11

83 4 0
                                    

Kenneth's PoV

Binantayan ko lang siya buong magdamag nang hindi ko na din namalayang kainin ako ng antok pagkatapos ng ilang oras.

Kinabukasan nanibago pa ko sa lugar na nakita ko pero naalala ko din ang rason bakit ako nandito. Hinanap agad ng paningin ko si Stella pero nataranta ako nang makita kong wala na siya sa kama.

Pumunta ako ng banyo pero wala din.

"Stella!" Sigaw ko sa takot na baka may nakakuha na sa kanya.

Lumabas ako ng hotel and I waited for hours pero walang Stella. Ano ba naman to?

Stella's PoV

"Welcome home my dear princess" sambit ni papa habang nakaupo sa office chair niya dito sa mansyon pero hindi ako nagsasalita.

Maaga akong nagising kesa kay Kenneth nang may nagdoorbell sa kwarto namin. When I opened the door andun na yung apat na bodyguards namin na agad sumugod sa loob at tinutukan ng baril si Kenneth

"Don't you dare" sambit ko sabay tutok ng baril ng isa sa kanila sa ulo ko

"Sasama ako just let him be" sambit ko before we exit the hotel room quietly.

"Geez why is your outfit so shabby? Yaya prepare her bath!"

"No" matigas na sambit ko

"What?"

"I'm leaving this place!"

"You think I'll let my daughter? The heiress of my multimillion company, leave just like that??"

"Just let me be dad!"

"And what?! Maging ganyan ka kasama?! I mean look at how awful you look right now?!"

"I did this to myself!"

"Exactly! That's why you can't leave!"

"Dito ako masaya dad!"

"Sa pagiging madumi?! Cut your nonsense. Bring her to her room and guard her doors. Make sure to dress her as properly as she has to be"

"Dad please listen to me!" Pagmamakaawa ko but to no avail

Kenneth's PoV

"Stella!" Sambit ko habang paikot ikot sa paghahanap sa kanya pero wala. Nanlambot na lang ang tuhod ko sa kalsada kasama yung mga naiisip kong posibilidad kung san siya napunta.

Ilang minuto din akong nakaupo sa lupa nang tumunog ang telepono ko.

"Hello?" Sambit ko ng hindi man lang tinitingnan kung sino ang tumawag.

"Hello, is this Kenneth Monasterio on the line?"

"Y-yes? Sino to?"

"This is Attorney Placido, family attorney of the Monasterios"

"T-teka teka ano ba to pano mo nakuha number ko?"

"I can't believe as well, but someone left a note on my front door with this number stating about you being alive and here you are, speaking"

"Ano naman ngayon?"

"We need to talk in person because we can't trust telephone lines right now sir."

"Pwede ba wag na muna? May hinahanap akong tao kailangan ko siyang makita"

"I can help you sir"

"T-talaga?"

"Yes. I'll reach out to you with the address and let's talk there"

"K-kelan?"

"If you can by now, we can meet?"

"Maipapangako mo bang mahahanap mo yung taong hinahanap ko"

"I've lived my whole life serving your father, mister Monasterio, I'm on your side"

Nag-aalangan man ako sa kung sino ang lalaking to wala na kong ibang option. Kailangan kong malaman san napunta si Stella. Hindi siya pwedeng mawala. Not now... not now na naamin ko na sa kanya na gusto ko siya

Third person's PoV

"Nakita ko na yung atty. ng mga Monasterio" sambit ng lalaki kay Ron

"Talaga?! San?!"

"Nakatira siya, dalawang bayan mula dito"

"Makakapunta ka ngayon?"

"Anong gagawin?"

"Di kami makakaalis dito dahil nawawala si Kenneth, aabangan namin kung babalik pero kung hindi kailangan makontak siya nung attorney"

"Bakit mo ba ginagawa to?"

"Sabihin na lang nating bumabawi lang ako" sambit ni Ron bago sinulat sa papel ang numero ni Kenneth at inabot yon sa lalaki na siyang nagdala nito sa bahay ng attorney ng mga Monasterio. Siya ang pinahanap ni Ron dahil alam niyang apat na taon ang nakakalipas, nangako ito sa publiko sa pagpanaw ng ama ni Kenneth na wala na siyang ibang pagsisilbihan kundi ang anak nito kung nabuhay man ito.

Hindi man inaasahan ng attorney na malamang buhay ang anak ng amo ay kumilos agad ito para makausap ang binata at dun na nga niya ito tinawagan

DemonyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon