(4) 🍭

204 16 1
                                    

(Erin)
•••

"Wag ako guys, kayo na lang," madiin ang pagkakasabi ko sa pagpupumilit nina Cookie at Amanda na gumawa kami ng production number para sa nalalapit na meeting de avance next week.

Napahalukipkip si Cookie at umirap sa akin. Si Amanda naman ay kagat-labing napapailing habang nakaupo ako sa gitna nila, confused with what they want to do.

"Dude, am I the only one here who thinks that having a production number is ridiculous?" Nagpalipat-lipat ako ng tingin sa kanilang dalawa. Cookie crinkled her nose a little bit at sabay silang tumango. Cookie showed pictures of the other party list, tila nagpapraktis ang mga ito ng kung ano.

"Kasi naman Erin, we've heard that the other party list is doing a production number. Isn't it a crowd-setter? Magpapakilala lang naman tayo sa kanila, sasayaw ng kaunti tapos konting pa-cute lang ang gagawin natin. Presto, instant winners na tayo noon," nakikita ko sa mga mata nila ang determinasyon. She really wants to do it. Kung hindi ko lang talaga kaibigan ang mga ito, malamang kanina ko pa sila nilayasan.

"Okay, sige. Pag-iisipan ko muna," bago ko maituloy ang sinasabi ko, niyakap na ako ng dalawa.

I rolled my eyes. Diskarte nga naman. Napapayag nila ako sa gusto nila in no time. I can't imagine myself dancing again in front of a big crowd. Graduate na ko sa pagiging cheerleader.

"Thank you president. Don't worry, you won't be having problems with anything. I've texted everybody and they already know," namurilat naman ang mata ko sa narinig.

"Paano naman nila nalaman agad, eh kaka-text mo pa lang?" Cookie patted me on the shoulders and look at Amanda, nodding. They have that mischievous smiles in their faces. Ginagawa lang nila ito kapag may ginawa silang kalokohan.

"Kahapon pa nila alam. Actually, may practice na nga tayo mamaya. Ikaw na lang kasi ang hindi pa pumapayag. So to save time and effort, inasikaso na namin ang ibang mga bagay, dahil alam naman namin na papayag ka," tinaas-baba pa ni Cookie ang kilay niya samantalang ako nagsisimula nang tumaas ang presyon.

"Sorry na, girl. Kasi naman we just wanted to help. Nakikita ko kasi na deserving ka, tayo, para sa mga posisyon sa school body kaya naisip namin na mag-provide na rin ng production number. Ang cool kasi non," Amanda said before she and Cookie reached out fo a hug. Unti-unti na akong ngumiti at niyakap na rin sila.

"Ayos lang iyon mga bugak. Basta wag niyo 'ko ilalagay sa gitna at iisa lang ang alam kong sayaw, pearly shell lang," biro ko sa kanilang dalawa. Nagtawanan kaming tatlo at nagplano kung paano gagawin ang production number.

Marami akong ideas na nagustuhan mula kay Amanda at Cookie. I see great working companionship between them. Kapag wala si Liam, they seem to collide very well.

Afternoon came and almost all of my members came, maliban lang sa mga hindi pinayagan ng subject teachers tulad nina Orna at Dustin. Liam also came. As usual, nauunang yumakap si Amanda dito, next to Cookie na medyo nagbago ang mood, niyakap ko na rin si Liam.

He is flashing his 'boy-next-door' smile at masayang nagkuwento sa amin about how his dad reacted after knowing his candidacy as Escort.

Hindi daw makapaniwala ang daddy niya dahil kilala daw siyang isang tahimik na tao tapos all of a sudden may event na pala siyang sinalihan.

"I told you, you are more than capable of running for the elections. Pero papayag ka naman pala, bakit hindi ka na lang naging bise-presidente ko?" I paused. "Wala ka bang kasama na dumating?" Pasimple kong tanong. Gusto ko mang pigilan ang leeg ko kakalingon sa paligid ay tila may sarili itong buhay.

"Aru, para ka na namang giraffe. Hindi ko kasama si prince charming mo at mukhang nakipag-date pa yata. Kidding. Baka umiyak ka," sa narinig ay namula ang punong-tenga ko.

Sorority and PopsicleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon