Waiting

9 2 0
                                    

"Babe, nasa'n ka na? Papunta ka na ba?" Tanong ko sa boyfriend ko over the phone. Nandito na kasi ako sa restaurant na pinagkasunduan namin. Siya ang nagyaya, pero ako naman ang naunang pumunta.

"Of course, Elaine. Pasensya ka na, ah kasi late ako ngayon. Nakakahiya tuloy," he said from the other line.

"Okay lang uy. Alam ko namang busy ka rin diyan sa work mo, eh. Feeling ko nga sasabihin mo sa 'kin ngayon na mapo-promote ka na riyan. 'Di ba matagal mo na ring pinangarap 'yan diyan sa company niyo?" I asked. Oo, nakakainip maghintay. Pero I understand his situation naman. Good thing kaya kong umintindi.

"Hindi ka talaga nakakalimot, eh, 'no? Hahaha, oo matagal ko nang pinangarap. Pero siyempre mukhang malabo pa akong maging production manager for now kasi marami rin kaming mga aspirants, eh. Malamang pagpipilian pa," sabi niya.

Yes, you read it right. He is a producer. He's working on a TV network, actually. One of the people behind the cameras who made some certain shows on the work. Reality shows, most commonly.

"Ahh okay lang 'yan! Basta ako, I'll always support you, babe. I have always been one of your greatest fans. By the way, malapit ka na ba?"

"Yup, malapit na actually. Kaso mabagal lang ang usad. Heavy traffic sucks. Sorry talaga, babe ah. Promise sa susunod nating date, early na ako. Okay lang kung ako na ang maghihintay sa 'yo."

"Hay naku, babe. Okay nga lang sabi. Tsaka..." I looked at my watch. "H-Hindi pa naman ako matagal nakarating dito."

"Alright, babe. Salamat talaga sa pag-intindi. Anyway, see you! Love you!"

"See you rin, babe! Love you too!" I replied at nag-end na rin ng tawag.

I sighed. To be honest, hinding-hindi mangyayari ang sinasabi ni Joseph, my boyfriend, na siya ang maghihintay when it comes to this. Kasi sa aming dalawa, ako ang palaging early. I am always the one waiting. Siguro dahil wala akong masyadong work sa umaga. Pero busy naman ako sa gabi. Alam niyo naman ang mga call center agents dito sa Pinas, baliktad ang oras. At least most of us sa gabi talaga.

Actually, 25 minutes na rin akong naghihintay. Medyo matagal na rin, 'no? Pero naiintindihan ko talaga siya, promise. Hindi rin naman kasi madali ang work niya. As a producer of the upcoming reality TV show, I'm sure madalang na lang din ang mga spare time niya. 'Buti nga meron siya ngayon, eh. What I admire him the most ay humahanap naman talaga siya ng paraan na magkaroon ng time sa 'kin. He sets the schedule pero kaso nga lang, may mga emergencies talagang dumarating kaya nagiging delayed ang naka-set na sana naming oras. Pero okay lang, basta alam ko namang on the way na talaga siya.

Para naman malibang kahit papa'no, nag-scroll na lang ako sa YouTube para humanap ng pwedeng panoorin. Nang makahanap naman ng isang kararating pa lang na balita, agaran ko na itong pinindot.

"Elaine, is that you?" Some guy just mentioned my name kaya hinanap ko siya agad. I had to stop what I was watching and to my surprise,

"Uh, do I know you?" I frowned when I saw the guy kasi hindi ko lubos maisip kung kilala ko ba talaga siya.

"Ito naman oh, parang wala naman tayong pinagsamahan. Si Brandon 'to, oy hahaha! Kamusta?" Sabi naman niya na nakapagpalaki naman ng mga mata ko. He offered his hand to me na tinanggap ko naman.

"Brandon? Ikaw na 'yan?!" I unbelievably asked while shaking his hand. "Grabe, ang laki na ng pinagbago mo, ah! Heto, okay lang! Maupo ka muna!" Alok ko sa kanya.

Umupo naman siya sa nakalaang upuan na para kay Joseph.

"Hala grabe talaga. Seryoso hindi kita nakilala agad! Naging mabuti siguro ang panahon sa 'yo kaya't napakalaki na ng pinagbago mo ngayon!" Muling pagpapakita ko ng paghanga sa kanya. I can't help it, seriously. He looks so professional right now on his business suit kasi!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 16, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon