10

85 4 0
                                    

Stella's PoV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Stella's PoV

"Stella? Stella gising"

"H-huh?" Wala sa wisyong sambit ko pero sinenyasan lang niya akong manahimik.

"B-bakit?" walang tunog na sambit ko kaya bumulong ito sa tenga ko

"Aalis tayo"

"San?!"

"Madaming nagmamasid sa labas. Mukhang natunugang andito ka sa bahay ko"

"Anhmm?!" Muntik na kong mapasigaw buti na lang tinakpan niya bibig ko.

"Tara na bilis"

Hindi ko man alam san kami pupunta nagpahigit na lang ako kay Kenneth at nakita ko ngang kahit ala sais pa lang ng umaga ang dami nang tao at puro nagmamasid sa bahay ni Kenneth. Buti na lang may daan sa likod kaya dun kami tumakas.

Kenneth's PoV

Bumili ako ng maipantataklob sa mukha ni Stella bago kami nagpatuloy sa pag-alis sa eskinita.

Hindi ko alam san siya dadalhin pero bahala na san abutin yung pera na meron ako. Basta makalayo lang kami sa mata ng maraming tao.

Sumakay kami sa bus at sinabing dulong estasyon kami bababa. May mangilan ngang napapamilyar sa mukha ni Stella kaya hinahangaran ko yun o nililihis ko ang telang nakatakip kay Stella. Tumagal ang byahe ng ilang oras kaya nakatulog kami pareho habang nakasandal ang ulo sa isa't isa.

Pagdating namin dun sa lugar naghanap ako ng hotel at agad inakbayan si Stella para malinlang ang front desk na magjowa kaming dalawa. Hindi naman umangal si Stella

"1 bed room na lang po ang available sir"

"Kunin na namin" madaling sagot ko at kinuha yung susi bago hinigit si Stella.

Akala ko makakalma na kami pagpasok ng kwarto pero kamang may petals na korteng puso ang bumungad samin na nagpasama ng sitwasyon. Sobrang awkward tangina.

"I-uhm, shower lang ako" sambit niya sabay diretso sa banyo. Nagkasama na kami sa isang bubong ng ilang buwan pero bakit ganito?? Bakit parang di ko kayang tumigil sa loob ng kwartong to na ganito ang atmosphere?

Stella's PoV

I washed up my face because it feels hot seeing that bed, geez.

"Stella ano ba matutulog lang!" Bulong ko sabay turo sa sarili ko sa salamin.

Huminga ako ng malalim bago lumabas sa banyo only to see that Kenneth has already swept the petals away.

"Dito ka na sa kama, may mahaba namang kutson, dito na lang ako"

"Will you be okay there?"

"Oo" sambit nito na nakaokay sign pa. Dumiretso ako sa kama at nagmasid lang ako sa ginagawa niya.

"Ken? Can I ask you a question?"

"Ano yun?"

"Have you ever liked someone before?"

"Huh?"

"I mean... the people around the area isn't really that bad especially the girls... you know?"

"Teka ano ba pinupunto mo?"

"Wala... iniisip ko lang anong klaseng mga babae nagustuhan mo dati"

Nagulat naman ako nang lumapit siya sakin tapos hinigit ako sa harap ng salamin

"Hey! What?!"

"Tumingin ka"

"Saan ba?" Sambit ko sabay tingin sa salamin pero natulala ako nang magsalita siya

"Yang nakikita mong babae sa salamin, yan. Yan lang yung isang babaeng nagustuhan ko"

Lumingon ako sa kanya only to see him back on the sofa with a smile printed on his face.

"Wag mo ko masyadong tingnan matutunaw ako" sambit niya kaya umiwas ako ng tingin bago pumwesto sa kama

"So... what now?" Tanong ko sa kanya pertaining to what we'll do next.

"Bukas na natin isipin, magpahinga ka na muna"

"But..."

"Sige na" sambit niya sabay tayo at punta sa kama to fix the bedsheet for me saka ako hinalikan sa noo.

"Good night Stella"

DemonyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon