higit sa kanya paalis

"Stella?!"

Napatakbo na lang ako because fear suddenly went on my spine nang makita kong nakatingin samin yung lalaking kausap ni Ron nung isang araw

"Stella mawawalan ako ng trabaho!"

"Ako na lang magbabayad sayo!"

"Ano?! Idadaan mo na naman ako sa pera mo?!"

"No! Hindi! Hindi ganun yun! Kasi kailangan lang talaga nating umalis Kenneth!"

"Bakit ba?!" Iritang sambit ni Kenneth

"Kung para sayo madali mag-aksaya ng pera, hindi ganun saken. Nagsisimula na kong magpakatino Stella! Kailangan ko yung trabaho, kailangan ko yung pera!"

"Kenneth kasi nga..."

"Ano?!"

"Nalaman ko yung nakaraan mo!"

DemonyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon