01

7.9K 180 308
                                    

MESSENGER

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

MESSENGER

Renzo Germar
12:43

Renzo:
Sa'n ka?

Angelique:
Hiiii
Kasama lang si Novah. Bakit?
Miss mo 'ko? Hahaha

Renzo:
Kasama mo na naman 'yong Xerxes?

Angelique:
Hindi. Kami lang ni Novah.

Renzo:
Talaga lang, ah.
Seen

Renzo:
Ano 'yong pinost mo?
Burahin mo nga.

Angelique:
Alin ba?

Renzo:
Ang ikli no'ng top mo sa una.
Pinapakita mo 'yong tiyan mo.
Pinagpipiyestahan ka na ro'n sa comment section, oh.
Pinapakita mo 'yang balat mo.
Binabastos ka na tapos okay lang sa 'yo?

Renzo:
Pati 'yong pangalawa.
Ang ikli ng shorts mo.
'Di ba, sabi ko sa 'yo, 'wag ka nang magsuot ng gano'n?
Kailangan inuulit-ulit ko pa sa 'yo?

Renzo:
Burahin mo, Anj.
Seen

━━━━━━━━━━━━━

INSTAGRAM

━━━━━━━━━━━━━

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

━━━━━━━━━━━━━

MESSENGER

Renzo Germar
12:46

Angelique:
Okay na.
Binura ko na.
'Wag ka nang magalit

Renzo:
Paulit-ulit na lang kasi, eh
Sinabi ko na sa 'yo dati
Ayaw kong nagpo-post ka ng mga gan'yan

Angelique:
Sorry na nga.

Renzo:
Ba't gan'yan ang sagot mo?

Angelique:
Nagso-sorry na nga ako, Renzo, oh

Renzo:
Nag-aalala lang ako sa 'yo, Anj
Alam mo naman 'yon, 'di ba?
Ang daming loko-lokong lalaki
Iniingatan lang kita

Angelique:
I know

Renzo:
'Wag kang magagalit sa 'kin, okay?
Alam mo namang gusto kita, 'di ba?
Mahalaga ka sa 'kin
Kaya gusto kitang ingatan

Renzo:
Okay?

Angelique:
Okay

Renzo:
Galit ka ba?

Angelique:
No

Renzo:
Okay.
Seen

13:32

Renzo:
Pupunta pala ako kina Ramon mamaya

Angelique:
Na naman?
Kakapunta mo lang do'n kagabi, ah?

Renzo:
Kaibigan ko 'yon, syempre
Wala na nga akong oras sa kanila kasi tayong dalawa parati ang magkasama.

Angelique:
Bakit parang kasalanan ko pa?

Renzo:
Sinabi ko bang kasalanan mo?
Hindi kita sinisisi, Anj.
Ayan ka na naman sa mga bintang mo, eh
Seen

Renzo:
Sinasabi ko lang na gusto ko munang makasama 'yong mga kaibigan ko.
Masama ba 'yon?

Angelique:
Hindi

Angelique:
Sorry

Renzo:
Ano ba'ng nangyayari sa 'yo, Anj?
Lagi ka na lang gan'yan.

Renzo:
I'll text you later
Baka ro'n na rin ako matulog.

Love You Much Better (DIM Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon