Ang Halakhak Ng Halimaw

68 14 29
                                    

ACHIEVEMENT:
3rd Place at Writers WriCon. Thank you so much poooo!

[Certificate of Recognition at the Media:]

Noong unang panahon ng Pransiya, may isang malaking kaharian ang isinilang

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Noong unang panahon ng Pransiya, may isang malaking kaharian ang isinilang. Namuhay ito nang payapa, at pinalibutan ng mga tapat at mapagmahal na mga tauhan. Ngunit nag-iba ang lahat nang umusbong ang bagong Prinsipe. Ito'y nagbigay ng walang kapantay na kasakiman sa kahit na sino, kung kaya't siya ay binigyan ng isang sumpa. Sumpang hindi inasahan. Sumpang hindi malilimutan. Sumpang nagdudulot ng kababalaghan. Sumpang tiyak na wawasak sa iyong katauhan.

Ngunit dumako tayo sa isang gabi na mag-iiwan ng kasaysayan sa buong kaharian. At ito'y magsisimula... sa isang kagubatan.

"Papa? Papa!" sambit ng isang dalagang nagngangalang Belle, sakay sa isang kabayo. Kasalukuyan siyang naghahanap sa kanyang amang hindi nakauwi sa bahay nito. "Papa, nasa'n po kayo?"

Malamig ngayon ang masukal at malawak na kagubatang humihingi lamang ng liwanag mula sa buwan. Ni isang bahay ay walang itinayo, maging isang tao pa man na dumaan. Tanging si Belle lamang at ang kabayo niya ang naririto sa nasabing lugar, isang bagay na hindi dapat ikawalang-bahala.

Habang tumatagal, lalong nagiging mapanganib ang kapaligiran. Hindi lingid sa kanyang kaalaman ang mga sabi-sabi sa naturang lugar, ngunit kanyang pinapairal ang matibay niyang hangad. Mahanap niya lang ang kanyang ama, panatag na ang kanyang kalooban.

"Philippe," sambit niya sa pangalan ng kanyang kabayong alaga. "Ikaw ba'y nasisigurong dito dumaan ang aking ama?" bakas sa kanyang tanong ang pag-aalala.

Patuloy pa rin sila sa kanilang paglalakbay, hanggang sa mapansin nila ang hindi pangkaraniwan. Sa madilim na parte ng daang hindi na malinaw sa kanilang mga mata, makikita ang isang nilalang na hindi pa matukoy ang kaanyuan. At ito ay nakaabang... sa hindi kalayuan...

Ng kanilang harapan!

Nakatayo lamang ito na tila'y nag-aabang sa kanila. Nais tukuyin ng dalaga ang nilalang kung kaya't pinaliit niyang kanyang mga mata, sa paniniwalang mas malinaw niya itong makikita't makilala sa ganoong paraan.

"Philippe!" bakas sa tinig ng dalaga ang takot nang muli niyang sambitin ang pangalan ng alaga. Nagsimula siyang kabahan. Ang lamig na kanyang naramdaman ay tila nadagdagan, 'pagkat kanyang mga balahibo'y nagsisitayuan. Hanggang sa dumating ang nakakakilabot na pangyayari: ang hindi nito inasahang halakhak na umalingawngaw sa mapayapang gabi. "Takbo!"

Mabilis na tumakbo patungo sa kanila ang hindi makilalang nilalang, dahilan upang sila'y mapabalik sa dating dinaanan. Sa takot na mahuli, sunod-sunod na hinampas ni Belle ang baywang ng kabayong sinasakyan. Naglabas naman ng malakas na dagundong ang humahabol na nilalang, kaya't nadagdagan nang husto ang takot ng dalaga.

"Philippe, bilisan mooo!" patuloy na sigaw nito. Ngunit sa kasamaang palad, biglang nagpakita't humarang ang halos hindi mabilang na mga lobong hindi malayo sa kanila. Sa bangis ng kanilang mga mukha at mapupulang mga mata, mahalatang gutom na ang mga ito, kaya't malayo ang pagkakataon na sila'y makatakas. Isa na lamang ang pumapasok sa isip ni Belle ngayon: ito na ang huling gabi ng kanyang buhay.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon