(19) 🍭

41 0 0
                                    

(Erin)
...

The game of Truth or Dare commenced. Lahat kami ay nakatingin lamang sa hawak ni Debbie na pink box. Katabi nito ay isang large-sized fish bowl na naglalaman naman ng mga pangalan namin.

Napalunok ako. Hindi ito tipikal na truth or dare kung saan maaaring kontrolin ang pag-ikot ng bote. Nakasalalay sa magagandang kamay ni Debbie ang kapalaran ko sa larong ito.

Habang hinahalukay na ni Debbie ang fish bowl ay panay ang usal ko ng dasal na hindi ako matawag. I don’t want to do any of the two options. Gusto ko na lang manood sa mga lasing na magsasayaw sa harapan ng bonfire kung sakali.

“You know the more that you fear about something to happen, there’s a probability that it could really happen,” untag ni Vincent na mas lalong nagpadagdag ng kaba ko.

I turned to face him. He looked calm and steady with his posture. Nakapatong ang isang braso niya sa tuhod niya at tila nag-aabang lang sa mga susunod na maaaring mangyari.

At the back of my head, gusto ko sanang sabihin sa kanya na natatakot akong mas mahulog pa sa kaniya. Natatakot akong mahalin siya at natatakot akong ipagpatuloy kung anoman ang nasimulan naming dalawa dahil natatakot akong mahalin din niya ako. Iyon kaya puwedeng magkatotoo?

I shut my eyes close and cleared my throat before talking to him. Kung saan-saan na naman ako dinala ng diwa ko kapag katabi ko siya.

“Hindi kasi talaga ako sanay sa ganitong uri ng laro. Pakiramdam ko magmumukha akong tanga kapag natawag yung pangalan ko tapos nasa gitna na ko ng lahat, tapos hindi ko naman magagawa yung dare kung sakaling iyon ang piliin ko. Kapag truth naman, kung ano-ano ang puwedeng itanong na baka pagsinungalingan ko pa,” mahabang litanya ko.

Vincent then faced me with arched eyebrows.

“Kahit kailan hindi ka nagmukhang tanga sa paningin ko, Erin. Even if you wear a clown's costume, you'll still be the prettiest one among everyone here," his voice is clear and solid, sounds assuring to me.

Nanlaki ng bahagya ang mga mata ko. I was blabbing out and he didn’t even mind. Now, he is complimenting me again, but here I go, making a fool out of myself by not responding to it at all.

Bago pa ako tuluyang nakapagsalita ay inagaw na ni Debbie ang atensyon ng lahat. Vincent gave a short smile before diverting his attention to Debbie.

I didn't know if it was me, or Debbie just winked at me before proceeding to speak.

I shrugged my shoulders and dismissed what I think I saw. Itinuon ko na lamang ang pansin kay Debbie na ngayon ay handa nang simulan ang Truth or Dare.

"Now that the game has officially begun, let's shake this pretty little pink box and find out our first victim," ani Debbie bago nagpakawala ng nakakalokong ngiti.

She lifted the pink box a little higher and shook it with all her might. I could tell by her actions that she is a little intoxicated as well. Despite of that, she still looks glamorous and dignified.

Habang iniikot ng leader ng sorority ang kamay niya sa hawak na kahon ay napadako ang paningin ko kay Amber. Hindi ko alam kung may pagkamanghuhula ba si Amber at sa tuwing nakatingin ako sa kanya ay nakatingin rin siya sa akin. Lukso ng ano ang tawag pag ganon?

He is calmly cross-sitting with his hands on his lap, looking so timid. Classroom lang ang peg? I rolled my eyes with my own ridiculous observations. Amber's still a mystery to me. I can't seem to put a finger on it, but he is even weirder than any of the guys that I have met before. Our meeting was not intentional, though. He just popped out of nowhere and pretended to be interested in me.

Sorority and PopsicleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon