b a k l a 31: Let's Look Luke

3.2K 107 5
                                    

Kaylee's POV

Nakaabot na pala kami sa may central park at mi isang salita ay wala akong malabas! Baka tae pa siguro, marami! (EW)

Hindi ko alam kung napapraning na ba ako? O praning lang talaga since birth?

Bakit parang naiilang ako dito kay Luke? Tell me!

Ang OA ko ba? Pero kasi, parang okay lang kay Shimi yung kanina? Parang mas masaya siya kung samahan ako ni Luke?

Noon, mas natutuwa ako nung mga times na may minus at dibaydibay, ay hindi!

Yung mga panahon na kapag tumabi si Luke sa akin ay tatabi din si Shimi, yun bang nagbibigay ako ng mga motibo na alam kong walang meaning naman para kay Shimi.

Yun bang, nagiimagination lang ako na may cloud 9 at cloud10 tapos namatay si cloud11, na alam kong imposibleng mangyari sa buhay ko pero nagiisip pa rin ako ng mga positibong bagay.

Tanggap ko naman na bakla siya pero hindi kaya ng pisikal kong anyo ang sabihin sa kanya itong nararamdaman ko.

Nabigla nalang ako nang hawakan ni Luke ang kamay ko kaya napatingin ako sa kamay niya,

parang...

Hinila ko ang kamay niya at tiningnan nang maigi. May birthmark ang kamay niya dati e, pinatanggal niya ba?

"Kaylee, it's been 4 months now."

"Ha?"

Nawala ang atensyon ko dahil sa malalim niyang boses.

"I know, I courted you for just a short time, but can I please hear your answer right now?"

Ano nga ba?

Paki translate nga muna?

Translator:

(Alam niya na short bond paper lang ang binili niya, pero gusto niya ng humingi ng answer sa test paper ngayon)

Ganun?

"Kaylee."

Hindi na ako makagalaw dahil titig na titig siya sa akin, alam kong behind those sunglasses, he stared at me intently, ramdam ko 'yun.

"I want to hear it."

"Luke."

"Please reveal yourself first."

May kutob ako na kilala ko ang lalaking ito.

Noong nasa underground room ako, naaninag ko ang mukha niya.

Masakit pero yun ang totoo e. Si Kenneth yung nakita ko. Alam na alam ko!

Nirerecall ko tuwing gabi kung namamalik-mata lang ba ako pero hindi e. Kilalang-kilala ko parin ang ex ko. Memoryang-memorya ko pa rin ang bawat detalye ng kanyang mukha.

Kinakabahan ako habang dahan-dahan niyang hinubad ang mask niya,

"Teka lang."

Napatingin siya sa akin at huminga ako ng malalim.

"Hindi ko kaya."

Napayuko ako.

Baka mabigo na naman ako, baka hindi si Kenneth ito.

Nagbago na pala ang isip ko.

"Luke, 2 years ago nagkaboyfriend ako. Sasabihin ko sa iyo ang lahat ha? Kaya makinig ka! Hindi naman siya masyadong gwapo, kapal nga ng kilay niya e at hati pa ang buhok, nakakadistract ang damit niya pero alam mo ba? Minahal ko siya."

Napangiti ako, bakit ba?

"Handa akong mapahiya kapag kasama siya, minsan naiilang ako dahil pinagtitinginan kami ng ibang tao dahil bagay nga daw kami,"

"Pangit ako, pero di ko alam pero nagwa-gwapuhan ako sa kanya."

"Minsan di bagay ang magsungit siya dahil sa pananamit niya pero isang yakap ko lang sa kanya tumatahimik na siya."

"W-Why are telling me this?"

Napatingin ako sa kanya,

"2 years na nga pero hindi pa rin ako nakakamove-on, mahal ko pa rin siya, mahal na mahal ko pa rin ang baduy na 'yun."

"Kaya sorry Luke, alam kong ang unfair kong tao pero,"

"Naintindihan ko naman."

Bigla ko siyang niyakap,

"Friends nalang tayo Luke." ngumiti ako

Tumayo na siya at naglakad, sinundan ko naman siya.

"Tanggalin nga natin!" pagbibiro ko

"No."

"Asus! Pabebe! Akin na!"

"Huwag."

"Friends na tayo diba? So tama na, hubarin mo na 'yan!"

Pilit kong hinahablot ang mask niya at umiiwas siya.

Nang mahawakan ko na ay---

"Shimi Bakla?!?"

Gangster ang Bakla!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon