Love You Much Better

7.3K 226 49
                                    

Hey, it's Hannah!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hey, it's Hannah!

Thank you for reaching this point. I hope you enjoyed the story despite it being a short and simple epistolary.

I can't remember what inspired me to write this for Gemiro and Angelique. But the drive to finish this was the struggle with self-love.

Mahalin natin ang sarili natin.

Kahit ako, nahihirapan sa aspektong 'yan. Akala ko, mahal ko ang sarili ko, tapos dadating ako sa puntong hindi na naman.

Ang daming beses ko na ring narinig na dapat na maging confident sa sarili pero talagang darating ang isang punto sa buhay natin na may sisira at sisira no'n.

Para kay Angelique, si Renzo.

Para sa iba sa atin, sariling kapamilya na bigla na lang tayong babatiin na tumaba na tayo o pumayat tayo lalo o mas dumami pa ang tigyawat natin—na hindi naman talaga nakakatulong, sa totoo lang. Hahaha.

Para sa iba naman, lait ng ibang tao. 'Yong iba, sa tingin ng ibang tao.

Nakakapanliit. Lalo na kapag ang insekyuridad natin ang tinapakan.

Lagi at laging may taong hindi tayo magugustuhan. Lagi at laging may darating na bigla na lang manlalait. Hindi naman kasi lahat, napalaki nang tama. Hindi lahat, may maayos na pang-intindi. Kaya hihintayin ba natin magbago ang lahat ng tao? Baka nabuhay na ulit ang dinosaur, 'di pa rin nagbabago ang mundo.

Kaya ang magagawa na lang natin, 'yong the way na i-handle natin ang mga insulto, 'yon ang hasain natin.

Masakit talagang makarinig ng lait sa iba. But it is wiser to just be the one to adjust to other people. Kasi kung hindi, tayo at tayo talaga ang maii-stress. Nakakapangit ang stress. Hahaha.

Sana, naturuan din tayo ng istorya na 'to kung paanong malaman kung ano ang dapat nating tanggaping pagmamahal. 'Wag nating hayaang maloko tayo ng pekeng pag-ibig. Buksan natin 'yong mga mata natin sa nangyayari. 'Wag maging bulag sa senyales na hindi ka na tinatrato nang tama.

Kung nakikita mo ang sarili mo sa posisyon ni Angelique kay Renzo, you deserve a love that is much better. At kung ikaw naman ang nasa puwesto ni Renzo at ikaw ang tumatrato nang ganito sa partner mo, sana alam mo kung ga'nong damage ang puwede mong maibigay sa kaniya.

Mabilis na mapagod ang tao. Kaya kung mahal mo, mahalin nang tama. Mahalin natin kung paano natin gustong makatanggap ng pagmamahal.

May mga puwede tayong makita mula sa Love You Much Better. Sana, nang nakita n'yo ang mga 'yon, mayro'n kayong natutunan at naisapuso. Iba't iba ang opinyon ng bawat isa at iba't iba ang perspektibo pero sana ay may napulot tayong lahat kina Gemiro at Angelique.

Thank you for reading! Follow me on Twitter: @overthingkingpen

God bless you and may the love of God overflow in your heart. 💛

Love You Much Better
by overthinkingpen

Started: December 30, 2021
Ended: December 31, 2021

I dedicate this story to those who lack self
love and those who find themselves in
complicated relationships. Always
know your worth. You deserve so
much more than you think.
Love yourself more.

WHAT'S NEXT?

War Series #2
Cold War

Follow me on Twitter: @overthingkingpen

SEE YOU THERE!

Love You Much Better (DIM Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon