MESSENGER
DIM
1:46Dominador:
Grabe, may isa na namang inspired d'yan
May bagong post crush niyaGemiro:
Burahin mo 'yong comment mo, unggoy!
Alam mo namang may boyfriend 'yong tao, ehDominador:
Ay, sila na ba?
'Di pa yata!
MU lang ata, eh
Sabi no'ng Renzo sa comment, hindi pa rawDominador:
Alam kong unggoy ka, Miro
Pero parang mas okay ka pa kaysa ro'n sa Renzo
Gan'yan ba type ni Angelique?Iñigo:
Sino ba 'yong Renzo?Dominador:
Sa STEM 'yon, eh
Barkada ni Ramon
Eh, alam mo naman
Sikat 'yang grupo nina Ramon na mga loko-loko hahahaDominador:
Saka 'di ba, may bad record na sa babae 'yang si Germar
Nabalitaan ko, nang-two time na 'yan, ehGemiro:
Grabe 'yang chismis mo
Umaabot ka hanggang STEMDominador:
Gunggong, akala mo siya hindi!
Kabisado mo pa nga pangalan niyang barkada ni Angelique.
'Yong formula sa Math, 'di kinakabisa
Tropa ni Angelique, kabisadoGemiro:
Mas mataas grade ko sa 'yo sa Math, uy!Iñigo:
Isa sa mga kaibigan ni Abe Frontera?Dominador:
Oo hahaha
'Yong matagal nang crush ni Miro magmula no'ng Grade 11.
Bagal mo kasi, Miro. Hanggang ngayon, hindi ka pa rin kilala ni Angelique.Gemiro:
Wow, coming from you?
Dominador reacted 😠Dominador:
Hoy, kilala ako ni Nicodaine!Gemiro:
SIRA, SYEMPRE ISANG CIRCLE OF FRIENDS LANG NAMAN TAYO
Kaklase ka rin niya!
Hibang ka ba?Dominador:
🙄
Gemiro reacted 😆Gemiro:
Oh? Wala kang masagot, 'di ba?Dominador:
Tanga mo kasi
Akala mo boyfriend niya 'yong Xerxes no'ng Grade 11.
Tropa lang pala niya 'yon
Nakakaawa kaGemiro:
Ngayon, sigurado nang may boyfriend siya
Kaya 'wag na lang
#Respect
Dominador reacted 😆Dominador:
Sana all nirerespetoGemiro:
Wala ka kasi no'n
HAHAHADominador:
Ikaw lang naman binabastos ko, MiroGemiro:
Fafi
HAHAHAHAHA
Dominador reacted 😆Iñigo:
Kaya hindi kayo nagkaka-girlfriend, ehDominador:
Ang yabang porket may RozelGemiro:
Walang utang na loob, amp
Kung hindi ka namin tinulungan, wala kang Rozel ngayon!Dominador:
Iba na talaga kabataan ngayon
'Di lumilingon sa pinanggalinganGemiro:
Sa'n siya galing?Dominador:
Sa impyernoGemiro:
Tama
BINABASA MO ANG
Love You Much Better (DIM Series #2)
ChickLitDIM Series #2: Gemiro Gellera (This is an epistolary) Love makes you do things you've never done before. Because she views herself as a strong independent woman, akala ni Angelique Castro ay hinding-hindi siya magiging tanga at bulag sa pag-ibig. I...