PROLOGUE

3.5K 51 2
                                    

DISCLAIMER

This is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents are either products of my imagination or used fictitiously. Any resemblance to actual events, locales, or persons, living or dead, is entirely coincidental. The views and opinions expressed in the book are those of the characters and do not necessarily reflect my official policy or position. This novel contains mature themes and language. Reader discretion is advised.

______________________

NILIBOT ko ang tingin sa maingay na paligid ng club saka nagpakawala ng mabigat na hngin. Malakas na tugtug, makakapal na usok ng sigarilyo, at nakakahilong baho ng alcohol at yayamaning perfumes. I-ilan lang yan sa tanging maaamoy mo sa loob ng Night Club dito sa Manila na nagngangalang Luxe Haven, malapit ito sa building ng mga mayayaman kaya syempre tambayan nila ito.


Di na ako magtataka kong bakit tinagurian din itong club para sa mayayaman lang, e dati nga lang itong karender--


"Argh," napaungol ako sa sakit ng ulo at napapikit. Hindi ko na ata kinakaya iyong mga usok na nalalahap ko, nakakasakit na ng ulo. 


Umabot na kasi sa Bar area iyong usok ng sigarilyo mula sa Main lounge, kahit may Cigar lounge kasi hindi iyon madalas ginagamit ng mga customer dahil mapuputol lang daw ang pagsasaya nila paglalakad pa sila papunta roon.


Hinilot ko ang sintido ko. Parang tanga naman kasi! bat ba kasi dito pa ako napunta?!


Sa dinadami'ng club bakit dito pa talaga ako dinala ng mga paa ko, buti nalang nga at kilala ako nung guard kaya nakapasok ako kahit wala naman akong customer card. Minamalas ang ang buhay ko dahil sa lalaki'ng yun e, kainis.


"Nawala ako bigla sa sarili dahil lang sa isang lalaki, can't believe this," padabog kong nilapag sa countertop ang baso'ng hawak ko at umasik.


Nasaharap ako ngayon ng bar area ng club kong saan, ang mismo kong kaibigan ang nagsi-serve sakin ng alak na may kasama pang bulyaw. His been nagging me kanina pa na itigil ko na to, pero tuloy parin siya sa pagbuhos ng alak sa baso ko. Baliw.


"Hoy," rinig kong tawag nito sakin at bahagya pa akong tinapik. Tumingin ako sa kanya saka itinaas ang isang kilay, pahiwatig ng pagsagot. He's Soleil, my acting like a mother gay friend slash my roommate too. 


"Lumayas kana dito Sanchez, lasing kana," bulyaw niya at kinuha mula sakin ang hawak-hawak kong shot glass. Agad akong napairap."Di ako lasing," tumaas ang sulok ng kanyang labi dahil sa sagot ko, saka niya ako pinasadahan ng tingin.


Papikit-pikit kasi akong nakatingin sa kanya dahil sa hilo na nararamdaman ko kanina pa. Akala niya siguro nalalasing na ako dahil sa alak na iniinom ko.


 Napasimangot naman ako kaagad. Di na niya binuhusan ng alak yung baso ko...bitbit niya pa rin.


"Nanay ba kita? akin na nga yan," inis na ani ko tinutukoy ang baso'ng hawak niya. Agad naman niya akong pinagdilatan ng mata.


"Tumigil ka, alam ko anong nangyayari sa'yo," panggigigil niya pa sa'ka binaling ang tingin sa Main lounge na kinatingin ko rin doon.

Linked to My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon