b a k l a 40: Siya ang EX ko...

3.8K 107 0
                                    



Tahimik ang bahay, ano pa ba ang ieexpect ko? Nasa hospital sina mama at papa, wala na rin si Yannie. 

Pagod na pagod ang katawan ko, iisang gabi lang pero andaming nangyari, bukas ko na lang bibisitahin ang mga magulang ko, ang mabuti pa magpahinga nalang muna ako.


"Gising! Gising!"

Napamulat ako dahil sa may gumising sa akin, masakit talaga ang tiyan ko.


"K-Ken!" sigaw ko, siya pala ang gumising sa akin


Tumayo ako at lumabas na ng kwarto, kainis, di pa kami bati nito pero ang feeling niya talaga! Akala niya friends kami!

Di kami bati!


"J-Jude, K-Kevin, Clifford. A-Anong ginagawa niyo dito?! P-Paano kayo nakapasok dito!? Hindi pa tayo bati! Pinagkatuwaan niyo ako! Mga lalaki pala kayong mga bwisit kayo!"


"Kaylee, tanggap na namin na galit ka, pero mamaya na kami magso-sorry."


Tinaasan ko ng kilay si Kevin, tong hinayupak na alien na to! Mamaya nalang ang magsorry! Aba!


"Gurrrrllll! Kailangan mo ng magbihis! Maligo! Magtoothbrush! Dahil aalis na si Shimi este boss Skyler!" sigaw ni Ken sa akin tapos tinulak ako papuntang banyo.


"Ano ba!? Wag mo nga akong itulak! Maganda nga yun, di ko na makikita ang pagmumukha niya!" reklamo ko


"Aalis na nga kasi si Skyler!" napakamot ng ulo si Jude


"Magsisisi ka talaga!" banta ni Clifford habang nakahiga sa may sofa namin


"Ewan ko sa inyo! Lumabas na kayo ng bahay!" pagtataboy ko sa kanila,


Lumabas naman sila kasama ang sinakyan nilang kotse.


Pumasok na ulit ako ng bahay at di ko maiwasang sumilip sa kabilang bahay. Tahimik ito. Nagtaka nga ako kung bakit di sila pumunta doon, at agad silang umalis ng subdivision.


Baka umalis na nga si Skyler?


Crush ko pa rin siya diba?


Ewan!


"Tapos lalaki pala siya."


Nagulat ako sa nasabi ko. Pagsisisihan ko nga ba? Baka? Siguro?


Okay naman siguro kung sasabihin ko lang sa kanya, tapos gora na siya, atleast alam niya? Ang gulo naman nito!


Dali-dali akong naligo, at nag ayos ng isusuot ko at tumakbo patungo sa kabilang bahay. Tama! Sasabihin ko na nga, wala namang mawawala!


Gangster ang Bakla!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon